Article

1

Posted on : Sunday, May 06, 2007 | By : shapap | In :


Kim tambay sa condo ni Gerald
By: Lito Mañago
from Journal Online


Galing kami sa unit ng kaibigan namin sa 15th floor ng Lansbergh Place last Labor Day at around 9:33 p.m. after spending more than 3 hours sa swimming pool ng upper penthouse sa naturang condo sa Morato St. Quezon City.

Pagsakay namin sa elevator, umakyat itong muli sa 17th floor at isang lalake ang sumakay. Nang makarating ang elevator sa ground floor, nauna pang lumabas sa amin ang lalake, obviously, may sasalubungin siya kaya nagmamadaling lumabas.

When it was our turn to leave the elevator, isang magandang babae ang naispatan namin sa isang tabi. Napalingon kami at tinitigan namin ‘yung babae.

The girl was wearing black blouse and maong pants. Nagkatinginan din kami ng mga kasamahan namin after realizing it was Kim Chiu, ang first winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition ng ABS-CBN.

It was our first time na makita nang malapitan at personal si Kim. Cute pala siya in person.

Hindi lang naman nag-iisa si Kim. As a matter of fact, apat o lima silang magkakasama that time. Obviously, paakyat ang grupo ni Kim sa 17th floor kung saan, ayon sa aming source, nakatira o umookupa ng unit si Gerald Anderson, ang binatang nauugnay ngayon sa dalaga.

Pero bago pa man dumating si Kim sa Lansbergh Place, nauna na naming nakita si Gerald (at around 6:30 p.m.) sa ground floor at may kinukuhang gamit sa kanyang sasakyan.

Dito na nga namin nakumpirma na sa Lansbergh Place nga nakatira ang muy guwapitong aktor. That time, paakyat pa lang kami ng condo unit ng kaibigan namin pagkaraan naming mamili ng pagkain sa isang convenience store na malapit lang sa Lansbergh Place.

Napag-alaman din namin later na galing pala sa shooting si Gerald sa balik-tambalan nila ni Kim sa Star Cinema at first shooting day nila together with Direk Lino Cayetano.

Wala naman sigurong masama kung dumalaw man si Kim kay Gerald. In the first place, magkaibigan naman silang dalawa. Sabi nga namin, Kim is not alone. Marami siyang kasamang “alalay” sa kanyang lakad.

At may usapan naman siguro sina Kim at Gerald na after the shooting, magpapalipas muna sila ng oras sa condo unit ng huli. Fear lang namin ay baka itanggi ito ng sikat na batang aktres.

Pero matunog na ang balita sa apat na sulok ng showbiz na mag-on na sila Kim at Gerald pero itinatanggi pa nila ito. Ngayon kaya, aamin na ang dalawa ng tunay na estado ng kanilang relasyon?

Hindi naman siguro itatanggi ni Kim na dumalaw siya sa unit ng favorite leading man niya. Unless, may iba pa siyang kaibigang dinadalaw din sa lugar. Tatlo kaming reporter na nakakita kay Kim at may dalawa pa kaming non-showbiz friends na kasama na unang pang nakakilala sa kanya.

Sina Gerald at Kim ang pambato ng ABS-CBN ngayon!

Comments (1)

ang ganda mo kim, sobra! bagay kayo talaga ni gerald. wla naman masama kung pumunta ka sa condo ni ge dhil very close naman kayo, and may mga kasama ka naman with you, nothing to worry about! db?

Post a Comment