Article

15

Posted on : Monday, July 27, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson, showbiz’s newest action star
MJ Felipe ( ABS-CBN Interactive ) 07.27.09
Sabay si Coco Martin at Gerald Anderson na nag-first taping day para sa Agimat. Si Gerald ang gaganap sa episode na "Tiagong Akyat." Excited din si Gerald sa proyektong ito dahil kung sa Tayong Dalawa ay aksyon at drama ang kanyang ginagawa, dito daw ay talagang maipapakita niya ang kanyang pagiging action star dahil sa tindi ng mga stunts na kaniyang gagawin. Una na ngang napabalita na nag-Parkour training pa daw ito.

Ang Parkour ay isa mga makabagong sport na kung saan ang mga tao ay tumatakbo at tumatalon mula sa mga bubong at sa mga pader. Ang iba ay nagsasabing isa itong uri ng exercise, pero sa ilan, ito ay isang sport na kinakailangan ng matinding ensayo at upper body strength para makatawid at makaakyat sa mga pader. Ilang pelikula na rin sa Hollywood ang gumagamit ng Parkour tulad ng Bourne Ultimatum kasama si Matt Damon, at ngayon nga si Gerald Anderson naman ang susubok nito sa local TV scene. "Grabe ang training namin. Nung minsan, nagpunta kami sa may Luneta, tapos doon kami nag-try. Tumatalon kami sa pader doon. Mahirap siya talagang kailangan malakas ang upper body strength mo." kuwento ni Gerald. Pinakita pa niya sa amin ang video na nakunan na tumatalon siya sa isang pader. "Noong una, wala pa ngang tao. Kami-kami lang. Pero pinaalis na rin kami ng guard noong medyo madami nang taong dumating at nanood. Kailangan galingan ko kasi marami ngang nanunuod." dagdag pa nito. Sa tindi ng mga eksena ng parkour, ‘di ba siya nagkagalos? "Meron pero konti lang naman. Kaya naman siya."

Parang unti-unti nang nagiging "action star" ang linya ni Gerald, nararamdaman ba niya ito? "Medyo, medyo. Pero gusto ko pa rin yun (medyo kilig at loveteam) kasi yun ang gusto ng mga fans. Saka gusto ko rin namang sundan ang yapak nila Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, sina Robina Padilla, si Senator Bong (Revilla) at si Ramon (Revilla) Sr. Lahat naman sila, I wanna follow their footsteps." Pero nararamdaman din ba niya na unti-unti nang nagmamature ang mga roles na binibigay sa kanya? "Oo medyo. Siyempre, it comes with age. Medyo tumatanda din tayo kaya nagma-mature din ang mga roles."

At speaking of mature roles, di man daw niya napapanood pa sa TV, pero nakarating na raw sa kanya ang maganda at impressive na pagganap ni Kim bilang si Dolzura Cortez sa ginanap na Vilma Workshop sa Dolphy Theater. Masayang-masaya daw si Gerald para sa kanyang kaloveteam, at kung nagwoworry daw ang mga fans na magkakaroon na sila ng mga solo projects, wag daw sila masyadong mainip dahil magbabalik tambalan naman daw sila ulit after lang ng Tayong Dalawa. May movie na raw na nakalinya para sa kanila at tiyak na ikatutuwa daw ito ng mga fans.

Comments (15)

they better have a movie together but im proud of kim and gerald for their achievements :)

Dapat ang movie na yan sila Kim and Gerald (kimerald) ang lead role upang talagang masaya kaming mga fans!!!!

Tumpak !!!Fans will be grateful and very happy if
this will happen soon.
Kimerald is the shining star of Phil. movie/entertainment and what fans want to see. Pls don't disappoint us.!!!
KIMERALD RULES!!!!!
tfc-usa

yeheyyyy! i love it! pero siguraduhin nyo abs at sc na kimerald lang ang lead role at wala nang iba!!!...thank you in advance!

Were all happy to hear that, and we know both of you are doing a good job, inspite of different projects, please ayaw namin magkahiwalay kayo, but what makes us happy is to see both of you together in the MOVIE. We wish, both of you more projects, and praying that in the future it will be for real. To Gerald its good that you have a clean face already, bagay sa yo, and please huwag mong pabayaan si KIM, di ba love mo siya? For Kim, stay happy and take care of your health. We can't wait the day to see both of you, as real couple. We love you both... God Bless !!!

We love you both !!!and we will be the happiest to wait for that. Gusto ko kayong dalawa and bida please ABS-Star Cinema... KIMERALD forever ...........

We will be there to support Agimat especially if Kim is the leading lady of Gerald.Yun lang naman ang wish namin, Kim and Gerald together.

Alam namin pagbigyan kami ng ABS,Kim and Gerald sa Agimat!

What a transformation talaga sa mga idol ko. They've grown into these beautiful and talented duo. I'm so glad to hear that after Tayong Dalawa you'll have a movie together.I will support you no matter what dahil alam kong kahit may itambal sa inyong iba (nature yan nang trabaho ninyo)pag wala na kayo sa harap nang kamera kayo paring dalawa. To Gerald and Kim please don't ever changa at sana very soon ipagsisigawan na ninyo na kayo na talaga. God bless you both on your careers and your love for each grow stronger each day. Go, go, go KIMERALD.

Salamat sa Abs-Cbn, kay Maam Charo for recognizing the magnetic pull of Kim and Gerald...it will be such a tragedy if up until now they still fail or refuse to see that the Kimerald tandem is the 'goose that will lay Abs-Cbn loads and loads of golden eggs'. Thank you Kim and Gerald for giving us your fans such joy from PBBTE days until today! You are such an inspiration...no wonder the commercial establishments are falling all over you for your endorsements. Stay as humble and sweet as you both are! God bless you always!

Kim and Gerald you are so blessed!All the time put God in the center of your life and everything else will follow. Take care of your health at huwag kayong papadala sa ano mangpagsubok, be strong and take care of your love for each other.You are the inspiration of the now generation, be a living example to todays youth.

More Power also to ABS!

Sana si Kim ang partner ni Gerald or else hindi talaga ako susuporta sa Agimat na yan!

Oh! No! Hindi pala si Kim ang leading lady ni Gerald! Si Erich pala at si Maxene ang leading lady niya dito! Nabasa ko ngayon lang ang article na yan!

Binale wala tayong mga fans ng ABS! So ipakita natin sa ABS na makapangyarihan tayong mga fans! Patay ka Gerald! Boycott sa lahat ng Kimerald yang walang kuwenta mong teleserye! Sorry talaga!

Sabi pa ni Gerald excited daw! Well sorry na lang at ito ang start ng downfall!

It is sad to hear from fans like me not supporting KIM and GERALD on their solo projects.Ako bilang bagong tagahanga I will support them together or hiwalay kasi hangad ko ang magtagumpay silang dalawa. Sana ang susuno nilang movie/teleserye together e romance, comedy at action all in one. GERALD & KIM more power and success to both of you.

sana suportahan natin si ge kahit nadisapoint tayo na di si kim ang leading lady. ge is improving so much as an actor he deserve our support, to prove that he not using kim to stardom but he simply loves her so much...... gogogooooo ge

No we won't support the teleserye without Kim since hindi naman kami mag-eenjoy! Kayo bahala kayo! Maybe Gerald fans lang kayo! Pero if you are solid Kimerald fans, hindi kayo mag-eenjoy kung wala ang isa! Thy should not be separated this time it is too early!

We want Kimerald lang as of this time! wala ng iba! Maybe later in time but not now!

We are sorry to Gerald, we can't support you with your Agimat without kim!

Post a Comment