Posted on :
Thursday, January 08, 2009
| By :
shapap
| In :
Article
Gerald Anderson denies "hiding" from Pauleen Luna
Rose Garcia ( PEP ) 01.08.09
Kapansin-pansin ang pagiging mas confident ni Gerald Anderson kumpara noong una. Nahalata namin ito habang tinitingnan namin si Gerald, along with Kim Chiu and Jake Cuenca, na nagsilbing mga host sa iginawad na parangal para sa award-winning actors and actresses na kasama nila sa Tayong Dalawa ng ABS-CBN, sa presscon ng naturang teleserye kagabi, January 7.
Posibleng ang dahilan kung bakit mas nakikitaan na ng confidence ngayon si Gerald ay dahil magagaling na mga artista ang katrabaho nila sa Tayong Dalawa. Kabilang na rito na sina Anita Linda, Helen Gamboa, Gina PareƱo, Cherry Pie Picache, Mylene Dizon, Alessandra de Rossi, Baron Geisler, Agot Isidro, Spanky Manikan, Coco Martin, Jiro Manio at Miguel Faustman.
Kumusta ang pakikipagtrabaho niya sa mga dekalibreng mga aktor? Na-pressure ba siya o na-overwhelm?
"Noong una, noong storycon, parang ang pakiramdam namin, we were cursed!" sagot ni Gerald sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Parang, ‘Bakit sila ang mga kasama namin?'
Parang, ‘Shit, paano natin gagawin ‘to?' So, kami ni Jake Cuenca, Kim Chiu... Pero after taping, kumbaga, ito yung wow! Ito ang pinakamagandang nangyari sa career namin."
Nararamdaman ba niya ang matinding pagbi-buildup o suporta sa kanila ng Kapamilya network dahil sa napakalaking project na ibinibigay sa kanila, plus the supporting stars na kasama nila?
"I just feel very blessed na talagang bini-build-up nila kami. Hindi ko naman sasayangin yun. Like here [Tayong Dalawa], they did their part and we have to do our part din," sabi ng young actor.
GERALD AS PMA CADET. Aminado si Gerald na mahirap ang experience noong mga unang taping nila sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.
Kuwento niya, "Nakakatawa nga, noong una, hindi kami makasabay. Wala kami sa timing, wala kami... Kahit yung nagpu-push up, wala kami sa timing doon. Yung mga PMAers mga nakatayo na, pero kami, nakababa pa rin. Pero after a while, since first time namin, so nasanay rin kami."
Kapag pinanood ba ng mga kadete ang Tayong Dalawa, magiging proud ang mga ito sa ginawa nila ni Jake?
"Yeah, I think they'll be proud," kampanteng sagot ni Gerald. "Yun po ang sinadya namin. Sana maging proud sila, sana matuwa sila. Itong show na ito, good example din para sa mga cadets. Para kayo rin, puwede kayong pumasok sa PMA."
ISSUE WITH PAULEEN. Nadako naman ang usapan tungkol kay Pauleen Luna, na minsang na-link sa kanya. Sa interview ni Pauleen sa Showbiz Central noong January 4, inilabas niya ang kanyang sama ng loob dahil sa pagde-deny diumano ni Gerald na dinalhan niya ng pagkain ang dalaga sa set ng Eat Bulaga!
Pero mukhang ang goal ni Gerald ay huwag nang dalhin ngayong 2009 ang anumang naging isyu sa kanya noong 2008.
"2008 pa po yun, 2009 na ngayon kaya ayoko na pong pag-usapan. Siguro po, dapat lang na huwag na lang nating pag-usapan pa," pag-iwas ng binata.
Itinanggi naman ni Gerald na pinagtaguan daw niya si Pauleen during the Parade of Stars of 2008 Metro Manila Film Festival, kung saan ang young actress ang nagsilbing isa sa mga host.
Ayon kay Gerald, imposible raw mangyari yun dahil open daw ang venue at nasa stage sila. Pero aminado siyang nandoon ang pagkailang.
"Siyempre, may isyu, e. Pero nagtago, that's not true. Hindi ka makakapagtago run dahil maraming tao at open yun," paliwanag ni Gerald.
STILL M.U. Kung si Pauleen ay halos ayaw nang pag-usapan ni Gerald, iba naman when it comes to Kim, na nakasama ng binata noong Christmas Eve. Bagamat nagdaan na ang Pasko at Bagong Taon, nananatili pa rin daw na nasa M.U. (mutual understanding) stage ang relasyon nilang dalawa.
"Ang puwede ko lang sabihin, M.U. lang. Nandoon na kami sa point na yun. Pero hindi naman seryosong-seryoso yun, pero mahalaga yun para sa akin."
Wala raw silang mga monthsary na sine-celebrate.
"Wala, walang ganoon. Nothing official pa rin talaga," sabi ni Gerald.
Comments (0)
Post a Comment