Article

0

Posted on : Friday, January 09, 2009 | By : shapap | In :

Kim says she is content with her and Gerald’s ‘relationship’
Bernie Franco ( ABS-CBN Interactive ) 01.09.09
Sinabi ni Kim Chiu na thankful siya sa sinabi ng kanyang onscreen partner na si Gerald Anderson na handa siyang maging boyfriend ng dalaga kahit anong oras. Pero talagang hindi pa raw handa ang dalaga na magkaroon sila ng commitment sa ngayon. "Naku naman, itong si Gerald," natawa niyang bungad. "Thank you, thank you dahil ganun siya sa akin hanggang ngayon. At naghintay talaga siya para sa akin."

Ayon pa kay Kim kuntento na siya sa kanilang kasalukuyang set-up, ang pagkakaroon ng mutual understanding. "Kung kami talaga, kami talaga. Masaya naman kami kung anong meron kami ngayon," paliwanag ni Kim. Depensa ng dalagita, nagiging maingat lamang siya dahil baka ang pagkakaroon nila ng relasyon ay makasama sa kanila. Sa tingin ba niya ay hindi pa talaga siya handa na magkaroon ng love life? "Hindi pa, eh. Kasi gusto ko talaga ang trabaho namin. At ayoko talagang masira 'yun dahil sa relasyon," pahayag niya.

Sa interview ni Gerald kamakailan sa Entertainment Live ay sinabi niya na kahit naman ready na siyang maging girlfriend si Kim ay hindi niya pipilitin ang kanyang leading lady kung ayaw pa nito. Kinatigan naman ito ni Kim. "Yeah, sabi niya rin sa akin 'yun. Kaya masaya kami kung anuman kami ngayon." Dagdag pa ni Kim para sa ikabubuti nilang pareho ang hindi pagmamadali na pumasok sa relasyon.

Samantala, ibinahagi ng Kim na wala pa siyang natatanggap na Christmas gift mula kay Gerald dahil masyado itong busy para mamili. "Pero sabi ko nga (kay Gerald) 'Huwag ka nang magbigay, nagpapagawa ka nga ng bahay, magreregalo ka pa.'" Nang tanungin naman si Gerald kung bakit wala pa siyang regalo, ito ang isinagot ng binata. "Hindi pa nakakarating, eh. Ayoko munang sabihin pero sasabihin ko rin sa inyo kapag andito na." Ano ba ang regalo sa kanya ni Kim? "Meron siyang binigay na glass na coffee table para sa bagong bahay ko," sagot ni Gerald.

Comments (0)

Post a Comment