Article

3

Posted on : Tuesday, September 15, 2009 | By : shapap | In :

Pagpasok ng tao sa mall show nina Kim at Gerald, pinahinto
( PinoyParazzi ) 09.15.09
Noong linggo ay ginanap ang mall show ng cast ng Tayong Dalawa sa SM City North EDSA Skydome kung saan literal na libo-libong fans nina Kim Chiu, Gerald Anderson at Jake Cuenca ang sumugod sa naturang event center para masilayan ang kanilang mga idolo. Sa nalalapit na pagtatapos ng naturang teleserye, minabuti ng cast at staff ng show na magpasalamat sa mga televiewers at mga fans na walang tigil ang suporta sa kanila at consistent na mataas na ratings kahit ilang buwan pa itong na-extend.

Nakatsika namin ang ilan sa mga tauhang namamahala sa pagpapasok ng mga tao sa Skydome. Kahit puno na ang venue ay may nakapila pa raw sa labas at hanggang sa mga baba na daw ang dulo ng mga tao. Naubos na nga daw ang mga Star Studio magazine na binebenta nila noong araw na ‘yon. Pati raw ang DVD at VCD ng Tayong Dalawa ay limas na rin. Umabot pa sa puntong tumawag na ang Bureau of Fire Protection sa namamahala ng mall show na ihinto na ang pagpasok ng mga tao dahil sobrang siksikan na sa loob. Baka daw kasi mag-over load ang mga tao sa loob at magkaloko-loko na pag nagkadisgrasya. Buti na lang din at maagap magdesisyon ang mga taga-BIFP at naisip nilang kontrolin ang crowd at hindi nagpadala sa kikitain at maibebenta. Very good sila diyan! Talagang OA daw ang dami ng tao. Kaya naman, request nilang magkaroon pa daw sana ng iba pang mga mall shows para mapagbigyan naman daw ‘yung mga fans na hindi nakapasok sa venue.

Comments (3)

sana my new teleserye ulit sina kim at gerald dahil sila talaga ang bagay

sana sila na FOREVER. I'm a silent avid FAN ng KIMERALd. sa mga people na ngjujudge kay GE, di nyo xia kilala, ung as in close. dont evr evr judge him.. GWAPO xia.. sobra.. BAGAY TLGA CLA NI KIM.. kaya lhat ng BOSS SA ABS-CBN. wag nyo cla ipapartner sa IBA. ok? CLA LANG ANG BAGAY... KIMERALD FOREVER!!!! ILOVEYOU BOTH!! PERFECT COMBINATION!!

bgyan nyo cla ng madaming PROJECTS.. clang dalawa lang.. ok?? kasi i'm very much SURE na kapag cla ang ngpapartner , eehh PATOK sa mga tao.
kce as we all know kht di pa cla umaamin. CLA NA! they are PERFECT for each other..... VERY MUCH!!

Post a Comment