Article

0

Posted on : Saturday, September 12, 2009 | By : shapap | In :

Gerald at Aljur, nagmistulang masasarap na karne!
Rey Pumaloy ( Abante Online ) 09.12.09

Walang duda na sa hanay ng mga young actors ngayon, sina Gerald Anderson at Aljur Abrenica na nga ang pinaka-hot, lalo na sa paningin ng mga kababaihan.

Sobra-sobra nga ang pagtanggap na ginawa ng mga kababaihan na nanood sa katatapos lang na Cosmopo­litan Bachelor Bash na ginanap sa NBC Tent, The Fort, last Thursday. Aba, halos magiba ang buong venue sa lakas ng tilian ng mga babae nung lumabas na sina Aljur at Gerald.

Una munang lumabas si Aljur, at sumunod agad si Gerald.

Sa totoo lang, nagmistulang masarap na ‘putahe’ ang tingin sa kanila ng lahat. Halos lahat ay naglabas ng kanilang mga cellphones para kunan ang dalawa.

Walang itulak kabigin sa ganda ng katawan ng da­lawa. Pero siyempre, dahil mas malakas ang sigawan para kay Gerald, lumabas talaga na siya ang bida kung ikukumpara kay Aljur.

Kunsabagay, hubog na hubog naman talaga ang katawan ni Gerald, at lantad na lantad ang mga abs sa tiyan niya, ha!

Pormado rin naman ang katawan ni Aljur, at totoo namang makinis, kaya nagmistula nga siyang isang malambot na karne na masarap papakin.

At kahit hindi sila tuluyang nagtanggal ng kanilang mga jeans, kuntento na rin ang mga kakabaihan sa ipina­kita nila.

Anyway, 30 models na karamihan ay mga foreig­ners ang unang rumampa. Sumunod agad ang sampung modelo na nagpakita ng kanilang mga puwet sa sho­wer scene segment, at kapagkuwan ay humarap sa audience na takip-takip lang ng tuwalya ang kanilang mga kaselanan.

At kahit hindi kasama sa 69 models ng Cosmo sina Mark Bautista at Carlo Guevarra, nakirampa rin sila. At in fairness kay Mark, tinilian siya kahit naka-red jeans lang siya at topless.

Sa sampung kasali sa Cosmo, walo lang ang rumampa. Ito ay sina Ejay Falcon, Xian Lim, Daniel Matsunaga, Akihiro Sato, JC Tiuseco at Phil Younghusband. Hindi sumipot sina Joem Bascon at Sid Lucero, na may mga tapings daw.

Iba-ibang gimik ang ginawa ng mga rumampa. May mga nag-ala-macho dancer, sumayaw ng hip-hop, nag-pose, at may mga nagbaba ng kanilang underwear, na halos sumungaw na ang kanilang mga kaselanan.

Ilan sa mga female celebrities na nakita namin na nanood ay sina Maxene Magalona, Rich Asuncion, Phoemela Barranda, Kris Bernal at Carla Abellana.

Comments (0)

Post a Comment