Article

9

Posted on : Tuesday, September 15, 2009 | By : shapap | In :

Kim ikinalungkot na ‘di kasama si Gerald sa bagong movie
Chan-Chan Torres ( Journal Online ) 09.15.09

Ilang araw na lamang at magtatapos na ang Tayong Dalawa.

Pero ngayon pa lang ay nami-miss na raw ni Kim Chiu ang mga kasama sa teleserye na nag-angat sa kanya bilang isang aktres. Agad naming tinanong si Kim nang magkasalubong kami sa ABS-CBN kung ano ang susunod niyang project after Tayong Dalawa.

“Movie po muna. ‘Yung pang-filmfest kasama sina Angelica Panganiban, Gabby Concepcion Derek Ramsay. I Love You, Goodbye ang working title. Hindi ko po kasama si Gerald ( Anderson) sa movie,” sagot ng dalaga na tila nanghihinayang na hindi kasama ang kanyang prince charming sa kanyang next movie.

Habang kausap namin si Kim, kakaalis lang din ng buong cast ng Tayong Da-lawa na nagkaroon ng farewell sa ASAP ’09.

Muli ay tinanong namin si Kim kung ano ang nadarama niya ngayong patapos na ang teleserye?

“Nakaiiyak! Wala na ‘yung experience, wala na ‘yung mga pagsasama na-min. Mami-miss ko ‘yung every Monday, Wednesday and Friday eh, magkikita-kita kami sa taping. ‘Yung Audrey character ko, mami-miss ko talaga.”

Aminado si Kim na ma-laking bahagi sa buhay niya ang nabago ng Tayong Da-lawa, hindi lang bilang aktres kundi malaki rin ang naitulong nito sa kanyang growth bilang isang indibidwal.

Na-realize din daw ni Kim ang halaga ng buhay. Pero kahit matatapos na ang Tayong Dalawa, hindi naman dito magwawakas ang pagtitinginan nina Gerald at Kim, hindi ba?

Tinanong din namin si Kim kung ano ang masasabi niya sa pagpapakita ng ka-machuhan ni Gerald sa fashion show para sa isang magazine.

Ayon sa dalaga, okey lang at hindi masagwa ang ginawa ni Gerald kasi nag-topless lang naman daw ang kanyang ka-loveteam.

Comments (9)

ANO????? Grrrrrr!!!!!
Hayyyyy nako!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

No Comment!

No Comment!

KIM told the fans last SUNDAY , that they have movie project with Ge after TD ? Ano ba yon ? This movie with Gabby, noon pa yan pinag-uasapan. Pero what we want to know, yon kasama si GERALD ? yon ang gusto namin, excited pa naman kami, ABS/SC saan na ba ang pangako niyo for us, we will miss them. Hopefully ngayong year 2009 yon, di ba ? Any news please ...........

dati na yang movie na yan cgro nkapgshoot na cla 4 dat movie olredi.ok lng yan basta tuparin lng nla ung movie na ggwin ng dalawa

May movie po talaga sila Kim at Gerald after ng TD. Yun nga lang nauna itong movie ni Kim na wala si Gerald. Mag-antay lang po tayo. KIMERALD FOREVER!

i think let's not confuse ourselves. dalawa ung movie na gagawin ni kim. one without Gerald and the other, with Gerald. matagal naman nating alam to di ba?

TOABS
Sana ifeel ng ABS kung ano ang hangad ng napakarami, ang tambaLang Kim and Gerald. Wholesome and entertaining. At kumikita rin ng hindilang basta basta. Sige na ABS, laging sumusoporta kami sa shows nyo,reward naman diyan. Gusto namin Kim and Gerald teleserye and movie. Hindi kayo maghihinayang.

Pag wala nang Kimerald teleserye aanhin ko pa tong tfc ko di ipa-cut ko na lang! tapos! maka save pa!

Post a Comment