Article

2

Posted on : Wednesday, September 30, 2009 | By : shapap | In :

Several showbiz personalities extend their helping hand in the midst of Ondoy’s fury
Heidi Anicete ( ABS-CBN Interactive ) 0..09

Noong kasagsagan ng Bagyong Ondoy, isa ang artistang si Gladys Reyes sa maraming mga Pilipinong nasalanta ng ‘di inaasahan at mabilis na pagtaas ng tubig sa ilang mabababang lugar sa bansa. Gawa nga raw ng sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na malaman ni Gladys kung ano pa ang gagawin kaya agad na lamang niyang dinala sa second floor ang dalawang anak kung saan halos isang buong araw rin silang na-stuck. Nasa ibang bansa raw noong mga panahon na iyon ang asawa niyang si Christopher Roxas, at minabuti niyang huwag na rin itong bigyan ng alalahanin. Giit nga ni Gladys ukol dito, “Ayaw ko na siyang mag-panic... at saka nasa ibang bansa siya nung time na ‘yun, wala rin siyang magagawa.”

Kaugnay naman ng pagkakaligtas nila sa maladelubyong trahedya, hindi naman mapatid-patid sa pagpapasalamat si Gladys sa mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Aniya, ang mag-asawang ito raw ang personal na sumaklolo sa kanyang pamilya sa gitna ng rumaragasang baha sa lugar nila sa Vista Verde Executive Village, Cainta, Rizal. Sakay di umano ng isang balsa, matapang na sinuong ng dalawa ang baha para mailabas sila sa noo’y lubog na ring tahanan nila. “Malaking effort talaga nila ‘yon. Maraming-maraming salamat sa inyong dalawa” mariing tugon pa ni Gladys.

Liban kina Judai at Ryan, ilan pang mga artistang tinatayang nagpakita ng kahanga-hangang kabayanihan noong kasagsagan ng Bagyong Ondoy ay sina Gerald Anderson at Jericho Rosales. Sa ngayon, nagkalat na ang mga larawan ni Gerald sa internet matapos ibahagi ng isang kapitbahay nito na si Dr. Divina Gracia Rosales-Murao ang walang atubiling pagsugod ni Gerald sa maputik na baha para kamustahin ang lagay ng mga tao sa kalapit-bahay nito sa Vista Real Classica, Quezon City.

Si Jericho naman, nagawa niya di umanong gamitin sa mabuting paraan ang husay niya sa surfing. Lulan di umano ng kanyang surf board, naitalang nagawang makapagligtas ng isang bata’t isang matanda mula sa peligrosong baha sa kanilang lugar sa Marikina. Liban sa mga taong ito, sinasabing isang maliit na aso raw ang nabigyan niya ng isa pang pagkakataong mabuhay matapos niyang maisalba ito mula sa rumaragasang tubig.

Comments (2)

wow napakabait talaga ni gerald at pati si kim kung alam niyo lang kung anong ginawa ni kim mapaproud talaga ang mga kimerald ng sobra sobra dahil napaka bait ng kimerald we love u kimerald may God always continue to bless you mahal na mahal namin kayo kimerald

GOD Bless KIMERALD !!!! " What ever you do to the least of our brothers you do it unto me "
We are proud of you !!! Love you !!!!!

Post a Comment