Article

0

Posted on : Friday, January 02, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu shares her not so new New Year’s Resolution
Bernie Franco ( ABS-CBN Interactive ) 01.02.09
Natatawang ibinahagi sa amin ni Kim Chiu na hindi pa rin nagbabago ang kanyang New Year’s resolution na pipilitin niyang laging gumising nang maaga kapag mayroon siyang mga appointments. Sabi ng dalaga, kahit noong hindi pa siya artista ay iyon rin ang kanyang resolution. “Lagi kong inuulit-ulit na hindi na ako male-late ng gising pero hindi ko talaga nagagawa,” natatawang pagbabahagi ng unang Pinoy Big Brother Teen Edition Big Winner. “Mga ilang taon ko na siyang pina-promise sa sarili ko na, ‘Ay eto na, totoo na. Gigising na ko lagi nang maaga.’ Tapos wala pa rin. Nagigising pa rin ako nang late. Parang wala lang.” Explain pa niya, kapag kasi nakatulog na siya ay kagaya rin siya ng maraming tao na ayaw nang tumayo dahil mas masarap ang nakahiga at matulog.

At dahil hindi pa rin niya nabubura ang kanyang “bad habit” na ito, sinabi niyang ito pa rin ang kanyang objective sa 2009. Umaasa siyang mas magiging masigasig siya sa pagtupad nito, lalo pa’t iba na ang kanyang sitwasyon ngayon dahil nasa showbiz world na siya. “Susubukan ko na siya. Mga limang taon ko na yata siyang pina-promise sa sarili ko. Lalo na ngayon, pumasok ako sa showbiz. Gusto ko na siyang baguhin talaga.”

Samantala, sobrang thankful naman ni Kim sa kanilang fans ni Gerald Anderson, ang Kimerald fans club dahil sa kanilang unwavering support sa kanilang love-team. Kaya naman noong premiere night ng kanilang movie na Shake, Rattle & Roll X, hindi na tinapos nina Kim at Gerald ang nasabing pelikula at umalis na sila upang puntahan ang inihandang party ng kanilang fans. “May inihandang party sa amin ang Kimerald that night. Nakakahiya naman kung hindi kami pupunta. Sobrang suporta ang ibinigay nila sa amin all these years,” paliwanag ni Kim. Sinabi niya na nag-enjoy sila sa nasabing gathering na punum-puno ng mga games na pinaghandaan talaga ng kanilang Kimerald fans.

Comments (0)

Post a Comment