Kim and Gerald begin shooting for their new movie
Julie Bonifacio
Wednesday, May 2, 2007
from www.pep.ph
Natuloy na kahapon, May 1, ang first shooting day ng kauna-unahang pelikula ng young director na si Lino Cayetano para sa Star Cinema. Bida rito ang isa sa pinakamainit na loveteam ngayon—ang Kim Chiu at Gerald Anderson loveteam.
Sa may palengke ng Project 8 ginanap ang shooting ng unang solo movie din nina Kim at Gerald. Inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Lino na kumakain sa set during lunch break, habang katatapos lang nina Kim at Gerald sa kanilang eksena. Nandun si Ketchup Eusebio, na isa sa mga support ng pelikula at personal choice ni Direk Lino.
Ayon kay Direk Lino, wala pa rin daw naiisip na titulo ang first solo movie nina Kim at Gerald. Pero malamang daw na hango sa isang kanta ang gamitin nilang pamagat for this movie.
Bongga si Direk Lino dahil pinagbigyan ng Star Cinema ang request niya na bigyan siya ng mahuhusay na staff sa movie, gaya ng batambatang cinematographer na si Eli Balce, na kapapanalo sa Pasado award bilang Best Cinematographer para sa Sukob. Si Mel del Rosario, na scriptwriter ng successful na Ang Cute Ng Ina Mo, ang sumulat ng script.
Kailangang tapusin ni Direk Lino ang movie within 30 shooting days. And so far, sa tingin naman daw niya ay kaya nilang tapusin ito bago magsimula ang promo ng movie.
During the break ay nakausap din ng PEP sina Kim at Gerald. Tinanong namin sila tungkol sa bagong pelikula nila.
"Ibang-iba po yung story nito sa first movie namin, yung First Day High. Hindi lang kasi pang-teenagers ang movie namin ngayon, kundi pampamilya talaga ‘to," sabi ni Kim.
Ang eksenang inabutan namin ay nang mabangga ng kotse ni Gerald si Kim, na nakasakay naman sa bisikleta.
"Tapos makikita niya yung signboard na may P50,000 na premyo sa mananalo sa isang biking contest. E, ako, ang role ko, biker talaga ako. Tapos nakita ko si Kim, sabi ko, ‘Ang bilis naman niyang mag-bike!'" kuwento pa ni Gerald tungkol sa eksenang kinunan nila.
Nagulat naman sina Kim at Gerald nang tanungin namin kung may kissing scene ba sila sa movie.
"Kissing scene na talaga? Hindi ko alam!" sabay tawa ni Kim.
"Siguro kailangan pa naming mag-workshop doon. Nakakahiya po kasi, e," sagot naman ni Gerald.
Ayon pa sa dalawa, depende raw kay Direk Lino kung kailangan sa pelikula ang kissing scene. Gagawin daw kasi nila ang lahat para maging maganda ang movie, para rin sa kanilang direktor dahil first movie niya raw ito.
Comments (0)
Post a Comment