Articles

1

Posted on : Sunday, March 09, 2008 | By : shapap | In : ,

Kim, kinikilig kina Sam at Piolo
Allan Diones
Abante-Tonite

Napaiyak si Kim Chiu sa tuwa nang i-announce sa presscon ng ‘Dream Big Kapamilya’ nu’ng Biyernes na siya ang napili ng ABS-CBN na gaganap na bida sa Pinoy version ng koreanovelang My Girl.

Doon lang nalaman ni Kim ang tungkol sa bago niyang show kaya nagulat siya at naluha sa labis na kagalakan. Natutuwa ang bagets dahil sinubayba­yan daw niya ang My Girl at gustung-gusto niya ang karakter ng bidang babae roon.

Kung siya ang papipiliin ng magiging kapareha ay ang ka-loveteam niyang si Gerald Anderson ang choice ng chinitang young actress dahil alam niya raw na napakaraming ‘Kimerald’ fans ang matutuwa.

Isa pa ay gamay na gamay na raw nila ni Gerald ang isa’t isa. Maliban kay Gerald ay type din ni Kim si Sam Milby dahil cute daw ito, pero nahihiya siya sa Fil-Am heartthrob.

Inintriga namin si Kim na bakit si Gerald ay na­tsitsismis na nililigawan (o nobya na) si Empress Schuck, samantalang sa kanya ay walang ibang nali-link na boys.

“Oo nga, eh! Sabi nila, tomboy raw ako! Hindi naman ako tomboy! Naka-sleeveless nga ako ngayon, eh! Ha! Ha! Ha!” cute na hirit sa amin ni Kim.

Sey ng bagets, masyado lang daw kasing mabait sa lahat si Gerald kaya ito nali-link sa ibang girls, pero hindi raw siya nagseselos.

Eh, paano kung totoong magsyota na sina Gerald at Empress, anong mararamdaman niya?

“Okey lang po. Kung masaya si Gerald, masaya rin ako para sa kanya, syempre. Kasi, kung kami talaga, kami talaga. Kung hindi, hindi,” kas­wal na sagot ng 17-anyos na Cebuana na type na type namin ang pagiging na­tural at inosente.

Bukod kay Empress ay may balita ring dine-date si Gerald na isang 15 y/o girl na Alyanna Tan daw ang name. Paliwanag ni Kim, siguro mga girls lang daw ‘yon na nagpa-picture sa binata dahil ultimo si Gerald ay nagulat sa isyu at hindi raw nito kilala ang nasabing girl.

Nilinaw rin ni Kim na hindi totoong nag-break na sila kamakailan ni Gerald dahil never daw na­ging sila.

Lagi lang aniyang pareho ang trabaho nila kaya palagi silang magkasama.
Hindi rin masabi ni Kim kung nanliligaw ba sa kanya si Gerald dahil pangit naman daw kung siya ang magsasalita dahil baka sabihin niya oo, ‘yun pala ay hindi naman nanliligaw ang binata.

Nu’ng Biyernes (Marso 7) ay 19th birthday ni Gerald at isang wakeboard ang birthday gift ni Kim sa ka-loveteam. Wakeboarding kasi ang sports ngayon ng Fil-Am bagets at madalas nitong kasama sa Batangas si Joross Gamboa. Hindi raw siya pinapasama ng daddy niya roon dahil malayo.

Hirit namin kay Kim, hindi ba, mga girlfriend ang nagreregalo ng wakeboard? Si Angelica Panganiban kasi ay niregaluhan din ng wakeboard ang nobyo nitong si Derek Ramsey…

“Hindi, ah! Ang girlfriend, ang nireregalo, mga diamond! At saka ‘yun ‘yung pinakamurang wakeboard. Factory price lang ‘yon! Ha! Ha! Ha!” sagot niya.
In fairness, natawa kami sa dayalog ng bagets na, “Bakit n’yo ba kami pinipiga ni Gerald?!”
**************************

Sa Abril 19 ay 18th birthday ni Kim at hindi pa niya alam kung anong mangyayari at saan gaganapin ang kanyang debut party.

Ang Star Magic na ang hinayaan niyang mag-ayos at magplano ng lahat. Bahala na rin daw ang Star Magic kung first dance niya ba ang daddy niya at last dance niya si Gerald or vice-versa.

Hindi raw mahalaga kay Kim ang gifts, basta nandu’n ang friends niya dahil nag-aalala siya na baka walang dumating sa kanyang party.

Wish din niya na dumating sa debut niya sina Sam at Papa P (Piolo Pascual). Nahihiya na kinikilig ang dalaga sa dalawa.

Magbu-boyfriend na ba siya ‘pag disiotso na siya?

“Pwede na siguro, mature na ako, eh! Yucckkk!! Ha! Ha! Ha!” tawa ng bagets.

Nang may magtanong kung iimbitahan niya ba sa party niya ang kanyang inang matagal na niyang hindi nakikita, iniwasang sumagot ni Kim dahil ayaw niyang pag-usapan ang kanyang estranged mother.

Kasama sina Kim-Ge­rald sa sineseryeng Maligno ni Claudine Barretto.

Samantala, magsisimula na ang PBB Teen Edition 2 Plus sa Marso 23 (Easter Sunday) at may primer ito sa Marso 16.

by Dinno Erece
Journal Oniline

Hindi pa rin pinapabayaan ng ABS-CBN si Kim.

Kitang-kita ang surprise sa mukha ni Kim na sabay na umiiyak, tumatawa at sumisigaw pagkatapos ng special AVP na ginawa sa pagkapanalo niya noon sa PBB Teen edition. Hindi niya kasi inakala na sa kaniya ibibigay ang local version ng My Girl na ipu-produce ng ABS in cooperation with the South Korean channel KBS. Hindi ito sinabi sa kaniya at hi-nintay talaga ang reaction niya.

After her second movie with love team Gerald Anderson na I’ve Fallen For You from Star Cinema, matagal-tagal bago tayo nakabalita ng bagong project for Kim na kasama pala sa Maligno na part ng Susan Roces Collection together with Claudine Barretto, Diether Ocampo, Rafael Rossel, Gerald and Ms. Susan Roces herself.

Nice to know that the very promising Star Magic artist is still being held important by ABS.

Kim nag-iiyak sa presscon
by Chan-Chan Torres

Journal Online

Napaiyak si Kim Chiu sa presscon ng PBB Teen Edition Plus at PDA, dahil sa balitang nakarating sa kanya.

Nope, hindi dahil sa isang isyu or what. Napaluha si Kim dahilan sa isang magandang sorpresa na nalaman niya na siya ang gaganap na lead role sa My Girl na local version. Ito ‘yung Koreanovela two years ago na gagawing pinoy chorva.

Ayon pa kay Kim, bata pa lang daw siya malaki na siya kung mangarap. Naranasan na umano niyang maghirap at alam na niya ang feeling ng isang ama’t ina.

Alam na raw ni Kim kung gaano kahalaga ang maging responsible kung kaya’t hindi siya nagdalawang isip na makipag-sapalaran keber mang libu-libo ang mga kasabayan niya sa audion for PBB Teen Edition noon sa Cebu.

Hindi raw nawalan ng loob si Kim. Aniya, gusto niyang subukan kung kaya niya ang mga tasks sa loob ng PBB house at such a young age, kung kaya ni-yang makipag-sapalaran. And she made it. She’s gone this far, di ba?

Iba na raw ang buhay ni Kim ngayon. Mas naibibi-gay na ng dalaga ang pangangailangan ng pamilya niya. Dagdag pa ni Kim, ang mga bagay na wala siya noon, gusto niyang matikman ng mga kapatid niya.

Kaya kung ano ang hi-lingin ng mga ito ay sinisikap niyang ibigay. Tumutulong din daw si Kim sa pagpapa-aral ng mga kapatid sa Cebu.

Grabe, kahit bata pa si Kim, talagang may sense of responsibility na ito. Alam na niya ang mukha ng buhay. Na hindi lahat ay puro sarap at ligaya.

Siguradong marami pang mga bagets ang mababago ang buhay sa mu-ling pagbubukas ng PBB Teen Edition Plus sa darating na March 23 (Lunes) pero may PBB Plus primer na sa March 16.

Walang iba kundi si Luis Manzano ang idinagdag para mas lalong gumanda ang mga gabi natin sa pagsubaybay sa mga bagets ng PBB.

Comments (1)

hello
kim keep up the good work
and godbless you.

Post a Comment