Article

4

Posted on : Monday, June 01, 2009 | By : shapap | In :

Deo Endrinal assures fans Kimerald will continue
Trisha Alvarez ( PEP ) 06.01.09
Isang thanksgiving get-together cum presscon ang ipinatawag ng Tayong Dalawa noong Biyernes, March 29, dahil sa malaking tagumpay ng teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Present ang karamihan sa major members of the cast pati na ang mga executives behind the show sa pangunguna ng Business Unit Head nila na si Deo Endrinal, na naniniwala na ang magic ng love team ng mga bida sa Tayong  Dalawa na sina Kim Chiu at Gerald Anderson ay nabuo sa  mata ng mga tao.

"A lot of the people who followed them were the original followers of PBB and then  doon nakilala nila  hindi yung artista muna," sabi ni Deo sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nakilala  nila doon yung tao and then eventually, minahal nila sila bilang mga artista and it also parang ano, I took it upon myself to be my personal cause na siguraduhin na yung tatakbuhin ng love team nila, both, di ba? Sisiguraduhin ko na magiging maayos ang tatakbuhin ng love team nila. Di ba, parang ganun naman?

"There will be  parang godfather to the union. So, parang in a way, kapag ikinasal sila, gusto ko maging ninong ako kasi talagang nasimulan ko, tyinaga, alam nila yan. Nung panahon na ang kaya lang nilang i-tape 10 sequences isang araw nung nag-Love Spell sila straight out from the house without any training, ang layu-layo na ng nararating nila.

"Mula nung unang araw nila na umiiyak sila sa taping. Natatakot sila kasi hindi nila kayang gawin yung mga eksenang pinapagawa na kapag pinapanood ko sila ngayon, nung Love Spell na 'My Boy,  My Girl,' hanggang sa makita mo sila ngayon. So, you're also proud of them. And, parang because of the collaborative effort of the  network, of everybody in the network, not just  our unit, not just our team, and of course, the two of them, they're actually the most prized love team now."

KIMERALD FOREVER. Dahil dito, hindi raw totoo na bubuwagin na ang love team nina Kim Chui at Gerald Anderson.

"Ah, hindi ibig sabihin na kapag nakipagtrabaho sila sa iba binubuwag mo sila. Huwag lang natin sigurong  isara ang utak natin na kailangan exclusive sila sa isa't isa. Naniniwala ako sa sinasabi ng fans nila na gusto nilang makita silang dalawa, fine. Pinapakinggan 'yan ng ABS-CBN. Pero huwag din nating limitahan in the future possible na si Kim may ibang makatrabaho. Hindi ibig sabihin na may nakatrabaho si Gerald , may  nakapareha si Kim na iba, hindi na sila love team."

May plans ba sila for Kim separately?

"Ako kasi, I cannot say the bigger plans because I'm only in charge of their television career. Cinema has another plan for them. But we all talk. Nag-uusap-usap naman kami. But I'm not aware of the plans of the Cinema. I know they are supposed to do a movie together. But as of the moment kasi, I would rather concentrate on Tayong Dalawa because for the next  two to three months they will be very busy. They are taping Tayong Dalawa three times a week. So, if at this point there are any  projects they will have to do, they  will   have to do it together. Kasi kunyari hindi ko mabibigay yung isa sa schedule, e. Tatlong araw sa isang linggo magkasama sila."

TAYONG DALAWA ENDS IN JULY? "Hindi ako nagko-commit  na matatapos ang soap ng July. Hindi ito na-extend. Contrary to belief, hindi siya nae-extend. Yung buong kuwento niya, mahaba talaga ang buong kuwento."

At the same time, may  balita rin na ang isa pang teleserye na  hawak ni Deo na May Bukas Pa ay tatakbo raw sa ere hanggang February 2010 pa.

"Alam mo, sabi-sabi lang  'yan. I also have to protect the yung real span   of my projects. Kasi ano yan, e,  ah, trade secret 'yan, e. Hindi ko pwedeng sabihin na matatapos na siya, kasi parang ayoko namang bigyan ng opportunity yung makakatapat ng programa kami na paghandaan kung kailan kami matatapos. So, I'd rather na isikreto na lang namin kung hanggang kailan talaga siya, di ba?

"Kung hanggang kailan yung haba niya. Pero yung Tayong Dalawa, masasabi ko lang hindi namin siya ie-extend. Tatapusin namin yung kuwento  the way na naiplano namin yung kuwento. Ngayon, kung gaano kahaba o kaikli yan, di ba? Somehow, nagdedepende doon sa project. Di ba, ang dali-dali namang sabihin 30 minutes lang 'yan. Pero kung gugustuhin natin na maging 13 weeks 'yan, marami naman na tayong projects na pinaikli, hinabaan. Kagaya ng sinabi ko, kung ganito  ka-cooperative ng cast mo, hindi mahirap ipagpatuloy na ipagpatuloy yung project."

Magkakaroon ba ng Book 2 ang Tayong Dalawa?

"Wala siyang Book 2," sagot ng TV executive. "Isang libro lang talaga ito. Isang mahabang  panoorin. Uhm, 'tsaka why do we have to rush and end something  that people are still enjoying and we still have a lot  of good  stories to tell. There are still a lot of beautiful things that we want talk about in the story.

"We're actually on our fourth show, on Monday [June 8], may tatapat sa amin, Adik Sa 'Yo. Pang-apat na naming katapat ito simula Gagambino, ganun. So, parang we outlived our competitors. I'm not saying na tinalo namin sila. Na-outlive namin sila. Tapos na sila, nandiyan pa kami.  At parang ni-look forward na may makatapat pa kaming iba."

May usap-usap naman na kaya raw hindi makapasok ang iba pang  teleserye na tapos nang gawin at kasalukuyang ginagawa dahil hindi pa tinatapos ang Tayong Dalawa at May Bukas Pa for obvious reason na it's still rating very high.

"Alam ng management kung ano yung, pinag-uusapan naman namin 'yan, e, kung ano yung life span. Hindi ibig sabihin na mahaba itong isang programa ay dahil hindi makapasok yung ibang programa. May kanya-kanyang timetable ang mga program. That would be unfair to say na kaya hindi makapasok yung iba, naka-kalendaryo 'yan for the whole year. In fairness sa  ABS-CBN, naka-kalendaryo yan sa buong taon."

NO ATTITUDE PROBLEM. Kumusta naman ang isa sa cast ng show na si Jiro Manio? May balita na hindi raw sinisipot ni Jiro ang taping ng Tayong Dalawa.

"Nung ano yun, hindi pa naman uso ang H1N1 virus. Hika ang number one na pinagsimulan. Dumating talaga sa point na hinihika talaga siya sa set. Nung unang dalawang araw, talagang inatake siya ng hika at saksi talaga ang mga tao sa set na talagang major hika. So, kailangan namin siyang pauwiin.

"Tapos pangalawang beses, hindi na naman namin siya mai-call dahil sa hika. So, pagkatapos noon, kailangan naming patakbuhin yung kuwento. Kailangan na naming gumawa ng paraan dahil hindi makapag-commit ang bata at ang pamilya ng bata kung kailan nila puwedeng ipag-tape yung si Jiro. So, kailangan naming gumawa ng aksyon. Soap opera ito, e. Hindi naman tayo pwedeng maghintay sa isang character."

Ayon sa mga usap-usapan, may attitude problem daw si Jiro at may problema sa pamilya kaya hindi sumisipot sa taping ng Tayong Dalawa.

"Hindi siya sumipot ng taping dahil may sakit siya. Oo, yun ang dahilan. Hindi naman namin alam yung... Attitude problem wala, dahil bago naman siya nagkasakit, bago nangyari yung period na 'yon, anim na buwan namin siyang katrabaho at sumisipot siya. On time siya. Never siyang na-late. Happy kami sa delivery niya."

"Hindi ako makakapag-commit kasi hindi ko alam kung ano siya beyond sa programa. Normal siyang katrabaho. Napakagaling niyang artista. Actually, nahirapan kami kung paano i-exit ang character niya. Nahirapan kami. Ah, pero kinailangan naming gawin para tumakbo ang kuwento. Otherwise, kung maghihintay kami, walang mangyayari sa amin. Mabibitin kami at hindi rin tama dahil maraming ibang artista ang naaapektuhan pag nabitin.

"So minabuti na lang namin na i-exit ang character ni Jiro, tapos pag okey na siya ulit,  yung trabaho, kung sakit man 'yan, kung personal man 'yang problema, pag okey na  siya ulit, may opportunity kami na ibalik siya. Pero hindi ko rin yun maipa-promise kasi istorya nga 'yan, kailangan 'yang tumakbo. Pero sa ngayon, habang nag-uusap tayo hindi pa namin pinapatay ang character niya sa script.

"Hindi pa namin siya pinapatay [sa istorya]. Meaning sinasabi ko nga, gusto ko ipangako na aantayin namin siya. Pero kung kinakailangan na, kung sa iigting ng storytelling mo. Pero habang nag-uusap tayo ngayon, kahit ipabasa ko yung script na lumabas na hanggang bukas, wala pang eksena na pinapatay siya."

ADDITIONAL CHARACTERS ON THE SHOW? "Ang dream talaga namin is to be able to preserve ng walang major additional character na papasok. Although, may mga ilang idadagdag, pero hindi plot-defining. Hindi, parang kasi nga gusto lang i-extend. Marami tayong in-introduce na characters sa simula ng show na hindi pa natin nakikita at isa sa mga lalabas doon yung tatay ni Ingrid [Agot Isidro] na umiwan kay Helen [Gamboa] na naging dahilan kung bakit nasiraan siya ng ulo.

"Kung nakita ninyo sa trailer, meron siyang kinakausap na, 'Layuan mo na ako.' Pero naka-shadow lang yung lalake. Lalabas na rin siya next week. Si  Robert Arevalo. Pero hindi dahil hindi kami nagdadagdag ng character for the sake na magdagdag. Talagang part siya ng kuwento na somehow at a certain point, ilalabas namin.

"Iti-trace siya kasi may mangyayari. May mangyayari sa pamilya nila na kailangang lumabas yung tatay ni Ingrid," pagtatapos ni Deo.

Comments (4)

deo,about kim and gerald loveteam,malaking apektado,kasi dito sa united states gusto ng maraming tao ang loveteam nila kim at gerald lang at hindi maipaparaha sa iba.kasi nagiging maganda daw ang istorya kung sila ang magkapartner,kung iba raw ang ipartner sa isat-isa wala na raw manonood at alisin na ang TFC.kasi kahit napapagod kami sa trabaho kung ang papanoorin namin silang dalawa nawawala ang pagod namin.kasi mostly dito kimerald fans kami.at saka hindi lang dito sa states magaalisan ng TFC sa ibang lugar pa,sinasabi ko lang ito baka sa susunod wala ng rating ang abs-cbn mapupunta na sa kabilang channels[istasyon].dito pinapanood namin sila dalawang beses sa isang araw ganyan namin sila mahal sa isat-isa.

I know!!! So Deo, take good care of Kimerald loveteam dahil sila ang reason why TFC ang number 1 dito sa abroad.
To ABS sana may teleserye silang lively tulad ng My GIrl. Kasi sa Tayong dalawa palagi na lang nakakasama ng loob pero dahil kimerald, nanonod pa rin kami.
You know ABS 'yong "Only You" ni Angel Locsin, napanood ko once pero hindi na ako nanood next dahil not worth dahil hindi bagay sa kanila 'yon. If only Kimerald ang cast n'yan I'm sure top ang rating at no doubt no. 1 'yan.
We love Kimerald okay!!!
From Canada...

Sir Deo, thank you so much for looking out after our beloved Kimerald... you've seen them grow into the beautiful persons that they are now... please continue watching their backs. goodluck and more power!

Yah, dapat talagang hindi sila mag hiwalay
kasi baka hindi na kami manood.

dapat sa agimat si kim parin ang partner niya.
kahit pangit at lame yung story basta andyan ang kimerald manonood kami.

Pls po dont let kimerald separate. kung hindi wala na mag support sa mga teleserye niyo...

kimerald 4ever!!!

Post a Comment