Article

11

Posted on : Sunday, September 20, 2009 | By : shapap | In :

Gerald at Kim, sasabak naman sa pelikula
Vinia Vivar ( Journal Online ) 09.20.09

After Tayong Dalawa, marami ang nagtatanong kung saan naman susunod na mapapanood ang mga lead stars nito. Ang alam namin, pelikula naman ang pag-kakaabalahan nina Kim at Gerald under Star Cinema kaya tiyak na matutuwa na naman ang mga Kimerald fans.

Si Coco, mapapanood na ninyo siya agad sa Nagsimula sa Puso with Maja Salvador, Jason Aba-los and Nikki Gil dahil malapit na itong magsi-mula.

May isa pang serye si Coco, ang isa sa apat na istorya ng Agimat, pero malamang na next year na ito ipalabas.

Si Jake naman, kasa-ma siya sa Ruby with Angelica Panganiban and Diether Ocampo. Wala pang time slot ito pero ang alam namin ay this year ito ieere. Mayroon din siyang Agimat na naka-line-up.

* * *

SPEAKING of Gerald, hindi na nga talaga mapigilan ang patuloy na pag-angat ng aktor na kilala rin ngayon bilang si Tiagong Akyat.

Sa kanyang pangunguna sa listahan ng 2009’s hottest men sa isang kilalang fashion magazine, itinuturing na rin ang binata bilang isa sa pinaka-in-demand na leading men sa telebisyon ngayon.

Hindi napigilan ng madla na maghiyawan at kiligin nang rumampa si Gerald kamakailan sa entablado para sa event ng fashion magazine.

Patunay sa mga titulong ikinakabit sa binatang aktor ay ang kanyang mga TV projects na humahataw sa ratings. Bongga rin ang kanyang Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla Presents Tiagong Akyat na napapanood tuwing Sabado ng hapon sa ABS-CBN.

Sa pagpapatuloy ng kuwento kahapon, nais man magbago ni Tiago (Gerald Anderson) para sa kanyang anak na si Martin, hindi pa rin niyang mapigilan ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Kaya naman kasama ang kanyang mga bilanggong kaibigan, nanakawan nila ang bahay ng may-ari ng factory na nagtanggal ng mga trabahador sa iligal na pamamaraan.

Sa oras na malaman ni Martin ang mabuting hangarin ng kanyang ama, ipagmamalaki niya ito kahit pa hindi niya lubusang alam ang tunay na ginagawa ni Tiago. Samantala, bumalik si Tiago sa Cavite at may pagbabago siyang natuklasan.

* * *

Medyo maayos na ang kalagayan ng kaliwang mata ni Coco Martin na na-injure habang kinukunan ang isang action scene sa Tayong Dalawa last Tuesday. In fact, last Friday ay bumiyahe na siya patungong Cebu kasama ang mga co-stars sa serye na sina Kim Chiu, Jake Cuenca at Gerald Anderson para sa Grand Fans Day at pasasalamat sa mga tagasubaybay ng kanilang soap.

Nag-resume na rin ng taping si Coco for Tayong Dalawa dahil kailangan na nila itong matapos since isang linggo na lang ang nalalabing airing nito.

May mga bruises pa sa mukha ang aktor at medyo nanlalabo pa ang paningin ng kaliwang mata niya pero ayon naman daw sa doktor na tumingin sa kanya ay gagaling din ito pati na ang mga sugat sa mukha.

Ang lesson daw na natutunan ng aktor sa nangyari ay maging maingat na next time. Matitigas daw kasi ang ulo nina Jake at Gerald na talagang ayaw pa-double at walang takot kahit sa mga delikadong eksena.

Anyway, isang linggo na lang at magtatapos na ang Tayong Dalawa at balitang isang hindi inaasahang pagwawakas ang inyong masasaksihan kaya abangan kung ano ito.

Comments (11)

Maniniwala lang ako sa balitang yan kapag gumigiling na ang kamera, but for now, sana naman bigyan muna nila ng bakasyon ang dalawang bata. Kahit isa o dalawang linggong pahinga bago mag-umpisa ng another project. To Kim and Gerald, take care of your health at laging nasa lupa ang mga paa, huwag gumaya sa iba diyan na sumikat lang ng konti, mayabang na. Kaya mahal na mahal namin kayo. God bless you both.

sana magkaroon na ng new teleserye sina kim at gerald na silang dalawa ang magkasama please abs -cbn

mukhang magiging malungkot na ang gabi natin pagkatapos ng tayong dalawa, kasi di na natin makita ang kg. dahil lang naman sa kg kaya ako nanunuod ng tayong dalawa, kahit na madalas masakit sa dibdib manuod, dahil sa walang katapusang problema ng pamilya ni jr. magtatapos na nga lang me problema na naman, ang sakit sa puso ni audrey, hayyyyyyyyy

kimerald! woo, cant wait pag may bagong movie na sila. pero mamimiss ko narin ang tayong dalawa.

This is Thursday. 2nd to the last night.Ano ba talaga ang ending ng Tayong Dalawa? Panaginip lang ba na namatay si Audrey o totoo?

Bakit nasa libing si Dave? Di ba nasa hospital?

Basta ang dasal namin buhay si Audrey at hindi dapat mamatay ang bida, yun lang. Dapat buhay ang tatay,nanay at baby sa ending otherwise mawawala lahat na appreciation namin sa story. Basta Pinoy dapat ang bida buhay.

KIM & GERALD, AFTER TD, TAKE A BREAK, HAVE A VACATION, WITH YOUR BUSY WORK SCHEDULES BOTH OF YOU NEED TO UNWIND, TAKE CARE OF YOUR HEALTH ESPECIALLY KIM, SLEEPING FEW HOURS IS NOT GOOD. WE LOVE YOU BOTH AND WE WANT THE BEST FOR YOUR CAREER, PERSONAL LIFE, ETC., IN THE FUTURE.BE ALWAYS THERE FOR EACH OTHER. GE, THANK FOR TAKING CARE OF OUR BABY KIM. PRAY ALWAYS, GOD BLESS !!!!!!

sana may movie silang dalawa....
sana gerald you taking care of kim...

kahit na magkahiwalay man kayo ni kim sa mga project ninyo sana nandiyan pa rin ang care ninyo sa bawat isa because ang mga fans ninyo manal na mahal kayo at Gerald wish ko lang more project ang movies sa'yo at kahit na sino man paired sa'yo maging successful ang future mo god luck and god bless

Sana gerald matuloy na ang movie ninyo ni Sarah gustong gusto ko kayo dalawa , siguto bagay na bagay kayong dalawa wish ko lang matuloy sana....

Gerald talagang may AGIMAT KA NGA DAHIL SA'YO NAKATULOY KA PA SA MGA KABITHABAY MO AT IBA PANG MGA TAO SUPER HERO KA TALAGA WE LOVE YOU ... AT CONTRAS.... PALA IKAW ANG CERTIFIED DRAMA ACTOR NG TELESERYE NG PRIMETIME NG TD AND I WISH KO LANG MORE PROJECT AND MOVIES PA SA FUTURE MO GOD LUCK ......

SANA MAGKAROON KAYO NI KIM NG LOVE SCREEN IN YOUR MOVIE SANA MAS MAGANDA PA SA TD KASI NATATAKOT AKO SA INYO DAHIL ANG DAMI NINYONG KALABAN IBA'T IBA MOVIES INCLUDED NA ANG MMFF KAILANGAN GALINGAN NINYO DALAWA YOU GUY DO THE BEST YOU CAN PARA TOP RATING ITO MOVIE AND ALSO I PRAYED FOR BOTH OF YOU THE SUCCESS AND CARREER

Post a Comment