Articles

1

Posted on : Thursday, March 27, 2008 | By : shapap | In :

Gerald Anderson stays with his manager and Star Magic
Dinno Erece ( PEP ) 03.27.08
Getting to be more gorgeous si Gerald Anderson as he faced the press once again for the birthday press con of March-born talents ng Star Magic. The PBB teen from GenSan turned 19 last March 7.

Bukod sa upcoming Maligno—kung saan magkatambal muli sila ni Kim Chiu at makakasama nila sina Claudine Barretto, Diether Ocampo, at Rafael Rossel—it was officially announced that Gerald will still play the leading man of Kim in the upcoming local version of the Korean soap My Girl.

Kung ikinaiyak ni Kim noon ang surprise news na siya ang bida sa My Girl, ikinatuwa naman ni Gerald na hindi pa rin siya papalitan na ka-love team ng dalaga kahit na napakalakas ng clamor na ibigay ang Julian role kay Sam Milby. Sa original Korean soap kasi ay mas matanda ang leading man sa leading lady.

STAYING WITH HIS MANAGER. During a one-on-one talk with Gerald, PEP (Philippine Entertainment Portal) asked him a sensitive question about an issue that has been churning around him and his manager-discoverer, entertainment columnist Jun Reyes. Si Jun din ang naka-discover at unang manager ni Joross Gamboa at ng Star Magic Batch 15 member na si Martin del Rosario.

Balita kasi na may problema rin daw sa management ni Jun kay Gerald—na nangyari noon kina Jun at Joross kung kaya nagpa-manage ang huli solely sa Star Cirle noon and lately kay Becky Aguila na—that Gerald's American father secretly bought the management right kay Jun for half a million pesos.

"Hindi po totoo ‘yan," walang gatol na sagot ni Gerald. "For one, my father doesn't meddle with my career. He's just there to guide me and support me and accompany me once in a while sa mga out of town tapings. Wala kaming problema ni Kuya Jun, I don't know where they got that. Last year pa lang tinatanong na po yan sa akin."

We reminded Gerald na last year, ang kuwestiyon sa kanya kung gagaya rin ba siya kay Joross na magbu-bolt out kay Jun. It was around that time during his birthday month din nang tumiwalag si Joross kay Jun.

"But we don't have a problem with my manager. I will stay with him and with Star Magic," sabi ni Gerald.

Like all stars under the Star Magic department of ABS-CBN na may manager, co-management ang contract.

Last question kay Gerald, kapag nagtapos ba ang kontrata nila ni Jun, will he sign up again with him?

"Yes," ang sagot ni Gerald.

Veronica R. Samio ( Pilipino Star Ngayon ) 03.27.08

Dalawang gabi at tatlong araw na nagbakasyon sa Hong Kong sina Gerald Anderson at Kim Chiu. Pero hindi silang dalawa lamang ang umalis, kasama nila ang mga kaibigang sina Matt Evans, Melissa Ricks, Aldred Gatchalian at mga guardians nila mula sa Talent Center.

Sumama si Gerald bilang birthday gift niya sa sarili, at dahil kasama na rin ang favorite leading lady niya na si Kim. Kanya-kanya silang gastos, bagaman at tumulong si Gerald sa gastos ng pagsa-shopping ni Kim pero, hindi niya inilibre ang lahat ng pinamili nito. Yung iba lamang.

Bukod sa pagsa-shopping, namasyal din ang grupo sa Disneyland at Ocean Park. Roommates sina Gerald at Matt.

Ayaw sabihin ni Gerald kung ano ang binili niyang regalo para sa debut ni Kim sa April 19.

Inamin ni Gerald na hanggang ngayon, matapos ang tatlong taong pagpapareha, kailangan pa rin nila ni Kim ang isa’t isa.

“Pero, kapag ipinareha kami ng ABS-CBN sa iba ay okay lang. Trabaho ito na hindi namin matatang­gihan. Pero, sana hindi,” sabi ng guwapong aktor na nagdiwang ng birthday nung March 7.

Gerald, bilib na bilib sa housemate na bingi
Nel Alejandrino ( Journal Online ) 03.27.08
From among the new batch of teen housemates na nasa loob ng Bahay ni Kuya, hangang-hanga raw si Gerald Anderson kay Priscilla.

Yup, the 16-year-old na bingi who, despite her physical defect, ay willing to do anything to pursue her dream.

“She’s an inspiration to all of us,” ani Gerald. “She’s not allowing her disability to stop her from doing everything na dapat maranasan ng isang normal na teenager.

“I like her and I hope mapasama siya sa Top Four,” susog pa ni Gerald.

The latter emerged first runner-up to Kim Chiu in the first Pinoy Big Brother Teen Edition.

Para sa kanya, ang mapasali sa nabanggit na reality show ay isang big accomplishment for any teenager.

Marami raw siyang naranasang hirap sa Bahay ni Kuya. Ganunpaman, this was well compensated with so many things he learned as a housemate, lalo na ang tungkol sa pakikisama sa mga kabataang kasing-edad niya.

“Marami akong naging kaibigan sa mga fellow male housemates ko. Hanggang ngayon, I still keep in touch with them,” tukoy pa ni Gerald.

Eh, si Kim, now his ka-loveteam, how did he feel about her while inside Kuya’s house?

“Attracted na ako sa kanya noon pa man,” sagot ni Gerald. “Pero, hindi ’yong physical beauty niya ang hinangaan ko, kung hindi ang pagiging mabait niya.

“Suwerte ko at si Kim ang naka-loveteam ko. We click together well. Masasabi kong close kami sa isa’t isa,” patuloy pa niya.


Now a wakeboarding enthusiast, Gerald, together with good friend Joross Gamboa often go para mag-wakeboard sa Lagro de Oro, Batangas.

Gerald agrees that wakeboarding is a dangerous sport. But one has to be really careful dahil the thrill he/she gets habang nagwe-wakeboard is truly overwhelming.

When Gerald turned 19 last March 7, Kim gifted him with a wakeboard.

The two will soon be seen together sa teleseryeng Maligno, which stars Claudine Barretto.

Gerald nilinaw ang isyu sa kanila ng manager
Dinno Erece ( Journal Online ) 03.27.08

Gerald Anderson is still being co-managed by both his discoverer Jun Reyes and his home station na Star Magic.

Getting cuter and sexier ang isa sa first PBB Teen winners na si Gerald as he turned older celebrating his 19th birthday last March 7. No, wala pa rin siyang planong magpa-sexy at nagpapasalamat siya sa Star Magic, he is not being asked to go to that kind of thing pa raw.

Kahit na serious sila sa next project nila ni Kim Chiu, ang Maligno, balik sa pagpapa-cute sila sa next solo soap nila ni Kim na Filipino version ng Korean Novela, ang My Girl.

Anyways, during the Holy Week, we heard a rather disturbing news na binili raw ng kanyang ama secretly sa kanyang manager ang management right nito to the tune of half a million pesos.

Hindi raw ito totoo sabi ni Gerald at nagtataka siya kung bakit may ganoong balita. He stays with Jun and also to Star Magic as artist.

He is happy with the set up at contrary sa iba pang naglalabasang balita, wala silang problema ni Jun.

Kung si Gerald na ang nagsasalita, who are we to argue, Lyka?

Gerald Anderson : "Promise, wala akong kilalang Alyanna Tan na 15 years old."
Melba Llanera ( PEP ) 03.26.08

Sa kabila ng consistent na pagde-deny ni Gerald Anderson na walang katotohanan ang sinasabing tagong relasyon niya sa isang dalaga na nagngangalang Alyanna Tan, hindi pa rin mamatay-matay ang issue tungkol dito.

Kamakailan ay lumabas sa isang tabloid ang isang "open letter" ng isang "fan" na malapit na kaibigan diumano ni Gerald at ng ka-love team nitong si Kim Chiu. Ayon sa "fan," hindi na raw niya matagalan ang ginagawa ng young actor na pagsabayin sina Kim at Alyanna.

Nakasaad din sa "open letter" na patuloy lang daw tinitiis ni Kim ang ginagawang ito ni Gerald dahil sa laki ng pagmamahal niya sa kapareha. Samantalang sa parte naman daw ni Alyanna ay gusto na raw naman ng 15-year-old non-showbiz girlfriend daw ni Gerald na ilabas na ang kanilang relasyon.

NOT TRUE. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) last March 25 si Gerald sa presscon para sa March birthday celebrants ng Star Magic—Gerald turned 19 last March 7. Pinagtatakhan ng young actor ang lumalabas na mga balita gayong wala raw siyang nakilalang Alyanna Tan sa buong buhay niya.

"Promise, wala akong kilalang Alyanna Tan na fifteen years old," tanggi ng young actor. "Dun sa sinasabing gusto na raw niyang ibulgar ang relasyon namin, pasensiya na. Pero ang hirap magsalita kasi baka hindi naman talaga siya nag-e-exist, hindi naman talaga siya totoong tao kundi nagagamit lang ng iba. Kung fan naman siya, dapat kilala ko siya. Kung Kim-Gerald [fan siya], magagalit sila dun kung may gumagawa na ganun sa mga kasama nila."

Sa isyung nagtitiis na lang daw si Kim at pinagpapatuloy ang relasyon nilang dalawa, hindi pa rin nagbabago ang sagot ni Gerald na hindi pa umaabot ang samahan nila sa pagiging espesyal na magkaibigan.

Sa isyung breakup naman, simple lang ang sagot na ibinigay sa amin ng young actor: "Hindi kami puwedeng mag-break kung hindi kami, di ba? Our relationship is still the same, ganun pa rin kami. We're still close friends, nandito pa rin ako lagi para sa kanya. Nandun pa rin siya lagi para sa akin."

KIM'S DEBUT. Sa April 19 ang debut ni Kim at marami ang nag-aabang kung ano kaya ang regalo ni Gerald sa kapareha. Nando'n din ang tanong ng lahat kung si Gerald din kaya ang magiging last dance ng young actress sa cotillion nito.

"Mayroon na akong gift sa kanya but surprise ‘yon, hintayin na lang ninyo yung April 19. Tatay niya yung last dance niya, I'll give it to her dad. Mas maganda kung ako yung escort niya, na kay Kim ‘yon," saad ni Gerald.

MY GIRL. Kumpirmado na ang pagtatambal muli nina Gerald at Kim sa Pinoy remake ng hit Koreanovela na My Girl. Pero maraming mga fans ni Kim at sinabi rin mismo ng young actress na gusto rin niyang makapareha dito si Sam Milby. Nagbigay ng reaksiyon si Gerald sa opinion na ito ng ka-loveteam at ng ibang mga fans.

"Ganun talaga, you can't please everyone," saad niya. "May mga fans na ayaw sa iyo, may mga fans na in love na in love sa iyo. Kung gusto ni Kim na maka-partner din si Sam sa My Girl, hindi ako nahe-hurt kahit kaunti. Sam is a good guy, siya nga kumanta nung ‘My Girl' [theme song] before. Sa akin kasi, kung ano ang plano ng ABS, wala akong magagawa dun.

"Basta right this moment, I'm overwhelmed. Pinapanood ko na yung My Girl. Difficult siya kasi medyo matured na yung role ko dito, but I'm really excited."

Nagbigay rin ng opinyon si Gerald sa bagong batch ng housemates sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus. Matatandaang sa unang season ng naturang reality show nanggaling si Gerald at si Kim na siyang nanalo.

"Nandun ako sa opening and I can say ang aastig nila. Hindi ako nate-threatened or nagwo-worry because alam ko naman na kami talaga ang first. Kahit na ilan pa ang dumating, at least we're the first edition of PBB teens," pahayag ni Gerald.

Comments (1)

I'm from Taiwan.And I don't understand the words..Can I ask if Gerald is going to play the role Julian in My Girl?

Post a Comment