Article

0

Posted on : Saturday, January 10, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu says kissing scene with Jake Cuenca is no big deal
Archie de Calma ( PEP ) 01.10.09
Isang tipikal na estudyante at bagets lang si Kim Chiu from Cebu bago siya nakapasok sa unang batch ng Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006. Pero ilang taon lang ang nakalipas, napakalaki na ng isinulong ng buhay niya. Wala ring hinto ang suportang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN, kasama ang ka-love team niyang si Gerald Anderson.

Sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Tayong Dalawa, hindi lang yung pagkakaroon uli ng chance na magka-exposure ang hangad ng Kapamilya network sa kanya. Hudyat na ito na iangat ang level niya sa iba pang kapanabayan niyang artista.

"Malaki ang pasasalamat namin nina Jake [Cuenca] at Gerald na ganito ang suporta ng ABS-CBN sa amin, na talagang mahuhusay at award-winning performers ang mga kasama namin. Araw-araw sa set, may natututunan kami sa kanila. Lagi kong kaeksena sina Spanky Manikan, Mylene Dizon, at Anita Linda. Kabado talaga ako, pero habang tumatagal, kung may gusto akong malaman, gina-guide naman nila ako. Tinuturuan nila ako," kuwento ng young actress sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

WORKING WITH ACTING GREATS. Para kay Kim, napakagandang regalo ito ng ABS-CBN sa kanya. Hindi pa man niya nakakaeksena yung ibang mahuhusay rin sa cast, the fact remains na nagdudulot ng prestige ang presence ng mga ito sa bagong teleserye.

"Dati-rati, napapanood ko lang ang iba sa kanila sa old movies sa TV," banggit ni Kim. "Alam ko nang magagaling silang artista, kaya hindi puwedeng kapag nakikita ko sila noon, kahit hindi ko pa nakakatrabaho, dinadaan-daanan ko lang sila. Lumalapit talaga ako, nagpapakilala.

"Ngayon, nakakatrabaho ko na sila. All the more na nalalaman ko kung ano ang ginagawa nila sa set, at kung bakit ganoon kataas ang repseto sa kanila ng industriya."

Maski ang premyadong si Cherry Pie Picache ay puring-puri sila ni Gerald dahil alam daw ng mga ito ang pinasok nila. Si Anita Linda nga,nailang pang saktan-saktan si Kim sa mga eksena nila together dahil nararamdaman nito ang pagiging real nice ng bagets.

"Sabi ko nga, okey lang sa akin na saktan ako," sabi ni Kim. "Naroroong sampalin ako, tadyakan, pero kailangan kasi talaga yun. Sabi nga ni Tita Anita, gawin na namin nang tama para hindi ako paulit-ulit na nasasaktan. At saka kung minsan, hindi ako palakibo, hindi dahil nang-iisnab ako o nagsusuplada. Nahihiya lang talaga ako. Ipinapaliwanag ko naman sa kanila yun."

THE REAL SCORE. Siyempre, hindi mawawala ang pagdalirot sa mga isyu sa kanila ni Gerald. Naroroong nagpapaiba-iba raw ng statements si Kim tungkol sa MU (mutual understanding) status nila ni Gerald.

"Wala naman akong idine-deny. Talagang may MU kami, pero hindi ko alam kung six or eight months na ngang may MU sa amin. Yun lang naman yun, pero hindi ko idine deny," saad ni Kim.

PAULEEN-GERALD ISSUE. Hanggang ngayon ay umeeksena pa rin daw si Pauleen Luna at nagsasabing sinungaling si Gerald dahil sa pagde-deny nito na pinadalhan niya ng pagkain ang dalaga sa set ng Eat Bulaga!. Ano ang masasabi rito ni Kim?

"Hay naku, lumang isyu na kasi 'yan!" buntung-hininga ng young actress. "Last year pa 'yan, hindi pa ba natatapos. Ewan ko sa kanila ni Gerald, pero siyempre, naniniwala naman ako kay Gerald.

"Sana lang, maayos na 'yan. Nagkita naman kami ni Pauleen noon sa parada ng Metro Manila Film Festival, okey naman kami. Hindi kami nagkausap pero nagngitian at nagbatian kami. I don't think na may problema pa rin pagdating sa bagay na 'yan."

KISSING SCENE WITH JAKE. Mukhang pinagmumulan din daw ng tampuhan sa kanila ni Gerald ngayon ang pagpayag ni Kim na pakikipag-kissing kay Jake Cuenca sa ilang eksena sa Tayong Dalawa.

"Wala kasi si Gerald sa set nang kunan yun!" natatawang sabi ni Kim. "Wala naman yun, trabaho yun. At saka bakit ako magpapaalam? The same way na kung kailangan niyang makipaghalikan sa ibang kaeksena niya, wala akong karapatang kuwestyunin yun o pigilan siya.

"Ang nasa set, yung Kimerald fans. Siyempre, aabot kay Gerald yung sinasabi ng fans, but I don't think kailangang maapektuhan siya. Of course, yung fans namin, hindi nila gusto yun, and I don't need to explain. Eventually, kapag napanood nila. Maiintindihan nila kung bakit kailangang gawin namin ni Jake yun. Walang personalan yun.

"Noong una, parang nakakailang, kasi hindi pa kami ganoon ka-close ni Jake para mag-kiss. Pero talagang ganoon ang pag-aartista. It's not really a big deal," kibit-balikat na sabi ni Kim.

Comments (0)

Post a Comment