Posted on :
Tuesday, September 22, 2009
| By :
shapap
| In :
Article
Gerald Anderson talks about his love scene with Kim Chiu in Tayong Dalawa
Melba Llanera ( PeP ) 09.22.09
Kung ang pagbabasehan ay ang mainit na pagtanggap ng mga tao kay Gerald Anderson nang rumampa siya sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash at ang positive feedback sa love scene nila ni Kim Chui sa Tayong Dalawa, mukhang hinog na hinog na talaga for full stardom ang young actor.
Kung dati ay kilala siya sa teeny-bopper roles, ngayon ay sumasabak na si Gerald sa kakaibang mga papel na humahamon sa kakayahan niya bilang isang aktor.
Pinagkuwento ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gerald sa ginawa nilang love scene ni Kim sa Tayong Dalawa.
"Siyempre, kinabahan ako kasi first time naming gagawin ito. Nandun talaga yung kaba. Pero nung gagawin na namin, sabi ko, bahala na. Siyempre, gusto naming mapaganda yung outcome ng love scene namin. Buti na lang at tinulungan kami ni Direk Ruel [Bayani] at ng mga crew. Talagang pinaghandaan namin ito."
Simula na kaya ito ng pagtanggap at paggawa ng sexy, daring, and mature roles ni Gerald?
"Siyempre, habang tumatanda ka, nagiging mas mahirap at mas mature ang roles na ginagawa namin. Parte yun para mag-grow kami as actor and actress," sabi niya.
Nang tanungin ng PEP si Gerald kung sino ang gusto niyang maka-love scene kung may ganitong eksena sa susunod niya proyekto, si Kim pa rin ang isinagot niya.
"Sana si Kim, sana siya. Kasi siyempre mas madali, mas kumportable pag siya ang kapareha ko. Pero kung sino ang ipa-partner nila sa akin, kung sino ang gusto ng management, yun na yun," pahayag niya.
THE FINAL WEEK. Sa nalalapit na pagtatapos ng Tayong Dalawa, labis ang pasasalamat ni Gerald na hindi binitawan ng publiko ang kanilang teleserye.
"Siyempre, sobrang saya namin na yung pinagpaguran namin, may kinapupuntahan, na yung mga ginagawa namin, yung pagod at pawis namin ay nagustuhan ng tao. Na hanggang ngayon ay 100 percent pa rin ang suporta nila sa amin hanggang ngayon at sobra namin itong ipinagpapasalamat sa kanila."
Dagdag niya, "Itong natitirang araw namin, itong ending na ito, sobrang nakakagulat. Sobrang dapat abangan dahil hindi ninyo alam ang mga mangyayari."
OBEJCT OF DESIRE. Marami ang nakapansin na noong rumampa siya sa Cosmo Bachelor Bash at maging sa love scene nila ni Kim ay ang laki ng iginanda ng katawan ni Gerald. Baka raw simula na ito para pagpantasyahan at gawing sex object na ang young actor.
"Ano ang magagawa ko? Rumampa na ako, nag-pose na ako. Okey sa akin na humahanga sila. Nung lumabas ako para rumampa, overwhelming talaga. Kasi nung lumabas ako at palakpakan at hiyawan ang mga tao, parang wow! Nagulat ako sa response nila."
I BELIEVE GERALD WHEN HE SAYS IT'S KIM HE WANTS WHEN HE DOES THESE LOVE SCENES PERO WE ALL KNOW ANG MGA BOSS NIYA ANG MASUSUNOD KUNG SINO ANG GUSTO NILA . I JUST HOPE NA HINDI PA NGAYON AT HUWAG I-EXPLOIT ANG BATA . GERALD AND KIM ARE DIFFERENT DAHIL KAHIT NA HINDI NA SILA TEENY BOPPERS AY ANDOON PA RIN ANG FRESHNESS,CHARMING, WHOLESOME CHARACTER NILA. DAPAT ITON PANGALAGAN AT I PRESERVE DAHIL BIHIRA ANG LOVETEAM NA GAYA NILA. ANG IBANG LOVETEAM THAT WE HAVE BEFORE GINAWA O BINUO SILA UNLIKE KIM AND GERALD IT'S JUST THEM. KUNG ANO ANG NAKIKITA MO SA DALAWANG BATANG ITO AY SILA MISMO. WALANG KAPEKEHAN, HINDI BILANG O SCRIPTED ANG IKINIKILOS , NATURALA NA NATURAL BECAUSE WHERE THEY ARE NOW IT'S BECAUSE OF THEIR OWN TALENT, HARDWORK AND LOVE FOR WHAT THEY DO. THEY BOTH CAME FROM AN ORDINARY LIFE WITH NO TRAPPINGS FROM PBB AND WE SAW THEM GROW AND MATURE BEFORE OUR EYES. KIM AND GERALD DON'T EVER CHANGE HA. THE REASON WHY MILLIONS OF FANS LOVE, ADORE AND SUPPORT YOU BECAUSE OF WHO ARE, FANS OF ALL AGES CAN RELATE TO YOU DAHIL YOU ARE BOTH SIMPLE AND TRUE AND BECAME PART OF OUR LIVES. GOD BLESS YOU BOTH .
In whatever each one of Kim and Gerald does, i shall be following them. I love their comaraderie
and friendship. If they are lovers so much the better. It's very hard to maintain relationships when you are in showbiz. Seldom do we see lasting ones because reality bites. Problems with time together, the intrigues and the likes. But if they mature to value life and the true essence of LOVE ---PATIENCE, UNDERSTANDING, LOYALTY, KINDNESS, HUMILITY, SINCERITY, HONESTY, GENEROSITY,SIMPLICITY AND ABUNDANCE OF FAITH IN GOD then said relationship shall grow and be empowered to last a lifetime, in other words till death do us part. KIMERALD admirer forever.
I'M SO PROUD OF GERALD. HE REALLY KNOW HOW TO PROTECT AND MAINTAIN KIM'S WHOLESOMENESS WHILE DOING THEIR LOVE SCENE AT TD. IT SHOWS HOW MUCH HE RESPECT KIM. HE MADE SURE KIM'S BODY IS NOT EXPOSED. HE LET THE AUDIENCE DO THEIR OWN IMAGINATION WHAT COMES NEXT.
STAR MAGIC THANKS FOR ASSURING KIM'S WHOLESOMENESS IS NOT SCARRED WITH THIS LOVE SCENE. TOO MANY INGITERAS AND INGITEROS WAITNG FOR A CHANCE TO BRING KIMERALD DOWN.