Article

7

Posted on : Friday, November 06, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson plays a very challenging role in an episode of Maalaala Mo Kaya
Trisha Alvarez ( PeP ) 11.06.09
Isang mapanghamong role ang gagampanan ng young actor na si Gerald Anderson sa longest-running drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya. Ipalalabas ang naturang episode bukas, November 7.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ilalantad ng malaganap na programa ang sakit na Tourette Syndrome (TS), ang pinagdadanan ng taong may ganitong karamdaman, at kung ano ang epekto nito sa kanyang pamilya.

Ang TS ay hereditary disorder na may kumbinasyon ng attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) at obsessive-compulsive disorder (OCD). Ang taong may TS ay gumagawa ng involuntary sounds o movements tulad ng eye-poking, coughing, at head-banging. Maaring lalong lumala ang mga sintomas kung pagod o under stress ang pasyente. Ngunit kadalasan ay nami-misinterpret lang ito na simpleng kakulitan ng bata kaya hindi agad nada-diagnose na TS.

Kuwento ni Gerald, "Nung sinabi pa lang sa akin, na-excite na ako. Tapos binasa ko yung script, lalo akong kinabahan. Pero alam mo sana lang, magawa ko ito nang maayos at sana magustuhan ni Jerome [Concepcion, letter sender sa MMK na may Tourrete Syndrome) ang gagawin kong pagganap sa kanya at makapagbigay inspirasyon, lalo na sa mga taong may TS."

Nakilala raw nang personal ni Gerald si Jerome bago pa man siya mag-taping para sa Maalaala Mo Kaya. Kasama ni Jerome that time ang kanyang ina na si Criselda Concepcion, ang presidente ng Philippine Tourette Syndrome Association (PTSA) na si Rowena Victorino, at ang vice-president na si Marlon Barnuevo na member ng bandang 3rd Avenue. Si Marlon ay meron ding sakit na Tourette syndrome.

"Nung una, alam mo yung...parang nakakaawa. Pero kapag nakita mo, kapag nakausap mo siya [Jerome], confident siya. Kumbaga, hindi naging sagabal yung sakit niya sa kanya. Ganun si Jerome," paglalarawan ni Gerald.

Ano ang naramdaman niya nang nalaman niyang siya ang napili para gumanap sa katauhan ni Jerome sa Maalaala Mo Kaya?

"Iba," sabi ni Gerald. "A, sobrang nakakataba pa rin ng puso. Nakaka-inspire dahil yun nga, sa dinami-dami, ako ang pinili. Ipagdadasal ko na lang na magawa ko itong mabuti."

Paano niya pinag-aralan ang character ni Jerome?

"Sa Internet, pinanood ko lang, tapos sasabihin nila kung ano ang mga symptoms at kung bakit nangyayari ito. And yun nga, minsan nangyayari 'yan, umpisa pa lang sa bata. Pagdating mo ng 18 years old, lumalala."

Sa unang pagkikita pa lang ba nila ni Jerome, naisip na ba niya kung paano niya aatakihin ang role?

"Siyempre, hindi ko alam kung mauulit pa yung ganitong klase ng role kaya kailangan kong pagbutihin nang maigi. Kung puwede lang sana na magkaroon pa ako ng meydo mahabang time para mapag-aralan yung role. Pero alam naman natin na kailangan na naming mag-taping para sa MMK.

"Pero alam ko, ibang klaseng experience ito. Sobrang malaking tulong talaga sa akin na nakita ko siya ngayon nang personal, kung paano siya gumagalaw, kung paano siya nagsasalita, kung paano siya nag-iisip, yung mga sinasabi niya."

May mensahe ba siya sa mga nakakaranas ng ganitong karamdaman?

"Sa Mommy pa lang ni Jerome, very ano, e... supportive, super supportive siya. Pero marami siyang pinagdaanan dati dahil kay Jerome, dahil kay Julius [isa pang kapatid ni Jerome na may TS]. Marami siyang pinagdaanan talaga. Pero alam mo yun, nanay pa rin. Supportive pa rin sa anak niya. Tanggap na niya. Kahit anong mangyari, nandun pa rin siya."

Wala ba siyang plano na gawing isa ito sa mga advocacies niya in life to support the PTSA?

"Sana sa episode na yun, kumbaga, sana ma-inspire ko ang mga tao kahit walang TS, alam mo yun? Basta sa pamilya, may sakit o wala, sana makapaghatid ako ng message sa mga tao," sabi ni Gerald.

Comments (7)

WOW..... PAPANOORIN KO TALAGA ANG MMK NI GERALD NITONG SABADO TEASER NA LANG HINDI AKO MAKAPANIWALA NA MAGAGAWA ANG TS NAPAKAGALING MO NG MAG ACTING SANA MORE PROJECT PA IBIGAY SA'YO BG ABS CBN GALING GALING MO GERALD WE LOVE YOU GOD BLESS

I couldn't wait for that MMK episode. Gerald have improved a lot since his PBB years.Sana magka roon ng award si Gerald. Pansin ba ninyo kahit si Jerome Concepcion very proud sa portrayal ni GE sa role niya. In fairness guwapo din si Jerome.

ABS CBN a big thank you for giving Gerald a chance
to show his god given talent. He is so humble pa kaya very blessed siya. More projects to you GE.

Looking forward to watching you in this what I think is a most physically demanding role with the time constraints you had in preparing for it.

Judging from the Teaser, you acquitted yourself creditably. Am proud of you, having watched all your shows since PBB days, I must say this is a milestone!

Continue to be kind and humble...you are moving fast the ladder, congratulations! Am sure Kim is equally proud of you as we, your fans, are. Keep the fire burning! God bless!

--gutsykg

I just watched MMK with GERALD at the helm,
OOOOOHHHHH he did really good. He's getting better more than ever. CONGRATULATIONS GERALD!!!

Gerald, you've come along way boy. BRAVO Hijo!!!!

Congratulations Gerald! You were so good!

I really am so proud to be a KG Fan...=))

congrats gerald..
u were soo good...
loved it...:)

CANADA

Post a Comment