Article

0

Posted on : Wednesday, May 16, 2007 | By : shapap | In :

Strike while the iron is hot
By: Mercy Lejarde
from Journal Online

Sunod-sunod ang projects ni Kim Chiu sa ABS-CBN. Katatapos lang niya ng teleseryeng Sana Maulit Muli at sitcom na Aalog-Alog.

Ngayon, may panibago na naman siyang sitcom with screen partner Gerald Anderson, Go Kada Go, na mag-i-start na on June 2.

Natatawa na lang siya kapag iniintrigang natalbugan na si Sandara Park. Pero may paliwanag si Kim tungkol sa nasabing isyu.

“Kasi dito po sa showbiz ano ... ahh ... trabaho ka lang nang trabaho. ’Pag nagustuhan ng management ang pinaggagagawa mo, siyempre po, bibigyan ka pa ng ibang project at ipagkakatiwala nila ang show sa ‘yo, kaya kailangang pagbutihan.

“’Pag lalaru-laruin mo lang, wala. Walang pupuntahan ang paghihirap mo. Naniniwala rin po ako sa kasabihang strike while the iron is hot, kasi hindi mo alam kung hanggang kailan ito, eh.”

Oo nga naman, may sense. Strike while the iron is hot para hindi ma-park sa parking lot ang career, tsuk!

Comments (0)

Post a Comment