Article

2

Posted on : Sunday, September 13, 2009 | By : shapap | In :

Honeymoon Scene nina Kim at Gerald, usap-usapan!
Reggee Bonoan 09.13.09

Hot issue at maraming pumuri sa lovescene nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa honeymoon nila sa Tayong Dalawa, napaka-sensual daw na di nagpatalbog sa mga eksena sa pelikulang "And I lOve You So" nina Sam Milby at Bea Alonzo.

"Pampelikula ang dating," sey ng kakilala naming walang palya kung manood ng Tayong Dalawa. "Hindi mo aakalain na makakapag-deliver si Kim ng ganun considering na first bed scene niya 'yun sa TV at hindi nakitaan ng ilangan ang dalawa."

"Baka naman nakainom sina Gerald at Kim kaya maganda ang pagkakakuha," pabirong sabi namin sa isa pang adik sa Tayong Dalawa. "O dahil may relasyon talaga sila kaya hindi sila nailang sa isa't isa?"

"Naku, wala pong inum-inom," sey ng taga-production na tinanong namin, "exploitation po 'yun. Sa umpisa pa lang naman sinabihan na silang may ganu'ng eksena kasi nga mag-asawa na, at dinaan po sa magandang ilaw at editing.

Bago naman po 'yon inere, ipinapanood po namin sa Star Magic for their approval po, siyempe para hindi naman din kami sumabit.

"Nakakatuwa kasi positive ang dating sa lahat. At, meaning, tapos na sina Gerald at Kim sa teenybopper roles, at kailangan na nilang mag-mature, at maging ready for more mature roles like Bea, Claudine (Baretto) at iba pa po."

At least daw graduate na sina Gerald at Kim sa pacute-cute. Ang next project nila ayon sa source namin ay pelikula sa Star Cinema

Samantala, proud sa proud ang Kapamilya network kay Gerald na mainit na tinanggap sa nakaraang Cosmo Bachelors show sa NBC Tent.

Si Gerald kasi ang cover ng nasabing magazine kaya siya ang finale. 'Yun nga lang, wala si kim, nasaksihan sana niya kung paano pinagkaguluhan ang reel/real boyfriend niya.

Comments (2)

Gerald is a very handsome guy. I like him more because of his beautiful eyes. He epitomizes a guy every woman would wish for to be his forever.
I only wish he will continue to be a loving and caring person as he is. He is a true gentleman. I love the honeymoon episode so much that I downloaded and saved it in my personal computer. So kilig talaga the scenes. Beautifully executed and so perfect the impact to the audience. Many of my friends watch Tayong Dalawa without fail. Congratulations to all those who created/produced/and the casts- TAYONG DALAWA. I will surely buy the complete set of DVD's of TAYONG DALAWA.

sana my new teleserye din sina kim at gerald pagkatapos ng movie nila please abs give kimerald more projects

Post a Comment