Article

3

Posted on : Thursday, November 12, 2009 | By : shapap | In :

Alex Gonzaga settles issue with Kimerald fans
by Rommel R. Llanes ( PeP ) 11.12.09

Ani Alex Gonzaga, marami na rin naman siyang natatanggap na masasamang salita bilang isang artista at tungkol sa kanyang paghu-host sa TV showbiz talk show na Juicy. Pero nitong nakaraang kontrobersiyang kinasangkutan niya, napaluha raw siyang talaga dahil naging masyado nang personal ang atake sa kanya.

Ang pinakamasakit pa ay nang sabihan siya ng fans ng artistang di sinasadyang nakanti niya sa Juicy, na hindi raw siya isang mabuting kaibigan.

"Traydor daw akong kaibigan..." sumbong ni Alex sa press nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press people sa press conference para sa kanila ng kapatid na si Toni Gonzaga ng Shapes clothing line sa Dulcinea Morato kahapon, November 11. Nag-renew ng kontrata ang magkapatid sa clothing line na sponsor na ni Toni noon pang 2005 at ni Alex naman since 2007.

Sabat naman ng kapatid ni Alex na si Toni, na katabi niya lang habang iniinterbyu, marami pa raw siyang mas masasakit na salitang nakita laban kay Alex. Hindi na lang daw babanggitin ni Toni dahil masasakit nga.

Nanggaling ang masasakit na salita mula sa mga Kimerald, ang grupo ng mga fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Nagsimula ang lahat nang hindi naging maganda ang dating ng show ni Alex tungkol sa topic ng pagpapareha kina Kim at Gerald sa ibang artista.

Wala naman daw siyang binatawang masamang salita dun tungkol kina Kim at Gerald, pero dahil siya nga ang host ng show, kaya't sa kanya nagngitngit ang Kimeralds.

Sa payo na rin ng ate niyang si Toni, tinawagan agad ni Alex si Kim para humingi ng paumanhin dito at magpaliwanag.

"Kinausap ko si Kim. Kasi yung iba naman dun [Kimeralds], hindi naman nila napanood ang Juicy nung panahon na yun. Yung iba, nagre-react na lang sila, kahit na hindi naman nila alam, dinadagdagan na lang nila. E, since, baka pag nakita ni Kim gumawa na kasi sila ng story at pinalala na nila ang sitwasyon."

Naging maganda naman daw ang usapan nila ni Kim at hindi naman naapektuhan ang kanilang pagiging magkaibigan.

"Friend ko kasi talaga yun. Sabi niya, 'Naku, okey lang yun. Aggressive talaga yung mga fans,'" kuwento pa ni Alex.

Payo pa sa kanya ni Toni nung mga panahon na yun ng pag-iyak niya dahil sa atake ng mga fans, magbasa ng Bibliya bilang proteksiyon sa mga ganoong atake at iba pang puwedeng ikasama niya ng loob sa showbiz.

Comments (3)

FRIEND NGA BA TALAGA,,, I DOUBT IT....POV KO LANG NAMAN...HMMM WHAT A JUICY FRIEND...MAGING HONEST NAMAN TAYO...SABIHIN MO NA ANG TALAGANG ISSUE HINDI IYONG SINASABI MO SA PRESS...HINDI NAMAN KAMI TANGA DAHIL NAPANOOD NAMAN NAMIN NA U TUBE PA NGA EH...

PEACE BE WITH US ALL. AMEN.

sana nga maayos na yan.. cos alex is really2 good on kimerald

Post a Comment