Article

11

Posted on : Friday, September 04, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu: Pakaway-kaway lang, big star na!
Julie E. Bonifacio ( Pinoy Parazzi ) 09.04.09
Malayo na ang ang narating ng kauna-unahang Pinoy Big Brother Teen Edition winner na si Kim Chiu. Pagkatapos ng tatlong taon, she has earned the title as one of the Primetime Teleserye Princesses dahil sa malaking tagumpay ng recent drama-series niya sa ABS-CBN na Tayong Dalawa, pairing her off not only to one, but two leading men.

“Dream ko talagang makita sa TV. Kahit mag-wave-wave lang sa TV Patrol, masaya na ako na nakita ko ‘yung sarili ko sa TV,” pahayag ni Kim.

Dati raw bago siya sumali sa PBB Teen Edition, dumalaw ang TV Patrol Cebu sa school niya hindi raw talaga siya nahiyang mag-wave. Hindi niya akalaing darating ang panahon na isa siya sa magiging importanteng bituin ng kanyang henerasyon.

Paglabas niya ng PBB house, sa mga panghapong teleserye ng ABS-CBN siya unang napanood, gaya ng Love Spell, Your Song Presents at Star Magic Presents. Nagkaroon din siya ng TV guestings sa Maalaala Mo Kaya. Binigyan naman siya ng kanyang biggest break sa primetime sa drama-series na Sana Maulit Muli na naging isa sa top-rating shows that time sa Kapamilya network.

Ang co-PBB Teen Edition housemate at first runner up na si Gerald Anderson ang kapareha ni Kim sa lahat ng mga nabanggit na programa niya sa ABS-CBN.

“Tinanong sa akin ng management kung anong dream role ko kasi ibibigay nila sa akin. E, wala naman ako’ng maisip. Sabi ko, ‘wala talaga akong dream role. Kasi lahat ng trabahong ibinibigay sa akin, gagalingan ko talaga. At saka wala akong dream role na gustong gampanan as of now.”

Ang huling episode na ginawa ni Kim sa Your Song ay ang pinamagatang My Only Hope. Dito nagsimulang gumanap ng mas mature na role sina Kim at Gerald. At pagpasok ng 2009, tinutukan ng buong bansa ang malaganap at pinuri-puri ng mga kritiko na programa nila ngayon ni Gerald na Tayong Dalawa.

“Sobrang kakaiba ‘yung role kasi parang lahat ng emotion nandito na. Pagmamahal, iyakan, pinapahirapan at sinasaktan ako. Basta lahat ng emotions nandito tapos nakakasama ko pa ‘yung mga veteran actor. Talagang marami akong matututunan at malalaman du’n sa kanila.”

Dahil sa big success ng Tayong Dalawa, certified Primetime Princess na si Kim.

“Naku! Talaga? Sobrang saya ko po siyempre,” ngiti ni Kim. “Honored po ako na masabihan ng ganu’n. Pero never po talaga ‘yun pumasok sa isip ko. Pinagpi-pray ko lang talaga na sana magkaroon ako ng bagong project. At kahit po pagkatapos ng Tayong Dalawa, sana mabigyan pa ako ng ganito kagandang show.”

Sa kabila ng mga tagumpay at mga papuring tinatanggap niya, paulit-ulit din ang pasasalamat niya sa PBB.

“Utang ko pong lahat sa PBB family ko, like si Direk Jilmer (Dy, dating executive producer ng show). Siya po ang nag-interview sa akin noong nag-o-audition pa lang po ako, kaya alam niya pong lahat. Masayang-masaya po akong talaga sa lahat ng na-achieve ko, kasi all wishes granted pong talaga.

“Sobrang laki rin po ng naitulong ko sa family ko. Ako na po ang nagsisilbing mother, father sa mga kapatid ko. Napag-aaral ko po sila at naibibigay ko po ‘yung pleasure na gusto nila. Ako po kasi before, hindi ko po nagagawa ‘yung like, ‘Mama, Papa, ibili mo ako ng ganito, ganyan.’ Kasi alam ko po na hindi po nila maibibigay dahil kapos po kaming talaga.

“Pero ngayon po, sa mga kapatid ko, kapag may hinihingi sila, ibinibigay ko kasi lahat naman po ng ginagawa ko, para po talaga sa kanila. Masaya po ako. Hindi naman po siguro lahat ng teen, nakakatulong nang ganito kalaki sa pamilya nila. At lahat po ng ‘yun, utang ko pong talaga sa PBB Teen Edition,” lahad ni Kim.

So far may 25 endorsements si Kim ngayon at kung hindi kami nagkakamali siya na ang may pinakaraming ini-endorse na products among all stars today. Kaya naman bukod sa pagiging primetime teleserye princess she can easily bagged the title as the Princess of Endrosement.

“Wow! Malaking pasalamat lang po siguro ang masasabi ko sa mga nagtitiwala sa akin na mag-endorse ng products nila. Masaya po talaga ako, kasi kahit maraming schedule, isa sa inspiration ko na magtrabaho nang magtrabaho. Dumarami ang commercials, dumarami ang mga blessing. Sana hindi na ito matapos, sana tuluy-tuloy pa rin sila at ayun sana marami pa’ng dumating.”

With all the commitments sa kanyang career, siyempre may wini-wish naman si Kim para sa kanyang sarili.

“Gusto ko po’ng magkaroon ng bahay. Isa ito sa mga wish ko talaga sa pagpasok ko bilang artista, na magkabahay. ‘Yung matatawag kong sa akin, at ‘eto na ‘yun. ‘Yung hindi ako uutang sa bangko para sa bahay, gusto ko ‘yung tama ‘yung pera ko para ipagpatayo ng bahay.”

Nakabili na si Kim ng 600 sq.m. na lote para sa itatayo niyang bahay.Gusto raw niya colorful ang bahay niya na parang doll house.

“Pagkatapos po ng dream house, gusto ko namang magka-business. Para ‘pag wala akong ginagawa, magbabantay ako ng store ko. Marami po akong pinag-iisipan: laundry shop or RTW or grocery.”

At isa pa sa future plans ni Kim ay ang makapag-travel.

“Gusto ko po’ng pumunta sa Alaska, kasi gusto ko talaga sa malamig na lugar at may snow. Dream ko talaga ‘yung may snow na malakas. ‘Yung bumabagsak, ‘yun ‘yung pangarap ko, na makahanap ng ganu’n,” tapos ni Kim.

Comments (11)

Where is that light romantic comedy for kimerald ... is it just to appease the kimerald fans... wala nang balita!

i told you so,if gerald has a solo project and with other leading ladies,kim also has her own projects with other leading men...where is kimerald project now? ABS wake up we can never get tired if kimerald tandem,KIMERALD LANG PO KAMI FOREVER AS WHAT GERALD WANTS KIM FOR HIM FOREVER IN REAL LIFE

nakakatuwa si kim!punta ka dito sa montreal pag winter merong snow storm!ang saya!God bless sa inyong dalawa ni gerald!

punta ka dito sa idaho kim dahil may snow dito from fall to spring.

Sa Toronto ka na pumunta Kim with Gerald on December! Daming snow!He!He!He!

mahilig din siguro si Kim nang seafoods while in the snow....kaya ang Alaska ang pinili niya!

SA NALALABING 15 ARAW NG TAYONG DALAWA... KIM AT GERALD MAGHA-HONEYMOON NA!!!!


read it @ http://tayongdalawatv.multiply.com/journal/item/24/24

Kim kung snow ang gusto mo punta ka sa Portland,Maine USA.Mageenjoy ka doon at malalaking lobsters pa ang makakain nyo at very peaceful ang lugar. Dapat kasama mo si
Gerald.

To ABS,

Kailan na naman ang teleserye n aKim and Gerald? Pagbigyan nyo naman ang milyongmilyong fans nila here and abroad.
Salamat. Sana sa madaling panahon. Sabik na sabik na kami.

Pag mag-end ang TD sana may bagong teleserye ang Kimerald sana yong masaya at hindi tayo iyak ng iyak tulad ng TD!

Kim, dito ka na lang sa amin pumunta sa Calgary, Alberta, Canada. Maraming snow dito. Super sa lamig. Wag na sa Alaska.

Post a Comment