Articles

4

Posted on : Saturday, March 08, 2008 | By : shapap | In : ,

- Kim Chiu bida sa 'My Girl'
- Kim Chiu natulala at naiyak sa pagganap sa local version ng 'My Girl'
- Cry-to-death si Kim nang i-announce na siya ang gaganap sa 'My Girl'
scans c/o ate lian

Kim and Yeng not threatened by new batch of dreamers
Jocelyn Dimaculangan
www.pep.ph

Not too long ago, a young Chinese-Cebuana and a native of Rizal both dreamed of making it big in the world of showbiz and music, respectively. Today, Kim Chiu and Yeng Constantino can proudly say that dreams do come true.

Yesterday, March 7, ABS-CBN formally launched the start of the reality programs targeting the youth of today. Pinoy Big Brother Teen Edition Plus has started giving away 30 Dream Keys to teenagers all over the country. These coveted items signify that they have the chance to enter the PBB house once they surpass all the challenges posed by Big Brother. The 30 short listed candidates will be trimmed down until the 12 tenants of PBB Teen Edition Plus will be revealed.

If you're wondering why there's a Plus at the end of the title of the show, it refers to the addition of a new host—Luis Manzano. He will be hosting the latest edition of PBB along with Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, and Bianca Gonzalez.

Now that a new batch of dreamers will be joining the same contest that gave them fame and success, do Kim and Yeng feel threatened by the impending competition?

For her part, Kim says, "Lahat naman po ng tao may sariling chance sa buhay kung magiging artista sila. May kanya-kanyang chance ang tao."

HUMBLE BEGINNINGS. Jilmer Dy recalls the reasons why Kim stood out during the auditions of the reality TV show. "Si Kim kasi sobrang natural. Noong umakyat siya sa stage, kinukurot daw niya yung pisngi niya kasi hindi siya naka makeup...gusto niyang magmukhang naka-blush on. Natural lang, kapag kailangang ngumiti, ngumingiti siya. Kung ano yung nakita namin noon, yun din yung nakikita ngayon.

"Saka nakikita mo yung sparkle ‘pag umakyat na siya onstage, no matter how raw, may gut feel ka. Parang itong taong ito would be good TV material," says the senior story editor of PBB Teen Edition Plus.

The future looks especially bright for these two female stars especially since Kim has been chosen to star in the Filipino remake of the hit Korean Tv series My Girl. The Chinese-Cebuana will also star with Gerald Anderson in Claudine Barretto's comeback TV series Maligno.

Vinia Vivar
Journal Oniline

Napaiyak kahapon si Kim Chiu nang malaman sa presscon ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus na gagawin niya ang local version ng Koreanovelang My Girl.

Nagulat ang young actress dahil wala raw siyang kaide-ideya na sa kanya ito ibibigay. Ang alam daw niya ay Maligno lang ang project niya with Claudine Barretto at hindi niya alam na may solo teleserye pang ibibigay sa kanya.

Habang kausap nga namin si Kim, para siyang nakalutang sa alapaap habang sumasagot sa mga tanong.

Panay ang tawa niya at kitang-kita kung gaano siya kasaya. Hindi pa raw niya alam kung sino ang magiging leading man niya sa nasabing serye, pero kung siya ang tatanungin, si Gerald Anderson pa rin ang gusto niya dahil kumportable na siya sa ka-loveteam.

Kinumpirma naman sa amin ng isang staff ng ABS-CBN na si Gerald ang magiging leading man ni Kim sa My Girl.

Matatandaang si Kim ang Big Winner ng PBB Teen Edition 1. Ngayong may bago na namang edisyon, aniya ay natutuwa siya’t may mga aspirant na namang mabibigyan ng pagkakataong matupad ang pangarap tulad ng nangyari sa kanya,

Sa March 23 na ang pormal na pagsisimula ng PBBTE Plus kasama ang hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez at Luis Manzano. Mayroon ding PBBTE Plus Primer sa March 16, 9:45 p.m.

Kim Chiu chosen to play the lead role in the Pinoy version of "My Girl"
Rose Garcia
www.pep.ph

Hindi napigilan ng young actress na si Kim Chiu ang mapaluha sa katuwaan dahil sa sorpresang natanggap niya during the press conference of the new season of Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition Plus and Pinoy Dream Academy kahapon, March 7, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Kasama ni Kim sa presscon si Yeng Constantino. Matatandaang si Kim ang kauna-unahang winner ng PBB Teen Edition samantalang si Yeng naman ang first winner ng Pinoy Dream Academy.

Sa part ni Kim, habang ipinapakita ang AVP ng kanyang pagsisimula sa PBB as housemate at sa mga naging accomplishments niya bilang artista since then, laking-gulat ni Kim nang sa kalagitnaan nito'y ipakita ang Koreanovela na My Girl na naipalabas na noon sa ABS-CBN. Si Kim ang napiling gumanap na bida sa Pinoy version ng hit Koreanovela.

THE CHOSEN ONE. Clueless si Kim at sa mismong presscon lang din niya nalaman ang tungkol dito. Bukod sa horror series na Maligno, ang My Girl pala ang nakalaan na bago niyang project sa Kapamilya network.

"Sobrang saya ko po!" ang bukod-tanging nasambit ni Kim pagkatapos ng ilang segundo na hindi siya makapagsalita nang formally ay i-announce sa presscon na talagang ginawang surprise sa young star ang bagong series na gagawin niya.

Nang makausap nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kim, wala raw siyang idea sa naturang project. Pero aniya, napanood na raw niya ito sa DVD.

"Wala! Wala talaga, as in wala akong idea at all. Pinagpe-pray ko lang talaga na sana magkaroon ako ng bagong project. ‘Tapos ayun, nagkatotoo nga siya! Naiyak nga ako, ang saya!" hindi maitago ang kaligayahan na pahayag ni Kim.

THANKS TO PBB. Para kay Kim, wala ang lahat ng tinatamasa niya ngayon kung hindi dahil sa PBB Teen Edition.

"Utang ko pong lahat sa PBB family ko, like si Direk Jilmer [Dy]," sabi ng dalaga. "Siya po ang nag-interview sa akin noong nag-o-audition pa lang po ako, kaya alam niya pong lahat. Masayang-masaya po akong talaga sa lahat ng na-achieve ko, kasi all wish granted pong talaga.

"Sobrang laki rin po ng naitulong ko sa family ko. Ako na po ang nagsisilbing mother, father sa mga kapatid ko. Napag-aaral ko po sila at naibibigay ko po yung pleasure na gusto nila. Ako po kasi before, hindi ko po nagagawa yung like, ‘Mama, Papa, ibili mo ako ng ganito, ganyan.' Kasi alam ko po na hindi po nila maibibigay dahil kapos po kaming talaga.

"Pero ngayon po, sa mga kapatid ko, kapag may hinihingi sila, ibinibigay ko kasi lahat naman po ng ginagawa ko, para po talaga sa kanila. Masaya po ako. Hindi naman po siguro lahat ng teen, nakakatulong ng ganito kalaki sa pamilya nila. At lahat po ng yun, utang ko pong talaga sa PBB Teen Edition," lahad ni Kim.

Ayon pa kay Kim, hindi siya nate-threaten kung magkakaroon na ng bagong season ng PBB na magsisimula na sa March 23. In fact, masaya raw siya na may ganitong venue para sa mga teenagers na katulad niyang minsang nangarap at nabigyan ng katuparan through the show.

"Basta ako, gagalingan ko lang, like sa My Girl. Kung matuloy nga ‘yon, mas magiging masaya ako. At saka may Maligno pa ko. Masayang-masaya na ako sa lahat ng naabot ko ngayon, sobrang masaya po talaga.

"At saka, masaya po ako kasi may bagong PBB Teen Edition na naman. Ibig lang pong sabihin, may bago na naman pong magsa-shine. May mga bagong teen na naman na matutupad ang pangarap. At saka sa tingin ko po, nasa amin naman po kung paano kami mag-i-stay. Pero lahat po ng tao, may sariling chance sa buhay."

CLAUDINE FAN. After ng Love Spell, ang Maligno ang next project na pinagsasamahan nila ng ka-loveteam na si Gerald Anderson. Kaya hindi totoong after their Love Spell, biglang ipi-freeze ang loveteam nila. Aside from them, nasa Maligno rin sina Claudine Barretto at Diether Ocampo.

Fan daw talaga si Kim ni Claudine kaya hindi niya itinagong during their taping, hindi pa rin niya maiwasang ma-starstruck na kasama na niya si Claudine sa isang show.

Aniya, "Si Ms. Claudine, ang bait! Nahihiya nga ako, e. At saka nai-starstruck din ako kasi kapag nag-uusap kaming dalawa, nauutal din ako, walang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam.... Like, tatanungin niya ako, ‘Kumusta ka na?' Wala, walang lumalabas sa akin. Sobrang nahihiya ako."

Naitanong din ng PEP kay Kim ang totoong estado sa kanilang dalawa ni Gerald dahil may mga bali-balitang hiwalay or break na sila.

"Hiwalay? Hindi pa nga po nagiging kami, maghihiwalay na kami?" natatawa niyang sagot.

"Break na ba kami? Hindi pa nga nagiging kami, break na kami?" tawa niya ulit. "Basta okay naman po kami. Good friends. Nagha-hangout kami minsan kasama yung mga barkada niya, mga PBB dati.

"Actually, hindi ko rin po alam kung saan nanggagaling yung isyu na break na kami. Nababasa ko nga rin po. Pero wala lang, nagbibiruan na lang po kami."

Sinabi ng PEP kay Kim na posibleng kaya may isyu ng breakup sa kanila dahil mas marami ang naniniwalang naging sila talaga at patuloy lang nila itong idine-deny.

"Ganun po? Hindi po, siguro po, kapag eighteen na ko," ang maikling tugon ni Kim.

KIM TURNS 18. On April 19, Kim is turning 18. Pero wala pa raw siyang plano kung may magaganap na debut party on her special day.

"Wala pa pong plano. Matagal pa naman, sa susunod na buwan pa naman yan."

Pero kung siya raw ang tatanungin, wala rin daw siyang kaibahan sa ibang teenager na pangarap ang magkaroon ng debut party talaga.

"Kaso nahihiya ako, e," natatawa niyang sabi. "Kasi wala akong masyadong friends, baka wala masyadong pumunta. Baka wala akong bisita. Siyempre po, lahat naman ng girls, dream nila yung talagang debung-debut. Pero ako, hindi ko pa alam... Nahihiya ako, e. Gusto ko, pero nahihiya ako."

Hindi naman itinanggi ni Kim na kung sakaling magkakaroon man daw siya ng party, definitely raw ay si Gerald ang escort niya.

"Opo, si Gerald. Wala naman po akong ibang ka-close, e," sambit niya.

Kahapon, March 7, nag-celebrate naman ng kanyang kaarawan si Gerald. Wakeboard daw ang birthday gift ni Kim sa ka-love team.

Comments (4)

I'm quite expecting..Is she going to be with Gerald???? i'm their fan from Taiwan.....^_^

its already confermed in TV patrol that kim is a lead role of my girl and gerald is her partner..non stop ako manood nito alam ko my kissing scene cla dito i dont want to miss that thing..aweee..kilig ako!!

More blessing for you KIM as you deserved it, your feelings are real especially to Gerald, you are a true friend to him but I'm not sure if he deserve to have a good friend like you? The truth came out, his dating someone,so, why does he need to act to the public that he is willing to wait for you????
You must be hurting and still hiding your feelings about the issue with Gerald, fight it kid,there is someone else waiting for you and that is Gerald's lost!

i agree with the previous post. kim deserves somebody better than gerald. kim, i know it hurts. dont worry, makakarma din si gerald. sana gerald wont act like he's super into you. di naman totoo pala eh. get lost gerald!!! we love kim. please dont hurt her!

Post a Comment