Article

1

Posted on : Monday, June 01, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson, ready to go daring in Tayong Dalawa?
Dominic Rea ( ABS-CBN Interactive ) 06.01.09
Pagiging masipag at pagmamahal sa trabaho diumano ang itinuturing na naging puhunan ni Gerald Anderson upang magkaroon ng kislap ang kanyang bituin simulang pasukin nito ang maintrigang mundo ng showbiz. "ABS-CBN knows how much I love my work. In every project na binibigay nila sa akin, lahat-lahat, dedicated ako and sincere ako because this is what I want and I want to prove more because I love my craft," sabi ni Gerald nang makausap ng ABS-CBN.com ito last Friday sa thanksgiving press con ng number primetime series ng Kapamilya Network na Tayong Dalawa.

Di akalain ni Gerald na aabot sa ganitong tagumpay rin ang tambalan nila ni Kim Chiu na nabuo noong sila’y teen housemates pa ng Pinoy Big Brother. "We're very okay ni Kim. Masaya kami lalo na kapag nasa taping na kami ng Tayong Dalawa. We're very thankful dahil ang daming nagmamahal sa amin, nandiyan ang mga fans namin and followers, people who trust us, 'yung mga naniniwala sa kakayahan namin ni Kim as a loveteam, sa ABS-CBN family namin na always there para sa amin. Sobrang happy kami."

Pero sinasabing tila unti-unti nang bubuwagin ang tambalan nilang dalawa ni Kim Chiu dahil balitang isang pelikula under Star Cinema ang nakatakdang gawin ni Kim Chiu with Gabby Concepcion at Angelica Panganiban at hindi kasama rito si Gerald. Anong masasabi niya dito? "Actually, I'm very happy for Kim. Good for her at para naman makita naman nila ang galing sa pag-arte ni Kim sa big screen. But that doesn't mean na mabubuwag na kami as love team, hindi rin ako papayag kung ako lang ang tatanungin ayoko namang mabuwag kami. May nagsabi nga sa akin na may gagawin kaming movie after niyang gawin ang movie niya with Gabby and Angelica, though hindi ko pa alam kung anong magiging title, but I've heard lang po."

Kung closeness ang pag-uusapan, malalim na nga ang relasyon nilang dalawa bilang love team. Na-diskubre naming mayroon na pala talagang mutual understanding ang dalawa but how far will it go? "Yes, may mutual understanding na kaming dalawa. Hindi mahirap mahalin si Kim. She's pretty, matalino, talented. I'm not saying na kaming dalawa na, why not, ‘di ba? My family and her family are okay. Kahit sinong lalake,mai-in-love talaga kay Kim." What makes the love team perfect naman kaya para kay Gerald? “Siguro, effort, love and trust. As actors, you have to prove talaga na mag-work-out ang isang love team at yung trust ninyo with each other, chemistry. We're trying our best as a love team ni Kim, mahal namin pareho ang work namin and thank you sa lahat ng nagmamahal din sa amin," masayang sabi ni Gerald.

Kung titignang mabuti, very happy and contented na si Gerald Anderson sa kasalukuyang nangyayari sa kanyang showbiz career. Anu-ano naman ang fruits of his labor? "Actually, may sarili na akong sasakyan, may sarili na rin akong house, mayroon na akong savings, that's why, I'd rather be busy always at puyat dahil masasabi kong may work ako, okay lang yun dahil makakaipon ako. Kaysa kumpleto nga ang tulog mo, wala ka namang work, ayoko naman ng ganoon. I have a lot of plans in the future and dreams not only for my career, not only for myself also for my family. Ang dami ko pa po talagang gustong gawin."

Napansin din ng ABS-CBN.com ang transformation ni Gerald physically from the time he started sa showbiz. May muscles na siya at seksing-seksi na nga at matured na si Gerald Anderson. Okay lang ba ang daring at sexy roles sa kanya in time? "Naku, manood sila ng Tayong Dalawa! Abangan nila 'yung gagawin kong pagbabago sa Tayong Dalawa. Basta! May gagawin akong scenes dun na pakaabangan talaga ninyo. For me kasi, there's no problem kung sexy siya o daring, I mean, we have good directors, as long as hindi lumalampas sa limitations ko, why not," pagtatapos ni Gerald.

Comments (1)

nakuh gerald, ano yan daring scene na yan ah??kung si kim yan kasama mo sa eksenang yan OKEY NA OKEY kaming mga fans ninyo dyan...hehehehe

Post a Comment