Posted on :
Friday, July 31, 2009
| By :
shapap
| In :
Article
Gerald Anderson undergoes parkour training as Tiagong Akyat
Rommel R. Llanes ( PEP ) 07.31.09
Naging notorious nung 1920s ang kriminal na si Santiago Ronquillo, isang magnanakaw na tubong-Imus, Cavite. Nakilala siya bilang isang magnanakaw na kayang pasukin ang isang bahay nang hindi nakikita ng mga may-ari ng bahay dahil sa taglay diumano nitong agimat na "taga-bulag."
Bago nasukol ng pinagsamang Philippine Constabulary at Manila Police sa isang bahay sa Noveleta, Cavite, nung 1923, naging legendary si Santiago dahil sa kakaibang kakayahan nito at sa dulas sa panghuhuli sa kanya ng mga awtoridad.
Taong 1973 nang gawing pelikula ng tinaguriang "Hari ng Agimat" na si Ramon Revilla ang buhay ni Santiago Ronquillo. Pinamagatan itong Hulihin si Tiagong Akyat, base sa naging bansag kay Santiago at sa mga headline sa diyaryo noon. Tumabo ito nang husto sa takiltya at nagbigay kay Ramon Revilla ng Famas Best Actor Award nung taon ding iyon.
Ngayong 2009, sa pamamagitan ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla, pagbibidahan ni Gerald Anderson ang modernong bersyon ng istorya ng buhay ni Tiagong Akyat.
HONORED. "Isang malaking karangalan na isa ako sa mga pinili nila para gumanap na Tiagong Akyat," bungad ni Gerald nang tanungin sa nararamdaman niya sa importansyang ibinibigay sa kanya ngayon ng kanyang home station. Nagpa-press conference na ang ABS-CBN para kay Gerald at sa cast ng Tiagong Akyat sa 9501 Restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN, kahapon, July 30.
Ang Tiagong Akyat ang pambuwena-mano sa mga serye ng characters na ginampanan ni Ramon Revilla na magiging tampok sa Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla, magsisimula na sa August 15.
Sa kabila ng pagkakaroon ni Gerald ng bagong proyektong ito, hindi pa rin nalilimutan ni Gerald na banggitin ang ka-love team niyang si Kim Chiu. "Ito na yung way, ito yung growth namin ni Kim, kumbaga. Kasi lahat ng projects namin, magkasama kami. Pero hindi naman ibig sabihin na hindi na kami magsasama pa ni Kim."
Paniwala ni Gerard, malaki rin daw ang kinalaman ng show nila ni Kim na Tayong Dalawa sa pagkakapili sa kanya para sa pagganap sa maaksyong buhay ni Tiagong Akyat. "Doon nagsimula ang lahat, e. Sa Tayong Dalawa.Siguro nakita nila na kaya naman. Dito sa Agimat, talagang all-action."
PARKOUR TRAINING. Para sa role niya as Tiagong Akyat, kinailangan ni Gerald na mag-undergo ng parkour training.
Ang parkour ay ang istilo ng pagtakbo, paglundag at paglusot sa mga obstacles na na-develop sa France. Matatandaang ang Kapuso actor na si Dennis Trillo ay sumailalim din sa ganitong klase ng training para sa role niya sa Gagambino. Nagka-injury nga lang si Dennis habang nasa proseso ng pagte-training ng parkour.
Hindi ba nag-aalala si Gerald na baka mangyari rin sa kanya ang injury na nangyari kay Dennis habang nagte-training ng parkour?
"Masarap kasi gawin, e. Masarap kasi gawin yung parkour. Napaka...parang isang panibagong challenge para sa akin ito," walang-pag-aalalang sagot ni Gerald.
Sa full-trailer ng Tiagong Akyat, makikitang animo matsing sa bilis at balanse na nagpalipat-lipat ng mga hinakbangang tao si Gerald. Animo eksena nga sa mga pelikula nina Jet Li at Jackie Chan, at sa Thai action film na Ong Bak ang mga maaaksyong eksena ni Gerald.
Pagmamalaki nito, wala raw siyang kable o harness na ginamit habang ginawa ang mga tila delikadong stunts sa Tiagong Akyat. Pero inamin ni Gerald na nakadama rin naman daw siya ng kaba, kahit papaano.
"Siyempre, kinabahan ako. Pero...kumbaga, tulad ng sinabi mo, parang Ong Bak, na ginagawa nina Jet Li. Actually, sila ang mga idol ko, e. Bata pa lang ako, pinapanood ko na sila. Pangarap ko rin 'to, e. Yung mga ginagawa ko sa Agimat," pagbibida pa ni Gerald.
GETTING ADVISES FROM THE ORIGINAL. Nang tanungin tungkol sa pagkikita nila ng original na gumanap na Tiagong Akyat na si Ramon Revilla, Sr., masaya namang nagkuwento si Gerald.
" Siyempre, starstruck kami [Gerald and other Agimat lead stars, Coco Martin and Jay Cuenca]. At nagulat kami dahil kilala niya kami. As in nanonood siya ng Tayong Dalawa... talagang nakakataba ng puso. Nakakagulat!
"Yung mga advises niya sa amin, stay grounded, wag daw kumain ng crispy pata. Kasi raw nakaka-high blood, e.
"Basta maging professional..."
Nagpayo rin daw ang dating senador at film legend sa kanila tungkol sa girls.
"Habang bata pa raw..." makahulugan munang bitaw ni Gerald. "Dapat maging faithful ang lahat, ha-ha-ha!" at tuluyan nang natawa ang guwapong aktor.
Sa Tiagong Akyat, first time maipapareha si Gerald sa ibang leading lady. Hindi na nga si Kim ang makakapareha niya kundi si Erich Gonzales. Ano sa tingin ni Gerald ang magiging reaksyon ng fans nila ni Kim—na kilala bilang mga "Kimerald Fans" —sa bagong pagpapareha sa kanya sa ibang babae.
"Magwawala sila. Yun na yon. Let's just be really frank. Talagang... ganun talaga, e. Mahal nila kami, e. Mahal nila kami ni Kim na magkasama. Kaya nga 'kimerald' ang tawag sa kanila,e.
"I'm just praying na sana suportahan pa rin nila ako, na kahit hindi kami [ni Kim] magkasama sa isang project, sana nandiyan pa rin sila. And I know that they will be [there for us]."
Goodluck and wish you all the success nang bago mong teleserye Gerald. Ganoon din ang wish ko kay Kim. I love you both and I cannot wait for your next project together. I know your love for each other will last kasi you were meant to be together.
I'm very sorry Ge, hindi ko kayang panoorin yong movie mo with other Girls. Mas selosa kasi ang fans kay sa kay Kim to tell you honestly!
Maghintay na lang kami sa sinasabing nilulutong movie kung hindi man fake na pinapromise ng ABS na kayong dalawa ang lead role!
Sana maging strong at genuine ka kay kim lalo na ngayon na hindi na kayo magkasama! You should be careful dahil sa isa mong pagkakamali, patay ka sa aming mga fan! We don't want Kim to be hurt! Gusto namin kayo lang dalawa! Ganyan kami ka selosa!
Kimerald Forever!
Kahit anong gandang publicity ang gagawin ng ABS hindi pa rin ako manonood! Dahil hindi ko gustong mapanood to ng mga anak ko na si Ge ang iniidolo!
This is not a wholesome movie and not good for young generation!
Baka isipin ng mga bata na okey lang ang magnakaw at mangangaliwa! May kabit pa!
Altough I'm a die hard Kimerald fan! I'm very sorry to tell na hindi ko susuportahan yan!