Posted on :
Friday, November 06, 2009
| By :
shapap
| In :
Article
Kim and Gerald, sweet na sweet sa PBA
James Ty III ( Hataw ) 11.06.09
Noong Miyerkules ay nakita namin sina Kim Chiu at Gerald Anderson sa Araneta Coliseum habang nanood ng laro ng San Miguel Beer at Rain or Shine sa PBA. Magkatabi ang dalawang young stars ng ABS-CBN habang sabay na pumasok sa South Gate ng Big Dome at umupo sila sa courtside bago nagsimula ang laro.
Sa aming pag-uusap, sinabi nina Kim at Gerald na nagsimula na silang mag-shooting ng kanilang bagong pelikula mula sa Star Cinema at ipapalabas ito sa Enero ng susunod na taon sa direksyon ni Ruel Bayani.
“Actually, wala kaming shooting today kaya nag-decide kami na pumunta sa Cubao. Plano naming pumunta sa mall pero nagkataong dumaan kami ni Gerald sa Araneta at may naka-skedyul na laro ang PBA. Bumili kami ng tiket at pumasok kami para manood,” ayon kay Kim.
Pagkatapos ng kanilang bagong pelikula ay sasabak na sina Kim at Gerald sa taping ng kanilang bagong teleserye sa Dos na ipapalabas sa Pebrero 2010. Kung Tayo’y Magkakalayo ang working title ng bagong soap ng dalawa.
“Nag-story-conference na kami at excited kami sa aming bagong show,” ani Kim. “Magiging anak ako ni Kris Aquino na mayaman pero sobrang pasaway. Magkakasama din namin sina Gabby Concepcion at Albert Martinez,” saad ni Kim.
Dagdag pa ni Kim, excited siyang magkatrabaho si Kris dahil paborito niyang player ang mister ni Kris na si James Yap.
Si Kim kasi ay dating muse ng Purefoods, ang team ni James sa PBA at ilang beses ding nanood si Kim ng ilang mga laro ng TJ Giants.
“Pero I also like San Miguel Beer dahil favorite team ko noong high school pa,” dagdag ni Kim. “At sister teams ang SMB and Purefoods.”
Sa panig ni Gerald, sinabi niyang mahilig siyang manood ng basketball dahil naglalaro rin siya ng basketball paminsan-minsan.
“Friend ko si Marcy Arellano ng Rain or Shine kasi magkalaro kami one time when I played with him sa UE,” ayon kay Gerald. “I also like a lot of players tulad nina Gabe Norwood, Kelly Williams and Jayjay Helterbrand.”
Nagpasalamat din sina Kim at Gerald sa mga nanood ng Tayong Dalawa. Parehong pinuri namin sila dahil sa mahusay nilang pag-aarte sa katatapos lang na teleserye.
“Magandang experience itong Tayong Dalawa para sa amin. Sana sa bagong show namin ay marami pa ring fans ang susuporta sa amin,” pagtatapos ng dalawa.
i love them..