Posted on :
Thursday, November 05, 2009
| By :
shapap
| In :
Article
Gerald Anderson is up for a very challenging role
Heidi Anicete ( ABS-CBN Interactive ) 11.05.09
Pagbibidahan ng young actor na si Gerald Anderson ang isa na namang makabagbag-damdaming episode ng Maalaala Mo Kaya itong darating na Sabado. At para sa naturang episode, tinatayang isang kakaibang Gerald ang mapapanuod ng publiko as he plays the role of the letter sender, Jerome, who is suffering Tourette Syndrome.
Hindi itinanggi ni Gerald na naging mahirap para sa kanyang gampanan ang naturang papel. Ani nga niya sa isang maikling panayam sa SNN, ibang-iba talaga ito sa lahat ng projects na nagawa niya, kaya naman talagang sinubok nito ang versatility niya as a professional actor. Pagbabahagi nga niya kaugnay nito, "Very challenging talaga para sa akin dahil iba talaga siya (yung role) para sa akin... Nung mga unang eksena nga namin, sa first shooting day nahirapan talaga ako e. Pero at least nung mga sumunod medyo naging swabe na."
Sa pareho ring panayam, mabilis namang itinanggi ng aktor ang mga kumakalat na alegasyong nagiging sobrang mapili na raw siya sa mga roles na tinatanggap. Mapagkumbabang sagot nga niya kaugnay nito, "Hindi naman! Wala pa ako sa ganoong level... I'm just happy sa mga ibinibigay sa akin ng ABS-CBN and Star Cinema, sobrang ganda and challenging." Gayon pa man, kung siya naman daw ang tatanungin kaugnay ng nais niyang maging direksyon career niya as an actor, agad niyang sinabing, "In the future gusto ko yung path na dramatic action. Parang Tayong Dalawa, pero sana in the future mas maganda at le-level up."
nakita ang teaser mo gerald napaganda super talaga Sana bigyan ka pa more PROJECT NG ABS CBN GOODLUCK AND GOD BLESS.............