Article

9

Posted on : Sunday, November 01, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson and Kim Chiu apologize to German Moreno for FAMAS snub
Mell T. Navarro ( PeP ) 11.01.09
Ilang ulit nang napabalita ang isyung hindi daw pumapayag ang mga Kimerald fans na makasama ni Gerald Anderson ang pop idol na si Sarah Geronimo sa anumang project—pelikula man o teleserye.

May kumalat kasing balita na magsasama sa isang Star Cinema or Viva movie sina Gerald and Sarah, pero wala pang kumpirmasyon ito sa kanino mang kampo.

Gayunpaman ay ipinaramdam na ng solid Kimerald fans sa maraming internet sites and blogs ang pagtutol nila sa anumang planong istorbohin ang iniidolo nilang Kim Chiu at Gerald Anderson love team. Ito ay pagkatapos ng matagumpay na teleserye nina Kim and Gerald sa ABS-CBN na ang Tayong Dalawa.

SARAH IS A KIMERALD FAN. Kahapon, October 31, sa Entertainment Live ng Kapamilya network, nagsalita na si Sarah tungkol sa isyu. Sinabi ng pop star na tagahanga rin siya ng sikat na love team.

"I've always admired Kim," pag-amin ni Sarah, na kamakailan ay nanalo bilang Female Pop Artist of the Year sa 1st PMPC Star Awards for Music noong October 29. "Magaling siyang aktres. Napapanood ko siya. Fan ako nila... Nanonood po ako noon ng Sana Maulit Muli and napaiyak nila ako doon sa serye, silang dalawa ni Gerald.

"At nung mapanood ko sila sa Tayong Dalawa, ang laki talaga ng improvement [nila]... So, para sa akin talaga, si Kim at si Gerald ay para sa isa't isa!"

On the same show later, inamin nina na Gerald at Kim na dahil sa reaksiyon ng Kimerald fans kay Sarah, nagkakailangan na raw ang tatlo kapag nagkikita-kita sa studios ng ABS-CBN, lalo na sa ASAP, kunsaan pare-pareho silang hosts.

"Well, nakakailang at nakakahiya talaga sa kanya!" pag-amin ni Gerald, na katabi si Kim habang ini-interview, at sumasang-ayon sa ka-love team.

"Dahil wala siyang kamalay-malay, pero naaapektuhan siya, nadadamay siya sa fans namin... Ang masasabi ko lang, wala po talagang away, wala pong tensiyon sa aming tatlo. Alam naman namin kung ano yung totoo," sabi ni Gerald.

Hindi pa naman silang tatlo nag-uusap tungkol dito.

"Hindi kasi kami magka-dressing room, e," sabi ni Kim. "'Saka, 'pag magkikita kami, ganun-gano'n lang e, daan-daan lang, e... So wala masyadong pag-uusap."

Ang masasabi lang nila kay Sarah ay, "Sorry!" mapagkumbabang wika ni Gerald. "Lalo na sa part ko, pasensiya na dahil talagang nadamay ka sa fans namin..."

Ang message naman ni Kim: "Sarah, pasensiya na sa lahat-lahat na mga issues na binibigay sa atin, na binabato sa atin... Alam naman natin ang totoo and wala naman talagang conflict o kung ano man."

MORE "KILIG" MOMENTS IN NEXT FILM. Meanwhile, kasalukuyang nagsu-shooting sina Kim and Gerald ng still untitled movie na magsisilbing comeback nila sa Star Cinema (their third together, although lumabas rin sila sa isang episode ng Shake, Rattle & Roll ng Regal Entertainment a couple of years ago).

Dito sa lumalabas na fourth film nila ay si Ruel Bayani ang director nila, the same director ng kanilang highly successful na Tayong Dalawa. Kasama dito sa pelikula si Robi Domingo ng Pinoy Big Brother Teen Edition, kunsaan produkto rin sina Kim at Gerald.

"Mag-best friends kami dito sa start ng movie na na-in love sa isa't isa," sabi ni Gerald tungkol sa roles nila ni Kim.

"Best friends kami since 14 years old kami hanggang nag-21 na," dugtong ni Kim.

"Ang maganda dito sa movie," patuloy ni Gerald, "may journey yung pagiging mag-best friends namin."

Dagdag ni Gerald na drama man ang pelikula ay hindi ito na kasing-bigat ng last teleserye nila.

"Kasi, parang may lihim akong pagtingin sa best friend ko na hindi naman niya alam, kasi, meron siyang ibang ano," sabi ni Kim, na masaya ring nagkuwento kung ano ang itsura niya dito.

"Naku, may hati ang buhok ko dito at may eyeglasses akong ang laki-laki!" tawa niya. "Ayun, para maiba naman daw... Galing kasi kami sa Chinese family na conservative na ayaw niyang mag-ayos dahil hindi pa siya nagkaka-boyfriend since birth!"

"Ako ay yung medyo heartthrob, pero determined," ang sabi naman ni Gerald tungkol sa papel niya. "Marami siyang gustong gawin, kumbaga. Kasi, wala naman siyang pamilya. May nanay siya pero hindi niya kasama, so kumbaga, do'n niya binubuhos yung sarili niya, sa trabaho niya, sa school...

"And may isa siyang best friend na best friend talaga na kilala na namin ang isa't isa. Ito yung pambawi namin talaga. Sa Tayong Dalawa kasi, puro kami drama-drama... Away, action, drama, iyakan... Meron pa rin noon sa movie na ito pero mas maraming kilig moments. Kumbinasyon ng drama, kilig, saya... Lahat ng emotions, mararamdaman niyo habang pinapanood niyo ang movie na 'to!" pagmamalaki ni Gerald.

"Parang pababa, tapos, paakyat [ang emosyon]... Parang gano'n ang gusto naming i-deliver," tsika ni Kim.

FAMAS YOUTH ACHIEVEMENT AWARD. Sinagot rin nina Kim at Gerald ang isyung nagtampo raw sa kanila si German Moreno dahil sa nakaraang 57th FAMAS Awards noong October 18, hindi nila nahintay ang kanilang trophy na German Moreno Youth Achievement Award.

Umalis kasi ang dalawa nang hindi pa nila natatanggap ang trophy from Kuya Germs sa stage, bagay na may nagsabing parang "nabastos" daw ang beteranong master showman.

"Hindi lang po sila [FAMAS organizers and their handlers at Star Magic] nagkaintindihan sa oras," paliwanag ni Kim.

"Dumating kami doon, tapos nag-antay kami do'n nang ilang oras. Tapos, andun kami, nakaupo lang. Alam naman po ng mga taga doon na kailangan naming umalis nang... Kasi, babalik kami sa rehearsal namin para sa Araneta Coliseum concert namin [on November 13].

"Kasi po, yun lang talaga ang araw na puwede kaming mag-rehearse doon. Ayun, hindi po sila nagkaintindihan...

"And sabi naman po nina Mr. M [Johnny Manahan] and Ms. Mariole Alberto [Star Magic excutives], nakausap na naman nila si Kuya Germs."

Nagpasalamat naman si Gerald sa recognition nilang yun na galing kay Kuya Germs at sa oldest award-giving body sa industriya.

"Sa FAMAS at lalung-lalo na po kay Kuya Germs, maraming-marami pong salamat sa pagbibigay niyo sa amin ni Kim ng Youth Achievement Award.

"Isang malaking karangalan po talaga ito. So, thank you po talaga at pasensiya na ho sa misunderstanding," sabi ni Gerald.

Comments (9)

Naku po! sana naman po walang ka-love triangle sila!!!!! sooo excited for this movie! can't wait!!!!

KIMERALD FOREVER!

Give KIM & GERALD a break from the FAMAS/ Kuya GERMS issue. They have explained their side numerous times and media should put a stop to it at this point. Don't you have anything else to say?

bka ka lutriangle nmn c robi d2.ok lng pero lam mu nmn robi kng san ka lulugar ha?wag ka xdong paepal ayw nming umiepal ka pra ala ng isyu remember kaw lagi ang mhilig mgpa isyu kaya ingat ka

galit na galit ako kay sarah!!!!!!!! pro nung nagsabi xa ng good things about kimerald esp. kay kim!!!!! kaya gusto ko na rin xa!! hahahah!!!! but i will always be a kimerald fan!!!! kimerald lng 4 me 4-ever and always!!!!! tsaka don't worry guys walang movie c gerald at sarah!!!! sabi ng manager ni sarah!!!!! hahahaha!!!!!!!! i'm so happy and let's ol ba happy!!!!! k guys!!!! GUYS C JAUDREY 2 NG CBOX!!!!! hahahaha!!!!!! REMEMBER ME

siguro yung theme song sa next movie nila ay lucky kasi nagtutukoy ang kanta na lucky daw sila kasi nainlove sila sa bestfriend nila!!!!!
Sana naman........

ang baitbait naman nina ate KIM at kuya GERALD kasi sila pa ang nagsorry kay sarah kahit wala silang kasalanan............tsaka advice ko lang wag nyo nalang i pair si kuya GERALD at ate sarah kasi kung marami naman tutol sino ang magsusuport tsaka one more thing mas maraming tao ang hindi nagsasawa sa kimerald........balita ko rin magpepair daw si kuya direck ramsay at ate kim naku tutol ako! bless po tsaka ako rin po ang nag type nung comment be4 nito!

Ayan, nagbunga ang immaturity ng kabataan. Kasi ang mga young kimerald fans very possessive sila, mabalita lang na i-pair sa iba ang idol nila, nagwawala na to the point that they say words that hurt and later on regret it. This is true also to fans of Sarah. I don't blame them because they are young, impulsive and possessive. Take note that the senior fans of Kimerald reacts differently because of their maturity in perspective and outlook. I hope what happened between fans of Sarah and Kimerald will give the younger fans an insight into the consequences of their actions. The bottomline is, our idols are being dragged into the quagmire of conflicts not of their own making. We have an english proverb "Look before you leap" and at the same time, in our Filipino fables, "makasampu mong isipin ang iyong desisyon bago mo ito gawin". Lessons learned, my dear children.

diana 4:44 PM.
I'm a KGG and the hostile reactions from fans make me smile sometimes. Yes, they're young & possesive and we as Grandmas are the neutralizing block for them. The support KIM & GERALD gets is from all over the world and it's really phenomenal bec it's coming from young & old, from blue collar, white collar employees and everybody else. We can't get enough of them.

hi guys, walang PEX ngayon, huhuhu nakaka-sad! buhay pex is great! please fix mr. pex, now na!!!!

Post a Comment