Showing posts with label Movie. Show all posts
Showing posts with label Movie. Show all posts

'Paano Na Kaya' PressCon

2

Posted on : Tuesday, January 19, 2010 | By : shapap | In :

'Paano Na Kaya' PressCon 1 , 2 , 3 , 4 , 5 c/o
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

MMFF 2008 Parade of Stars

0

Posted on : Wednesday, December 24, 2008 | By : shapap | In : , ,

MMFF 2008 Parade of Stars Float , Interview c/o kristt
MMFF 2008 Parade of Stars c/o discoverer
Download this Episode

TV Patrol World

3

Posted on : Tuesday, November 25, 2008 | By : shapap | In : , , ,

TV Patrol World : 'Kim , minulto?'c/o kristt
TV Patrol World : 'Kim , minulto?' c/o discoverer
Download this Video

ASAP 07

1

Posted on : Sunday, October 07, 2007 | By : shapap | In : , ,

ASAP Box Office: I've Fallen For You Premiere Nightc/o discoverer
ASAP Box Office: I've Fallen For You Premiere Nightc/o kristt

IFFY Opens today!

0

Posted on : Wednesday, September 26, 2007 | By : shapap | In : ,

Entertainment Live

0

Posted on : Saturday, September 15, 2007 | By : shapap | In : , , ,

KIMERALD in Entertainment Livec/o discoverer
KIMERALD in Entertainment Live (Veoh)
KIMERALD in Entertainment Live (Dailymotion)
KIMERALD in Entertainment Livec/o kristt
KIMERALD in Entertainment Livec/o pooyan1965

KIM in Entertainment Live

0

Posted on : Saturday, September 01, 2007 | By : shapap | In : , , ,

KIM in Entertainment Live c/o discoverer
KIM in Entertainment Live (Veoh)
KIM in Entertainment Live (Dailymotion)
KIM in Entertainment Live c/o kristt

KIM in Wowowee

0

Posted on : Saturday, September 01, 2007 | By : shapap | In : , , ,

PART 1 , 2
c/o kristt
IFFY Invitation c/o discoverer

Articles

0

Posted on : Saturday, September 01, 2007 | By : shapap | In : , ,

Gerald, mahal na mahal si Kim
Allan Diones
www.abante-tonite.com

Ang puppy love at first boyfriend ni Kim Chiu noon sa Cebu ang unang lalake na nasabihan niya ng linyang "I’ve fallen for you" na titulo ng launching movie nila ni Gerald Anderson sa Star Cinema.

Tsika sa amin ni Kim kahapon sa presscon ng I’ve Fallen for You, trese anyos siya nang una siyang mainlab.

"Ay! Ayoko na po siyang pag-usapan. Masama po siyang tao, eh! Ha! Ha! Ha! Masakit po. ‘Yun po ‘yung tipong mabilisan lang dati," sey ng tsinitang young star.

Siguro naman, minahal niya rin ang boylet na ‘yon kaya nga nasabihan niya ng "I’ve fallen for you," di ba?

"Love ko rin, pero ayoko po ng nangyari. Ayoko sa kanya! Niloko niya ako, di ba?

"Kasi, ‘pag ganu’n ang edad mo, ang iniisip mo, parang siya na forever. Hindi pala. Basta, ayoko sa kanya! May iba siyang girls! Wala siyang kuwenta, walang modo," natatawang dayalog ni Kim, na sweet pa rin ang dating at hindi nagtataray o nagmamaasim.

Kaya ba careful na siya ngayon with Gerald, dahil na-‘trauma’ siya sa kanyang first BF?

"Oo. Kasi, sabi ng mga kaibigan ko at nabasa ko rin sa Internet, kailangan daw matagal ang ligawan. Kasi, doon mo malalaman kung mahal ka talaga. Kung mabilis mo lang siyang sinagot, ibig sabihin, parang pinaglalaruan ka lang niya," pakli ng 17-anyos na bagets.

***

May isang taon na silang magka-loveteam ni Gerald. Kelan nag-umpisang manligaw sa kanya ang binata?

"Ewan ko, eh! Hindi ko alam kung kelan siya nagsimula, eh!" sagot ni Kim.

Nanliligaw ba talaga o baka naman ni hindi nagpaparamdam si Gerald na type siya nito?

"Nagpaparamdam naman siya. Like ‘pag nagpupunta siya sa mall at may nakikita siyang anything na color pink na favorite ko, binibili niya para sa akin."

Sa tagal nilang magkapareha, dapat may relasyon na silang dalawa ngayon, di ba?

"Hindi naman po porke gano’n, dapat maging kami na. ‘Pag willing po siyang maghintay, darating din ‘yung right time…"

Hindi naman kaya silang dalawa na, inililihim lang nila?

"Hindi po, wala po kaming aaminin. Pero sobrang maalaga po si Gerald, mabait at saka gentleman."

Nasa 8 to 9 ang rating na ibinigay ni Kim sa posibilidad na sagutin niya si Gerald. So, ibig sabihin, konting-konti na lang, sasagutin na niya ito?

"Hindi pa po, matagal pa po ‘yon! Ha! Ha! Ha!"

Masasaktan ba siya ‘pag nalaman niyang may ibang bebot na pinopormahan si Gerald?

"Open naman po kami, eh! Wala kaming usapan na hindi pwedeng manligaw o magpaligaw. Pero siyempre, medyo mahe-hurt po ako ‘pag nanligaw siya ng iba. Medyo may selosan factor din po, kasi isang taon na kaming magkasama palagi, eh! Pero desisyon na niya po ‘yon."

Paano kung mainip si Gerald at hindi na makapaghintay at maghanap ng ibang magiging syota?

"Wala po. Eh di, maghihintay na lang ulit ako ng newcomer! Joke!! Ha! Ha! Ha!" naniningkit ang mga matang tawa ni Kim Chiu.

***

Halatang pinraktis na si Gerald Anderson ang isasagot niya sa entertainment press na patuloy na nangungulit kung sila na ba ng kalabtim niyang si Kim Chiu.

"Ayaw ko pong sabihing we’re just friends, kasi pagod na kayong marinig ‘yon. We’re not yet at that point na kami na, pero nasa level kami na nami-miss ko si Kim ‘pag hindi ko siya nakikita or hindi siya nagti-text," dayalog ng 18-anyos na Fil-Am bagets.

Swit-switan din ang hirit ni Gerald para kay Kim na, "Mahal na mahal ko po siya. I’m willing to wait. Alam niyang nandito lang ako para sa kanya."

First time daw nilang magkakaroon ng kissing scene ni Kim sa nasabing teen-romance flick na directorial debut ni Direk Lino Cayetano.

Akala raw nila ay dyinu-joke lang sila ni direk, ‘yun pala ay totoong magki-kiss sila. Wala raw silang nagawang anumang preparasyon dahil sa gitna ng bukid naganap ang kanilang halikan sa movie.

Ibang-iba raw sa unang pelikula nilang First Day High ang I’ve Fallen for You dahil hindi lang sila nagpapakyut at nagpapa-tweetums dito kundi ipinakikita nila ang mga tunay na problemang pinagdaraanan ng mga kabataang Pinoy ngayon.

May premiere night ang I’ve Fallen for You sa Cebu sa Setyembre 24 at sa SM Megamall sa Setyembre 25. Sa Setyembre 26 ang showing nito nationwide.
Kim: "It's not yet the right time to fall for Gerald."
Nora Calderon
www.pep.ph

Medyo nanlalamig at excited ang young actress na si Kim Chiu nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng I've Fallen For You ng Star Cinema sa 9501 restaurant ng ABS-CBN kahapon, August 31. Kahit sa September 26 pa raw ang playdate ng movie—na first movie directorial job din ni Lino Cayetano—may nervous factor na raw kay Kim dahil ibang-iba ito sa first movie nila ng ka-loveteam na si Gerald Anderson na First Day High.

Mas seryoso raw kasi ang tema nito at mga mahuhusay na artista ang mga kasama nila, gaya nina Albert Martinez, Chin Chin Gutierrez, Lotlot de Leon, at Lloyd Samartino.

Tulad ng title ng movie nila, nag-fall in love na ba talaga si Kim kay Gerald?

"Wala pa naman pong ganun. Pero siguro po dahil more than a year na rin kaming magkasama, naging very comfortable na po ako sa kanya," nakangiting sagot ni Kim.

"Saka maalaga at maalalahanin po si Gerald. Kapag nagpupunta po ‘yan sa mall at may nakita siya dun na something pink, na favorite color ko, binibili po niya at ibinibigay sa akin."

Hindi raw alam ni Kim kung kailan nagsimulang manligaw sa kanya si Gerald. Pero sa tanong kung kailan ba sila aaming dalawa, natawa si Kim.

"Wala pa naman po talaga kaming aaminin," sabi ni Kim. "Ayoko pong magsinungaling. Siguro po mayroon na rin akong feelings, pero hindi pa ito ang right time. Kung makapaghihintay pa siya, marami pa kasi akong gustong tuparing mga pangarap. Basta happy po akong kasama siya."

Ano ba ang mga dreams niyang gustong matupad?

"Sa ngayon po kasi, ako talaga ang breadwinner sa family ko at tatlong kapatid ko ang pinag-aaral ko. Ayoko na pong i-depend sila sa mga auntie ko. Yung isa nasa college, isang nasa high school, at ang youngest namin, sa elementary naman. Nasa Cebu po silang lahat at kapag may okasyon, sila na lang ang pinapupunta ko rito.

"Si Daddy po ang kasama ko sa bahay sa Xavierville. Umalis na po kami sa condo unit sa Cubao, maliit na po para sa amin. Hindi pa rin po ako tapos ng high school, pero gusto ko pong matapos din ‘yon kapag puwede na ang schedule ko," lahad ng Pinoy Big Brother Teen Edition winner.

Paano kung hindi makahintay si Gerald at manligaw sa iba, magseselos ba siya?

"Siyempre po, mahe-hurt ako," pag-amin niya. "Pero desisyon niya po ‘yon, wala po akong magagawa. Yes, kung minsan po nagseselos din ako kapag may nakikita akong may mga girls na pinupuntahan at kinakausap siya, kaya hindi ko naman po siya kinakausap. Pero sandali lang po ‘yon, kinakausap ko na rin siya after a while."

May intrigang pumupunta raw siya sa bahay ni Gerald kahit madaling-araw. Totoo ba ito?

"Minsan lang po akong pumunta sa bahay niya, pero kasama ko po ang Daddy ko. Tiningnan lang namin ang bahay niya sa may Tandang Sora dahil kalilipat lang niya dun at hindi po madaling-araw ‘yon. Ano po naman ang gagawin ko sa bahay niya ng madaling-araw, ipagluluto ko siya ng breakfast?" natatawang wika ni Kim.

Inamin din ni Kim na okay sila ng Mommy Vangie ni Gerald at okay rin daw si Gerald sa Daddy niya. Ang payo lang ng kanilang mga magulang ay pag-ayusin nila ang trabaho nila.

Sa hiwalay na interview ay inamin ni Gerald na isang araw lamang hindi siya maka-receive ng text from Kim, nami-miss na niya ito. Si Kim ba ay ganun din kay Gerald?

"Hindi na po kailangang mag-text. Halos araw-araw po naman kaming magkasama," sagot naman ni Kim bilang pangwakas.
Showbiz
Veronica R. Samio
www.philstar.com

Marami ang cu­rious kung bakit pare­hong Alex Reyes ang pangalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa I’ve Fallen For You, first film project ni Director Lino Ca­yetano. Ito ang mystery na matutuklasan sa pe­likula tungkol sa young love na mara­mi ang kilig pero bi­bigyan ng seryosong atake at nilagyan ng family values ng di­rektor.

Kasama sa movie sina Albert Martinez bilang ama ni Kim at si Chinchin Gutierrez na ina naman ni Ge­rald.

Makikita sa movie ang first screen kiss ng tinatayang pina­ka-popular na loveteam sa bansa. Mapapa­nood ang I’v e Fallen For You sa Sept. 26.

I've Fallen For You , sa September 26 na!

0

Posted on : Friday, August 31, 2007 | By : shapap | In : , ,

Gerald admits Kim is more than a close friend
Rose Garcia
www.pep.ph

Magkasabay na dumating sa presscon para sa kanilang launching movie na I've Fallen For You ng Star Cinema sina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Kahit one year na silang magkakilala simula nang maging housemates sa Pinoy Big Brother Teen Edition at maging magka-loveteam, consistent pa rin ang dalawa sa pagsasabing hindi pa sila mag-on.

Ano ba talaga ang maitatawag sa klase ng relasyon meron sila ni Kim?

"Ayoko na po kasing sabihin na close friends," pauna ni Gerald sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kasi sigurado pong nagsasawa na kayong marinig yung term na yon. Pero ang masasabi ko lang po, wala pa naman po kami sa point na kami na po. Pero nasa level na po na kapag hindi po ako nakakatanggap ng text message kay Kim sa isang araw or hindi po kami nagkita in one day, nami-miss ko na po siya."

Base sa title ng kanilang movie na I've Fallen For You, sinabi ni Gerald na ang unang babaeng sinabihan niya ng mga katagang ito ay ang kanyang first girlfriend. Pero ngayon daw, meron siyang gustong sabihan nito -- obviously referring to Kim.

"Meron po ako sa ngayon na gustong sabihan, kaso hindi pa po tamang panahon," nakangiting pahayag ng young actor.

Gaano ba kamahal ni Gerald si Kim?

"Mahal na mahal po," diretso niyang sagot. "She knows I care for her. Nandito lang po ako palagi para sa kanya."


KISSING SCENE. Sa I've Fallen For You ay may kissing scene sina Gerald at Kim, na ayon sa binata ay first time nila on and off cam.

"Ever since po talaga... One year na po kaming magka-loveteam, pero ngayon pa lang po talaga kami magkakaroon ng kissing scene," sabi pa ni Gerald.

Ano ang pakiramdam habang kinukunan ang kissing scene nila?

"Noong una po, habang kinukuhanan at ginagawa po namin ang scene, para pong may butterfly sa loob ng tiyan ko. Medyo pareho rin po kaming tahimik after ng take namin. After a while, okay na po, tawanan, kuwentuhan na," salaysay ni Gerald.


Sa ngayon, ayon kay Gerald, pareho raw sila ni Kim na excited at kinakabahan para sa kanilang launching movie na idinirek ni Lino Cayetano. Pero ayon sa binata, mas lamang ang excitement sa kanya.

"Nae-excite po kasi ako na ma-share sa mga manonood yung ginawa naming movie. Nandoon din po yung excitement na bukod sa launching movie namin ito, launching movie rin po as movie director ni Direk Lino ang I've Fallen. So, ang dami pong first talaga," sabi niya bilang pangwakas.

KIMERALD's I've Fallen For You

0

Posted on : Wednesday, May 23, 2007 | By : shapap | In : , ,


video uploaded by discoverer

Articles

4

Posted on : Friday, May 04, 2007 | By : shapap | In : ,

Kim says there's a big chance she could fall for Gerald, if...
Melba Llanera
Friday, May 4, 2007
from www.pep.ph

With the big success of their first soap opera on ABS-CBN, ang Sana Maulit Muli, hindi katakataka na isang full-length movie ang kasunod na project nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Under the direction of Lino Cayetano, the yet-untitled movie will test kung kaya na talaga ng Kimerald loveteam pumantay sa ibang mga loveteams, na nasubukan na ang bankability at box-office appeal.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kim sa dressing room ng ASAP '07 last April 29, pinagpapasalamat ng young actress ang patuloy na tiwala sa kanila ng ABS-CBN at Star Cinema. Tinanong namin siya kung ano bang pressure ang nararamdaman nila ngayon ni Gerald na sa big screen naman susubukan ang kanilang tambalan.

"Excited kami and siyempre kinakabahan because, after Sana Maulit Muli, sasabak na kami sa pelikula ni Gerald. Siyempre, sa TV, you can watch us, buksan lang niyo ang TV niyo. But now, magbabayad sila [moviegoers] kung gusto nila kaming mapanood. Dito namin malalaman kung marami ba ang manonood sa amin. Dito namin makikita kung gusto ba talaga nila kami ni Gerald," panimulang pahayag ni Kim.

Aminado si Kim na kahit wala pang isang buwan na nawawala sa ere ang Sana Maulit Muli ay nami-miss na niya ang paggawa ng soap opera.

"Nami-miss ko yung everyday taping," aniya. "Nakakatuwa kasi bago lang kami ni Gerald, pero binigyan na kami ng soap. Nung una, sobrang pressure sa amin. Pero later on, nakahinga na kami nang maluwag dahil nagustuhan na siya ng mga tao. Maganda yung soap, mahuhusay ang mga kasama namin. Thanks sa pagtitiwala nila sa amin."

Isa sa moves na ginagawa ng ABS-CBN pag sumikat na ang isang loveteam ay ipareha sila sa ibang mga artista para makilala sila as solo artists. Paano kaya pag nagdesisyon ang ABS-CBN na subukan din ito sa tambalang Kimerald?

"Sila ang bahala sa takbo ng loveteam namin. Okay lang yun sa akin, pero sana huwag muna," sabi ni Kim.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Gerald ay itinanggi nito na may relasyon na sila ni Kim. Pero hindi ipinagkaila ng binata na higit sa kaibigan ang nararamdaman niya para sa dalaga.

Nang tanungin namin si Kim tungkol sa sinabi ni Gerald, sinabi ng young actress na si Gerald talaga ang pinaka-close sa kanya among her male friends. Inamin din ni Kim na kung sakaling ready na siyang pumasok sa relasyon at kung makapaghihintay si Gerald ay posibleng mahulog din ang loob niya sa binata.

"Magkaibigan kami," sabi ni Kim. "But kung ganoon siya ka-open sa feelings niya, maghintay muna siya. Siya rin ang pinaka-close na guy for me. Sa kanya ko sinasabi na ‘Uy, si ganito, ginaganyan ako.' And nakikinig siya. Yung ate ko kasi, di maka-relate, di niya kilala yung tao na sinasabi ko."



Gerald on Kim: "...sobra kaming nagke-care for each other"
Melba Llanera
Friday, May 4, 2007
from www.pep.ph

Judy Ann Santos & Piolo Pascual. Jericho Rosales & Kristine Hermosa. John Lloyd Cruz & Bea Alonzo. Ilan lamang sila sa mga tambalang pinasikat ng ABS-CBN at kinagat ng publiko.

Ngayon, tila nakahanap na naman ang Kapamilya Network ng isang patok na loveteam, ang Kim Chiu-Gerald Anderson team-up. Fresh from the success of their first soap opera, ang Sana Maulit Muli, susugalan ng Star Cinema ang tambalang Kimerald sa isang pelikula na idinidirek ni Lino Cayetano.

Nang dalawin namin si Gerald sa ASAP ‘07 last Sunday, April 29, aminado ang young actor that the result of this movie will either make or break their loveteam.

"In every project na gawin namin ni Kim, lagi kaming kinakabahan," sabi ni Gerald. "Ayaw naming mawala sa amin ang career at loveteam namin, and masaya kami sa ginagawa namin. Ang lagi na lang naming iniisip ni Kim, we have to give our best para di namin masira yung tiwala na ibinibigay sa amin ng ABS-CBN at ng Star Cinema, and yung mga tao na sumusuporta sa amin."

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Kim, sinabi nitong tanggap niya kung sakaling ipareha sila ni Gerald sa iba ng ABS-CBN. Pero nagpauna rin ang young actress na sana ay huwag munang mangyari ito sa kanila.

Nang hingin namin ang reaksiyon ni Gerald sa posibilidad na ito, sinabi ng young actor na matatanggap niya kung saka-sakaling magdesisyon nga ang ABS-CBN na itambal sila sa iba. Pero ayon din sa kanya, bukod kay Kim ay wala na raw siyang ibang maisip na maaari niyang makatambal.

"Depende ‘yan sa management. Hindi kami magde-decide sa ganyang mga career moves. But manghihinayang ako kasi sanay na ako na kasama si Kim sa trabaho," sabi pa ni Gerald.

Marami rin ang nagtataka kung bakit sa tinagal-tagal ng pagsasama nila bilang magka-loveteam, magmula pa noong nasa Pinoy Big Brother Teen Edition pa lang sila, ay hindi pa rin nauuwi sa totohanan ang kanilang relasyon. Sa takbo raw kasi ng mga pangyayari ay mukhang may pumipigil sa dalawa para sa isang mas malalim na relasyon.

"I won't deny na mahal ko si Kim, sobra!" pag-amin ni Gerald. "Nandito lang ako palagi for her and sobra kaming nagke-care for each other. She's very special for me, next to my Mom. Sa every day na nakikita at nakakusap ko siya, lalong lumalalim ang feelings ko for her. Sa pagsasama namin, nade-develop kami."

Ngunit paliwanag niya, "Mahirap kasi kung lalagyan ko ng ligawan. Kasi ngayon, nagpo-focus siya, nagpo-focus ako, sa mga ginagawa namin. Mahirap ding mag-gamble, kasi siyempre, pag mag-boyfriend na kayo, tapos magka-loveteam kayo, at nagkaroon ng misunderstanding, maaapektuhan ang work ninyo. Hindi magiging maganda ang pagsasama ninyo."

Since wala pa palang formal relationship na matatawag, okay lang ba kay Gerald kung may manligaw na iba kay Kim? O baka naman si Gerald mismo ay may nililigawan nang iba?

"Kung may manliligaw sa kanya, okay lang. Hindi ako siya para magdesisyon para sa kanya. It's still her decision. I will not be hurt, but may selos nang kaunti," sabi niya.



Kim Chiu rumored subject in blind items
STAR CIRCUIT By Ricky L. Calderon
The Freeman 05/04/2007
from Philstar.com


We are not sure if the tandem of Gerald Anderson and Kim Chiu of Pinoy Big Brother Teen Edition had admitted that there's something romantic going on between them. Probably, they've denied any romantic involvement as of the moment even if they had been working together in several TV shows, a movie (First Day High) and several product endorsements.

Last Tuesday night (May 1), we visited a friend who was staying in a condo unit along Tomas Morato and we learned that Gerald is renting a unit there in the 17th floor. In fact, when we arrived at the condo, we even saw Gerald at the street fronting the building, getting something from his car. But we didn't bother him.

After three hours, me and my friends decided to call it a night. When we boarded the elevator, it went up anew to the 17th floor and a young guy came in. Then we proceeded to the ground floor. When we exited the elevator, we saw a young girl wearing black blouse and black pants waiting at the elevator's entrance. We threw a glance at the girl and we realized it was Kim Chiu. It was already 9:30 p.m. that time. But she was not alone. She has some three companions. And the guy who boarded the elevator on the 17th floor rode back with them.

While we were surprised to see Kim, we didn't put malice on seeing her on that building, where she presumably is going to visit Gerald. She and Gerald probably decided to meet and talk, together with their friends. That day also happened to be the first shooting day of their new movie under Star Cinema being directed by Lino Cayetano. Maybe Kim and Gerald decided to have a nightcap after the shoot.

We are not sure about what is really going on between Kim and Gerald and that there's more to them than meets the eye. But if she is the young star being referred to in blind items rumored to be visiting the condo unit of her loveteam partner, then our accidental encounter with Kim last Tuesday was some sort of confirmation that she does pay Gerald a visit. But there's nothing wrong with that because they are friends. And in fairness, Kim was not alone when she went to visit Gerald in his condo.

BLOG: First shooting day

0

Posted on : Wednesday, May 02, 2007 | By : shapap | In : ,


First shooting day of their next movie

c/o discoverer

Article

0

Posted on : Wednesday, May 02, 2007 | By : shapap | In : ,

Kim and Gerald begin shooting for their new movie
Julie Bonifacio
Wednesday, May 2, 2007
from www.pep.ph


Natuloy na kahapon, May 1, ang first shooting day ng kauna-unahang pelikula ng young director na si Lino Cayetano para sa Star Cinema. Bida rito ang isa sa pinakamainit na loveteam ngayon—ang Kim Chiu at Gerald Anderson loveteam.

Sa may palengke ng Project 8 ginanap ang shooting ng unang solo movie din nina Kim at Gerald. Inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Lino na kumakain sa set during lunch break, habang katatapos lang nina Kim at Gerald sa kanilang eksena. Nandun si Ketchup Eusebio, na isa sa mga support ng pelikula at personal choice ni Direk Lino.

Ayon kay Direk Lino, wala pa rin daw naiisip na titulo ang first solo movie nina Kim at Gerald. Pero malamang daw na hango sa isang kanta ang gamitin nilang pamagat for this movie.

Bongga si Direk Lino dahil pinagbigyan ng Star Cinema ang request niya na bigyan siya ng mahuhusay na staff sa movie, gaya ng batambatang cinematographer na si Eli Balce, na kapapanalo sa Pasado award bilang Best Cinematographer para sa Sukob. Si Mel del Rosario, na scriptwriter ng successful na Ang Cute Ng Ina Mo, ang sumulat ng script.

Kailangang tapusin ni Direk Lino ang movie within 30 shooting days. And so far, sa tingin naman daw niya ay kaya nilang tapusin ito bago magsimula ang promo ng movie.

During the break ay nakausap din ng PEP sina Kim at Gerald. Tinanong namin sila tungkol sa bagong pelikula nila.

"Ibang-iba po yung story nito sa first movie namin, yung First Day High. Hindi lang kasi pang-teenagers ang movie namin ngayon, kundi pampamilya talaga ‘to," sabi ni Kim.

Ang eksenang inabutan namin ay nang mabangga ng kotse ni Gerald si Kim, na nakasakay naman sa bisikleta.

"Tapos makikita niya yung signboard na may P50,000 na premyo sa mananalo sa isang biking contest. E, ako, ang role ko, biker talaga ako. Tapos nakita ko si Kim, sabi ko, ‘Ang bilis naman niyang mag-bike!'" kuwento pa ni Gerald tungkol sa eksenang kinunan nila.

Nagulat naman sina Kim at Gerald nang tanungin namin kung may kissing scene ba sila sa movie.

"Kissing scene na talaga? Hindi ko alam!" sabay tawa ni Kim.

"Siguro kailangan pa naming mag-workshop doon. Nakakahiya po kasi, e," sagot naman ni Gerald.

Ayon pa sa dalawa, depende raw kay Direk Lino kung kailangan sa pelikula ang kissing scene. Gagawin daw kasi nila ang lahat para maging maganda ang movie, para rin sa kanilang direktor dahil first movie niya raw ito.

BLOG: KIMERALD's Next Movie

0

Posted on : Monday, April 23, 2007 | By : shapap | In : ,


KIMERALD's 2nd Movie

c/o discoverer

Articles

0

Posted on : Tuesday, September 26, 2006 | By : shapap | In : , ,

TIyempo
Chit Ramos

Napasyalan ng Tiyempo ang tindahan ng tita ni Kim Chui sa Cebu, kung saan siya nagtatrabaho noon at binabayaran ng Pl00 every day. Five times a week pala siyang tindera dun at masipag na masipag, bagama't sobrang mahiyain.

"Tuwang-tuwa na siya noon kapag nakakahawak ng konting pera. Alam niyang makakatulong ito sa araw-araw nilang gastusin," anang tita niya. "Ngayong sikat na siya at marami nang pera, nakakatulong na siya sa pamilya. Gusto niya sanang magnegosyo rin tulad ng l2 branches ng RTW stores namin pero takot pa. Nalugi nga kasi ang negosyo nila noon kaya sila naghirap."

Kilig na kilig naman ang pinsan niyang si Stephanie sa mga "boys" ni Kim. Tinutukoy niya'y ang mga mga lumiligaw sa l6 year old na dalagitang big winner sa "PBB Teen Edition." Lalo na si Gerald na anya'y poging-pogi talaga.

Gusto na raw nga niyang magbukas ng sariling negosyo sa Maynila dahil wala raw siyang makitang kasing-guwapo ng binatilyo sa Cebu. "Wala talagang guwapo rito!" biro niya.

People's Taliba
Makaka-relate daw tayo lalo na ang mga kabataan (kasama na ako doon) sa bagong pelikula ng Star Cinema Films, ang First Day High. Tila yata isa na naman itong big budgeted movie, huh! At ayaw talagang paawat ng Star Cinema sa paggawa ng pelikula. Katatapos lang ng blockbuster movie nilang You are the One, pero he-to na naman sila with ano-ther potential box-office hit.

Sabi ng writer na si Jade Castro na bago lang sa grupo ng mga writers ng Star Cinema, kung young ka, hanapin mo ang sarili mo sa mga karakter sa pelikulang First Day High. Alin ka-yang karakter kina Maja Salvador, Geoff Eigenmann, Jason Abalos, Kim Chiu and Gerald Anderson ang puwede kayong maka-relate?

Kasi, minsan sa buhay natin or ng mga kabataan pa natin, eh, na-ging re-belde rin tayo sa ating mga magulang. Naging matigas ang ulo natin. Naging problema nila tayo dahil naging pasaway tayo.

First movie ito nina Kim at Gerald. Pang-apat na movie naman ito ni Jason. Si Geoff ay hindi na rin baguhan, may mga TV series na siyang nilabasan at nakagawa na rin ng pelikula.

Ito namang si Maja, well, wala tayong masasabi rito dahil bigatin ang kanyang credentials. Dugong Salvador ang nananalaytay sa kanyang ugat at napakagaling na artista.

Palabas na sa Sept. 27 ang First Day High at si Mario Cornejo na kilala sa paggawa ng mga TV commercial ang direktor ng pelikula.