Articles

0

Posted on : Friday, May 11, 2007 | By : shapap | In : ,

Gerald Anderson defends Kim Chiu's visits to his condo unit
Julie Bonifacio
from PEP

Hindi itinanggi ng young actor na si Gerald Anderson ang lumabas na balitang nakitang pumunta sa condo niya ang ka-loveteam na si Kim Chiu. Inamin ito ni Gerald sa sa press con ng bago nilang comedy show ni Kim na Gokada Go (dating Let's Go) kaninang hapon, May 11, sa Club O ng ABS-CBN.

"Pinapunta ko po doon si Kim dahil sabi ko, ibibigay ko ‘yong regalo ko sa kanya. Pero actually, gusto ko po siyang sorpresahin. Nag-set po ako ng table sa rooftop ng condo na parang dinner date namin," kuwento ni Gerald.

Nagdiwang ng kanyang 17th birthday si Kim last April 19. Pero dahil sa parehong busy sina Gerald at Kim, hindi sila nakapag-celebrate ng birthday ng dalaga. Pagkatapos ng birthday ni Kim, pumunta pa ang young actress sa Cebu for a show. So pagbalik ni Kim, doon lang nagkaroon ng pagkakataon si Gerald para sorpresahin ang screen partner.

Ayon kay Gerald, "Wala naman pong masama kung pumunta si Kim sa condo ko. Lagi naman may kasama si Kim pag pumupunta. Like, may case na nalaman namin na number one kami [Sana Maulit Muli], ‘yon, nag-celebrate po kami. May mga fans, so hindi naman kami lang."

Noong una ay hindi maintindihan ni Gerald kung bakit paulit-ulit na lang ang isyu na nagpupunta sa condo unit niya si Kim. Later na lang nalaman ni Gerald na may nakatirang entertainment writer sa condo na tinitirhan niya.

Prior to Gerald's surprise dinner to Kim, naibigay na rin ng binata ang isa pa niyang gift kay Kim—isang Nokia 7390 cell phone.

"Kasi po, lagi siyang nagrereklamo sa phone niya, na laging nagha-hung daw. So, ‘yon lang ang naisip ko [na regalo]," paliwanag ng young actor.

Masaya ring ibinalita ni Gerald na naka-five shooting days na sila ni Kim sa still untitled movie under the direction of Lino Cayetano for Star Cinema. Puro "fighting" scenes—as in away at asaran—pa lang daw ang nakunan sa kanila ni Kim.

Magsisimula na ang Gokada Go sa June 2. Makakasama nina Gerald at Kim dito ang ilan sa cast ng Let's Go plus Matteo Guidicelli and Ms. Gina Pareño.



click on the pics for bigger resolution

thanks to ate lian for the scans:)


Kim at Gerald, gagamitin ng ABS CBN para mapalakas ang isang bagong bagets show
Ang Pilipino STAR Ngayon
from Philstar

Magre-reformat pala ang programang Let’s Go ng ABS-CBN dahil hindi raw kagandahan ang ratings nito kumpara sa katapat nitong programa sa GMA7.

Balitang idadagdag ng Dos sina Gerald Anderson, Kim Chiu, ang car racer na si Matteo Gaudecelli at ang award winning actress na si Gina Pareño sa nasabing youth oriented show na brainchild ni direk Bobot Mortiz.

At kung hindi magbabago ang plano ay Go Kada ang magiging titulo ng nasabing programa.

Samantala, bulungan naman na hindi raw regular sina Gerald at Kim sa Go Kada, gagamitin lang daw sila para tumaas ang ratings ng nasabing programa.


By: Nel Alejandrino
People's Tonight

from Journal Online

Pumupunta nga ba si Kim Chiu sa condo ni Gerald Anderson at nagbababad doon?

Sagot ni Kim na gulat na gulat: “Naku, sino naman ho ang may sabi nu’n? Bagama’t aaminin kong nakapunta na nga ko sa condo ni Gerald, never akong nagbabad du’n. And I never go there alone. Palagi ho akong may kasama. Minsan si Tito Jun (Reyes, talent manager ni Gerald). Nu’ng minsan naman, kasama ko si Olyn (Meimban, nakasama nila sa PBB Teen Edition). Kasama rin namin si Matt Evans (dati ring PBB Teen Edition housemate at boyfriend ni Olyn).”

Malapit sa ABS CBN ang tinitirahan ni Gerald. In Kim’s case, sa isang condo sa Madison Street in Kamias, Quezon City, siya nakatira kasama ang ama.

May unit din sa nasabing condo ang movie writer na si Jojo Gabinete, talent manager nina Juliana Palermo at Diana Zubiri.

Going back to Kim and Gerald, they are starting a movie for Star Cinema under director Lino Cayetano.

Comments (0)

Post a Comment