Posted on :
Tuesday, July 07, 2009
| By :
shapap
| In :
Article
Kim Chiu clueless on "dispute" between her and Angel Locsin as Sharon Cuneta's co-star in Mano Po 6
Melba Llanera ( PEP ) 07.07.09
Nitong mga nakaraang araw ay naging mainit na usapin ang reaksiyon ng ilang mga tagahanga ni Kim Chiu tungkol sa napabalitang mas pinili raw ng Megastar na si Sharon Cuneta si Angel Locsin kesa sa kanilang idolo para makasama sa pelikulang Mano Po 6.
Pero nilinaw naman ni Sharon sa panayam niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi niya pinili si Angel over Kim. Sinagot lang daw niya ang tanong kung sino ang gusto niyang makasama sa pelikula kung saka-sakali, at ang sinabi nga niya ay si Angel.
Nang makausap naman ng PEP si Kim sa ASAP '09 noong Linggo, July 5, ay kinuha rin namin ang kanyang palagay sa pagpili ni Sharon kay Angel na makasama sa Mano Po 6, pati na ang naging reaksiyon ng kanyang fans.
Ani Kim, "Hindi ko nga alam na may Mano Po 6 na pala, kasi kagagaling ko lang ng U.S. tour ng Star Magic. Wala akong alam sa mga bali-balita. Ngayon ko lang nalaman na pinagpilian nga raw at hindi raw ako ang napili. Sa akin naman, okay lang naman. Ganun naman talaga ang trabaho.
"Si Angel at si Ms. Sharon, close naman talaga sila. Lagi naman nating nakikita na sobrang close sila sa isa't isa. Kami 'pag nagkikita, hi-hello lang, kasi Megastar yun, siyempre nahihiya ako. Hindi ko siya nakakausap, nakakakuwentuhan, tapos ang tagal na ng huling guesting ko sa Sharon [weekly show ni Sharon sa ABS-CBN].
"Kung sila [Sharon at Angel] ang magkakatrabaho, madali silang magkakaintindihan 'saka hindi na sila magkakailangan. 'Saka ginagalang natin kung sino ang gusto ni Ms. Sharon," nakangiting sabi ni Kim.
Ano ang mensaheng gusto niyang iparating sa mga masusugid niyang tagahanga na laging handang ipagtanggol siya?
"Sa lahat ng mga intriga, lagi silang nandiyan para ipagtanggol kami, ipaglaban kami. Lahat ng ginagawa namin, sinusuportahan nila. Minsan lang, may mga ganitong fans na buong-puso nila kaming ipinaglalaban. Sila pa yung nakikipag-away para sa amin. Sa kung anumang mayroon man kami ni Gerald [Anderson, her screen partner], utang namin sa kanila yun kaya maraming-maraming salamat sa kanila," pahayag ni Kim.
Dahil sa mataas na rating ng Tayong Dalawa base sa AGB Mega Manila at TNS national surveys binabansagan na ngayon si Kim bilang "Princess of Teleserye." Bukod pa rito ang endorsements niya, kaya marami ang nagsasabi na nasa peak na ng kanyang career ngayon ang first Pinoy Big Brother Teen winner.
"Nakaka-overwhelm na nakakadagdag-inspirasyon sa trabaho mo, kasi pinagkakatiwalaan ka ng malalaking kumpanya, malalaking pangalan ng brand nila. Ewan ko kung anuman ang mayroon, thank you, Lord, na lang," sambit ni Kim.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Kim sa patuloy na mataas na ratings ng Tayong Dalawa.
"Maraming-maraming salamat sa kanila. Oo, may pressure sa lahat ng ginagawa namin kasi marami ang nag-e-expect na maging maganda yung kinalalabasan ng lahat ng ginagawa namin. So, siyempre, ginagalingan namin ang lahat ng mga eksena namin.
"Matagal pa ang Tayong Dalawa. Mukhang matatapos na, pero hindi pa. Sobrang dami pang aabangan, sobrang dami pang revelations and twists na ikagugulat nila," saad ni Kim.
Kasama si Kim sa mahigit na 40 Star Magic artists na nagpunta sa U.S. para sa world concert tour ng talent arm ng ABS-CBN. Dito ay napatunayan ni Kim kung gaano kainit na tinatanggap ng tao kahit sa ibang bansa ang Tayong Dalawa.
"Sikat na sikat ang Tayong Dalawa. Sabi ko nga, 'Wow, ganito ba karami ang tao na nanonood ng Tayong Dalawa?' Tapos nagulat ako kasi 'pag kami na ang sumasayaw, ang daming tumitili. Parang hindi ko ine-expect na ganun karami ang susuporta sa iyo, sobrang gusto nila yung show.
Kaugnay ng show ng Star Magic sa U.S., naging malaking balita ang pagkakahimatay ng kasama nilang si Diether Ocampo habang nagre-rehearse, pati na ng comedienne na si Kitkat. Aminado si Kim na kinabahan siya sa nangyari sa aktor dahil isa rin siya sa mga artista na tulad ni Diet ay halos wala nang pahinga dahil sa dami ng trabaho.
"Kinabahan ako. Nung umaga si Kitkat, tapos tanghali si Diet naman. Niloloko nga nila ako, 'O Kim, kandidato ka sa mga mahihimatay!' Pero buti na lang at hindi nangyari.
"Busy talaga ako kung sa busy dahil sa dami ng trabaho, pero gusto ko naman ang ginagawa ko. Pag wala akong trabaho nalulungkot ako. Okay naman ang health ko, medyo nag-gain na ako ng weight. Nagdyi-gym ako sa bahay, nagba-badminton, kumakain ako 'saka nagba-vitamins," wika ni Kim tungkol sa pagiging healthy niya.
Very good KIM,were happy that you are in good health, and gaining weight to do all your work and new projects, as we read in your new magazine SSM Gerald is always taking care of you. Don't worry and do not mind intrigues since if you trust in GOD more projects will come your way. Focus on your career and we are happy to see you last SUNDAY, you look very sexy and beautiful, siyempre mahal ka namin, we want the best for you and Gerald. God Bless !!!!!!