Article

5

Posted on : Tuesday, September 01, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson still wants to be paired with Kim Chiu despite being groomed as solo star
Melba Llanera ( PeP ) 09.01.09
Kasabay ng pagkilala ng husay na ipinamamalas ni Gerald Anderson sa ABS-CBN primetime series na Tayong Dalawa, humahataw rin sa national ratings ng TNS ang pinagbibidahan niyang weekly series na Tiagong Akyat. Ang young actor din ang napili bilang cover ng Cosmo Centerfolds this year.

"Maraming blessings na nangyayari sa akin kaya sobra akong nagpapasalamat ako sa ABS, kila Sir Deo [Endrinal, ABS-CBN business head]... sa lahat-lahat. Ang laki ng tiwala nila sa akin para ipagkatiwala nila ang role ko as JR sa Tayong Dalawa at Tiagong Akyat. Sobrang saya ko dahil mataas ang ratings namin," saad ni Gerald sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na Star Magic Ball sa Shangri-La Makati last Sunday, August 30.

GOODBYE KIMERALD? Sa magagandang nangyayari ngayon sa career ni Gerald, marami ang nagsasabing unti-unti na siyang kumakawala sa loveteam nila ni Kim Chiu upang maging solo star. Ano ang masasabi niya rito?

"Naniniwala ako na kaya rin naman ni Kim na magsolo," sabi ng young actor. "Wala pa lang siyang pagkakataon para gawin ang project na solo siya. In the future, mangayari yun, makakatanggap siya ng project na maganda at 100 percent, susuportahan ko siya."

Naaalarma tuloy ang mga masugid na tagahanga ng Kimerald loveteam dahil ang paglulunsad daw kay Gerald bilang solo actor at pagpapareha sa kanya sa ibang aktres ay simula na ng pagkabuwag ng tambalan nila. Pero tiniyak naman ng young actor na magkahiwalay man sila ni Kim, alam niyang magkakapareha at magkakasama pa rin sila sa future projects ng ABS-CBN.

"Definitely, malulungkot ako," sambit ni Gerald. "Si Kim talaga ang ka-loveteam ko, alam ng lahat yun. Nagkasama kami nung nagsisimula kami, but okey lang din. Growth para sa amin yun as actor and actress.

"Saka kung maghihiwalay man kami in the future, magkakaroon din kami ng project na magkakasama din kami. Saka huwag muna natin masyadong isipin yun kasi may Tayong Dalawa pa. Sa tingin ko, may pinag-uusapan na movie after Tayong Dalawa, so marami pang dapat abangan sa amin ni Kim."

Matatandaang parehong naging housemates sina sa unang season ng Pinoy Big Brother Teen Edition.

TEAM UP WITH ERICH. Sa pagkakapareha ni Gerald kay Erich Gonzales sa Tiagong Akyat, negatibo ang reaksiyon ng Kimerald fans na para sa aktor ay normal lang daw na maging reaksiyon ng mga masusugid nilang mga tagahanga ni Kim.

Paliwanag ni Gerald, "Kimerald kasi sila, solid Kim and Gerald fans, so natural na ganun ang reaction nila. But in spite of it, sinusuportahan pa rin nila kami ni Kim kahit magkahiwalay ang mga projects namin. Sobrang nagpapasalamat kami sa kanila dahil hanggang ngayon, nandiyan pa rin sila para sa amin."

Dagdag niya, "Kami ni Erich, trabaho lang namin ito, wala kaming magagawa because ABS ang nag-decide na magkapareha kami."

TAYONG DALAWA. Ilang gabi na lang ay matatapos na ang Tayong Dalawa. Nagpahayag si Gerald ng pasasalamat sa suportang ibinigay ng publiko sa pinagbibidahang teleserye.

"Sobrang nakakataba ng puso na sa simula pa lang ng Tayong Dalawa, mataas na ang ratings namin at sana hanggang sa huli. Masarap yung pakiramdam na yung pagod namin, may kinapupuntahan.

"Challenging at the same time dream role ko rin [ang papel niya bilang JR]. Ang dami kong natutuhan sa Tayong Dalawa. Yung mga kasama namin, sila Ms. Pie [Cherry Pie Picache], Ms. Gina [PareƱo], marami silang itinuro sa amin at kahit mga veteran stars na sila, napakagagaling na nila, masarap silang kasama sa set."

COSMO CENTERFOLD. Si Gerald ang isa sa Cosmo Centerfolds this year. Para kay Gerald ay napakalaking karangalan ito sa kanya dahil sa dinami-dami ng young actors ay isa siya sa napili ng Cosmopolitan.

"Masaya, nakakataba ng puso ko na ako ang pinili nila sa dinami-dami namin, tapos cover pa. So, sobrang overwhelming. Nice yung feeling na nagbunga yung pagwo-workout ko, diet paminsan-minsan. But mostly, workout talaga."

Comments (5)

Gerald has proven himself better than any actors of his generation. Accolades from versatile actors proves he is one to reckon in the awards this year.

You are now a star of your own, with or without Kim, but sana kaming mga fans mo huwag mong kalilimutan at magiging kumpleto ang ligaya namin kung kayo na talaga ni Kim. Stand by your girl, Gerald. Huwag mo siyang pababayaan.

NSW Australia

Yap, agree ako sa iyo anonymous 6:32 AM.
Follow your dreams but don't forget that it's your tandem that made you for what you are today. Yes, always be there for each other for better or for worse. Narating ninyo ang kalagayan ninyo ngayon, kasi ang mga fans ninyo ay hindi lang mga teenagers kundi lahat ng antas at edad. Maging matatag kayong lagi at maging magpakumbaba. Huwag makakalimut magpasalamat sa ating Panginoon. Everything for the Glory of GOD>

Gerald, whatever you have achieved bear in mind that we your fans are still Kimerald (Kim + Gerald)

Kimerald forvever!

Yes, To Gerald you had proven yourself and you be on solo of course with KIM in the future both of you are hard working and do'nt forget to stay your feet on the ground and be humble. Always remember to help one another especially KIM who really supports you and requesting all the fans to watch your first solo TA and the rating is good and you have also done your part because you portray your role well. We will be happy to see you together in a movie if God willing. And please take care of her even you are not in the same project anymore. And someday were praying when the right time comes it will be for real. We will be the happiest for all your success. We love you both ! To KIM : take care of your health and more projects for both of you. Pray always !

Ge, always love your girl, we will be sad if you will leave her behind. Even your not together coz of different projects, have time for her. I know your so sweet and thoughtful to her, continue your communication and thru the test of time, kayo talaga, just always be there for her and we know your the perfect guy for her. Loveteam is only on the screen what is important is off the camera and it will be forever. Just wait, she loves you, that's why she wants to be sure that your really GOd sent to him. Pray always ! We love you both !

Post a Comment