Posted on :
Friday, July 17, 2009
| By :
shapap
| In :
Article
Kim Chiu is reportedly being eyed to remake Vilma Santos's Dolzura Cortez Story
Glen P. Sibonga ( PEP ) 07.17.09
Kim Chiu is reportedly being eyed to remake Vilma Santos's Dolzura Cortez Story
Masayang-masaya si Kim Chiu sa bagong product endorsement niya na Payless Pancit Shanghai na gawa ng Universal Robina Corporation, kaya naman excited niyang hinarap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa launching ng naturang produkto na ginanap kahapon, July 16, sa Xin Tian Di restaurant sa Crowne Plaza Hotel, Ortigas Center, Pasig.
Dahil sa bagong endorsement na ito ni Kim, mayroon na siyang total of 25 endorsements, kasama na ang mga ex-deals, ayon sa kanyang handler sa Star Magic.
Ano ang feeling niya na nadagdagan na naman ang endorsements niya?
"Masaya, kasi kahit na maraming schedule parang minsan yun ang inspirasyon ko na magtrabaho nang magtrabaho... Dumarami yung commercials, dumadating yung mga blessings. Sana hindi na ito matapos. Sana tuluy-tuloy pa rin sila. Sana marami pang dumating," excited na pahayag ni Kimi.
Dahil nga sa dami ng kanyang endorsements, puwede na raw siyang ihanay sa mga reyna ng endorsements. Ano ang comment niya rito?
"Naku, talaga?" nagulat na sambit ni Kim. "Siyempre, nagpapasalamat ako dahil pinagkakatiwalaan nila ako na mag-endorse ng product nila."
Ano ba ang requirements niya sa pagtanggap ng endorsements?
"Kailangan makita ko muna yung product, masubukan ko. Kung alam kong maganda, ie-endorse ko. Siyempre, ipapakita ko sa mga tao na ito talaga yung ginagamit ko, ito talaga yung kinakain ko, ito yung mayroon ako. Proud ako dun. Gaya nitong Payless, masarap siya and very affordable, kaya nga Payless, kasi pay less."
BRIGHT FORECAST ON LOVELIFE & CAREER. Bilang bahagi ng press launch ay nagkaroon pa ng forecast para sa future ni Kim na isinagawa ng feng shui expert na si Master Aldric. Pawang positibo naman ang forecast sa kanya kaya natuwa naman ang dalaga.
"Oo nga, e, maganda daw sa love, sa career. Sana totoo," wika ni Kim.
Susuwertihin daw siya for the next three years.
"Oo nga, may ganun pala. Bakit three years lang? Sana four, five, six, seven, more years pa, hindi lang three years."
Naniniwala ba siya sa feng shui?
"Oo, naniniwala ako kasi yung bahay ko, hindi ko pa ipinapatayo kahit okay na lahat dahil sa feng shui. Kaya 'ayun. Totoo naman yun at saka wala namang mawawala pag maniniwala ka dun, e."
So, pina-feng shui na pala niya ang kanyang itatayong bahay?
"Opo, pina-feng shui ko na and sabi nga, maganda raw magpatayo ng bahay sa September. So, sa September pa mag-start yung paggawa."
Ano ang plano niyang design sa bahay, oriental din ba dahil sa pagiging Filipino-Chinese niya?
"Ay, hindi," sagot niya. "Ang plano ko, gawing parang doll house. Ayun, colorful. So, abangan n'yo 'yan."
Ang bahay na ito ay isa pa sa katuparan ng mga pangarap ni Kim kaya happy talaga siya.
"Oo naman, isa sa mga wish ko talaga sa pagpasok ko bilang artista, ang goal ko ay magkaroon ako ng sarili kong bahay, yung matatawag ko na sa akin. At ito na yun, ito na talaga yun. Kaya nagpapasalamat po ako sa lahat, sa lahat-lahat ng sumusuporta at nagtitiwala sa akin dahil kung wala silang lahat, hindi ko makukuha lahat ng mga achievements na ito."
Pag naitayo na raw ang kanyang dream house, plano rin ni Kim na pasukin ang pagnenegosyo.
"Opo, pag natapos na po yung bahay, gusto ko ring mag-business para 'pag wala akong ginagawa, nandun lang ako sa store."
Anong business naman ang papasukin niya?
"Marami po akong iniisip, e, laundry shop, RTW, grocery...mga ganun."
GERALD AS FUTURE BOYFRIEND. Ayon sa forecast kay Kim, magpi-peak daw ang magandang lovelife niya by October this year. Tinanong tuloy ng PEP kung finally ba sa October ay magiging sila na ng ka-MU (mutual understanding) niyang si Gerald Anderson?
"Oo nga, sabi nga maganda raw ang lovelife sa October. Tignan natin!" natatawang sagot ni Kim. "Hindi natin alam. Basta hindi namin minamadali ang mga bagay-bagay. Masaya kami, masaya kami kung anuman ang nangyayari sa amin ngayon."
Marami ang nagtatanong kung bakit ayaw pa niyang sagutin si Gerald gayung very open naman ang binata sa pagsasabing mahal talaga siya nito?
"May mga bagay kasi na hindi minamadali. 'Pag siya na talaga, siya na talaga for life. At saka hindi naman ako minamadali ni Gerald, e. Basta masaya kami kung ano kami ngayon. May kilig-kiligan lang," paliwanag niya.
Pero sabi ni Gerald, kung siya ang tatanungin, gusto na niyang maging sila. Ano ang masasabi niya rito?
"Talaga? Sana siya na rin!" kinikilig na sabi ni Kim.
Ideal boyfriend ba si Gerald para sa kanya?
"Oo naman. Mabait si Gerald, sobrang gentleman, sobrang maalaga. Kahit ano nagte-text siya, 'kung kumusta ka na'? Ganyan-ganyan. Okay naman. Mabait. Sarap... charing!" sabay tawa ni Kim.
Isinama siya ni Gerald noon sa pamimili ng mga gamit sa ipinatayong bahay ng binata. Si Gerald ba, may contribution na sa ipapatayo naman niyang bahay?
"Wala pa. Siguro kapag mamimili na ako ng mga gamit, papatulong din ako sa kanya."
NOT GERALD'S LEADING LADY ANYMORE? May bagong pagbibidahang show si Gerald Anderson, ang upcoming ABS-CBN show na Agimat: Ang Alamat ni Ramon Revilla, kung saan makakasama nito sina Jake Cuenca, Coco Martin, at Jolo Revilla. Sinasabing posibleng iba raw ang maging leading lady ni Gerald dito at hindi na si Kim. Totoo ba na hindi na raw sila magkakasama ni Gerald sa mga susunod nilang projects?
"Ewan ko. Pero kung anuman, kung sino man yung magiging leading lady niya sa Agimat, susuportahan ko sila. Siyempre, idol ko si Gerald. Ako yung number one fan niya," sabi ni Kim.
Nalungkot ba siya na kung saka-sakali ay hindi na siya ang magiging leading lady niya?
"Opo, siyempre nakakalungkot. Kasi sa lahat ng mga projects namin, kami yung magkasama, kami yung magka-loveteam, kami yung sinusuportahan ng mga tao. And ngayon, kung hindi man, ayun, nalulungkot. Pero siyempre, ganun talaga. And sana suportahan natin si Gerald. Masaya naman ako para sa kanya kasi ito talaga ang gusto niya, ang maging action star."
Sa mga interviews ni Gerald, sabi niya na kung siya ang masusunod, si Kim pa rin ang gusto niyang makapareha sa Agimat. Nilinaw rin nito na tinanong lang siya ng press na kung hindi kasama si Kim sa choices, kaya niya isinagot si Erich Gonzales. Ano ang masasabi ni Kim dito?
"Naku, thank you! Wow, ang haba ng hair ko! Wala akong masabi. Pero sana magkasama pa rin kami. Kung hindi man sa Agimat, sana sa ibang proyekto magkasama pa rin kami."
Maging sa Tayong Dalawa raw ay bihira na silang magkasama dahil magkaiba ang unit nila sa taping.
"Minsan napag-uusapan namin, 'Nakaka-miss naman, parang hindi kita kasama.' Naglolokohan nga kami. 'Nami-miss mo ba ako'? Ganyan. Yun lang, lokohan lang. Kasi nga, madalas magkaiba kami ng unit sa pagte-taping," kuwento ng dalaga.
Pero kahit daw hindi sila magkasama sa taping ay very open naman ang communication nila through text.
"Lagi naman kaming nagte-text. Nagkukumustahan, ganun. Hindi naman nawawala yung communication namin."
TAYONG DALAWA. Speaking of Tayong Dalawa, top-rating ang pinagbibidahan niyang drama series na ito with Gerald at Jake Cuenca. Ano pa ba ang aabangan ng mga tao sa Tayong Dalawa?
"Marami. Siyempre hindi ko puwedeng sabihin. Dapat abangan na lang nila gabi-gabi dahil parami nang parami yung mga twists, parami nang parami yung mga mangyayari," sabi ni Kim.
Mas lalo ba siyang aapihin ni Agot Isidro, na gumaganap bilang biyenan niyang si Ingrid dahil sa pagkuha sa kanya bilang sekretarya nito?
"No, hindi na, tapos na si Audrey [role ni Kim sa Tayong Dalawa] sa pang-aapi. Basta manood na lang kayo kung anong gagawin ko kay Ingrid. Basta isang bagay na ayokong gawin, pero nagawa ko siya."
So, matapang na si Audrey?
"Oo, matapang talaga. Kahit ako nagulat ako sa ginawa kong yun. Ayokong gawin, pero siyempre kailangan sa character. Ang bigat-bigat sa loob, pero okay lang," sabi ni Kim.
ACTING AS VILMA SANTOS. Totoo ba ang balita na siya raw ang gaganap sa remake ng The Dolzura Cortez Story, na pinagbidahan ng Star for All Seasons na si Vilma Santos?
"May ganun ba ako?" balik-tanong niya. "Ewan ko. Hindi ko alam. Pero nung parang may Ms. Vilma Santos special na ginanap sa Dolphy Theater [sa ABS-CBN compound] ako yung gumanap sa harapan niya [Vilma], so umarte ako sa harapan niya. Ginaya namin... Kasi kakatapos lang naming manood, tapos pinagaya sa amin yung ano... Tinawag ako, sabi ko, 'Naku, hindi ko kaya yun, Ate Vi'. Tapos ang bilis-bilis magsalita. Siyempre, intense. Hindi ko pa kayang mag-Ate Vi acting. Sobrang galing niya, saludo talaga ako."
Pero ano ang feeling na balitang siya raw ang pinili ni Vilma para gawin ang remake ng Dolzura Cortez, na life story ng kauna-unahang Filipino AIDS victim na lumantad sa publiko?
"Wala pang umaabot sa akin na balita. Pero kung totoo man na ako yung gaganap na Dolzura, masaya ako. Kasi siyempre, Ate Vi yun, ibang level yun. Nasa pinakamataas na level yun, tapos Kim Chiu, nandito lang sa baba. Masaya, masaya, sana maging totoo and gagampanan ko yung pinaka-best ko, yung pinaka-todo ko talaga para ma-prove ko sa kanya na hindi siya nag-fail na piliin ako na gumanap sa ganun."
Sa naturang acting exercise nila na ginanap sa Dolphy Theater, kung saan present nga si Vilma Santos, nakapareha ni Kim ang singer na si Bugoy Drilon. Kumusta naman itong kasama sa eksena? Okay lang ba na si Bugoy ang maging leading man niya?
"Si Bugoy kasi, siya yung nag-act na doctor nung nag-act kami. Pero hindi ko siya ka-partner. Okay lang, siyempre pang-masa si Bugoy. Siyempre mabait din si Bugoy. Ayun, nung nag-act nga kami sa harap ni Ate Vi, talagang ang lamig-lamig ng kamay niya, kinakabahan siya. Tapos nasampal ko siya nang todo, as in lumipad yung ulo niya! Hindi naman siya nagalit sa akin. Mabait naman siya," natatawang kuwento ni Kim.
GABBY-ANGELICA MOVIE. Kinumpirma rin ni Kim na tuloy pa rin siya sa Star Cinema movie na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Angelica Panganiban.
"Opo, nagsu-shoot kami nun."
Hindi ba niya kasama si Gerald dito?
"Ako lang po mag-isa."
Ano ang feeling na hindi niya kasama ang ka-loveteam niya?
"Nakakapanibago ang feeling dahil pag pumupunta ako sa shoot, wala akong sobrang close, ganyan. Ayun, nakakapanibago lang," sabi niya.
Pero wala ba siyang ibang ka-loveteam sa movie?
"Wala po. Ako lang mag-isa."
Ano ang role niya rito?
"Anak po ako ni Gabby. Palaban siya, matapang."
Makakasama dapat ni Kim sa Star Cinema movie at Metro Manila Film Festival 2009 entry na Ikaw Na Nga si Kris Aquino. Pero ina-announce na nga mismo ni Kris na hindi na siya matutuloy rito dahil nga mas gusto niyang tutukan ang pag-aalaga sa may sakit na inang si dating Pangulong Cory Aquino, na naka-confine pa rin sa ospital hanggang ngayon dahil sa sakit na colon cancer. Nalungkot si Kim nang mabalitaan niya ito, pero ayaw na muna niyang mag-comment about the project.
Ano na lang ang message niya kay Kris?
"Sana mag-pray lang siya lagi dahil lahat naman ng nangyayari ngayon ay God's will. God's will naman lahat ng ginagawa Niya. Ginagawa Niya yun para maging stronger tayo. Stronger as a person. Siyempre hindi laging masaya. Siyempre may trials din para maging malakas tayo."
COMPETITION WITH SARAH. Sinagot at nilinaw rin ni Kim ang kumpetisyon daw nila ni Sarah Geronimo, at pagsama raw ng loob niya kay Sharon Cuneta.
Unang kinumusta ng PEP kay Kim ang relasyon nila ni Sarah.
"Okay naman. Hi, hello, batian sa ASAP, yun lang," sambit ni Kim.
Ano naman ang reaksiyon niya sa pagtatanggol na ginagawa ng mga Kimerald fans nang mabalita na itatambal daw si Gerald kay Sarah Geronimo?
"Siyempre, nagpapasalamat kami na ipinagtatanggol nila yung loveteam namin. Sobra nilang inaaway lahat kung sino man yung humaharang sa Kimerald. Sobrang pinaglalaban nila kami. And bihira lang yung may ganyang fans na pinaglalaban nila yung idolo nila. And nagpapasalamat kami dun. And kung may project man si Sarah at si Gerald, susuportahan na lang natin sila," saad niya.
Hindi kaya tuluyan na silang magkaroon ng gap or friction ni Sarah sa isa't isa lalo na't magkakumpitensiya ang mga produktong ini-endorse nila, idagdag pa ang issue with Gerald?
"Sa endorsement, wala naman yun, e. Wala naman talaga, siyempre kung ano yung ini-endorse namin, trabaho lang talaga yun. Kami ni Sarah, magkaibigan pa rin naman kami. And pinagko-compete lang dahil sa endorsements. Basta thankful kami sa lahat ng mga nangyayaring success, sa mga blessings."
ISSUE WITH SHARON. Nag-comment din si Kim sa intriga na mas pinili raw ni Sharon Cuneta si Angel Locsin na makasama sa movie kesa kay Kim. Nauna na itong nilinaw ni Sharon nang ma-interview ng PEP, na pinili niya si Angel dahil mas close ito sa kanya at hindi pa naman daw niya ganung kilala personally si Kim.
"Tungkol dun sa Sharon movie, okay naman, tama din naman po siya. Hindi ko pa po siya nakakasama nang matagal. Parang 'hi', 'hello' lang po kasi kami. And ngayon taong ito, hindi pa po kami masyadong nagkikita. Isang beses ko pa lang siyang nakita sa ASAP nung mag-guest siya. Siyempre mas magaling naman si Angel Locsin sa akin," sabi ni Kim.
Hindi ba sumama ang loob niya sa comment ni Sharon?
"Hindi, kasi siyempre, mas close sila ni Ate Angel. Nung makita ko sila nung mag-guest sa Sharon si Ate Angel, ayun, close sila. Mas maganda ang working relationship nila."
Pero sabi ni Sharon, sana ay makatrabaho rin sila ni Kim in the future.
"Wow! Sana, sana dumating yung time na yun," sambit ni Kim.
kong pinili si angel by sharon si ate vi ,nya ang pinili si kim,mas insulto yon,halatang gusto na ni vi si kim,noon pa sa wowowee,ang tingin nya kay kim,paghanga talaga,kaya malayo ang marating nay a ng abs nii kim,talaga basta hindi habang buhay walang sakim na deo ang abs,di maligaya sana ang kimerald