Posted on :
Thursday, September 20, 2007
| By :
shapap
| In :
Article
,
Ive Fallen For You
Gerald prioritizes professionalism and humility in his showbiz career
Balot Antazo
www.pep.ph
Although Gerald Anderson and Kim Chiu both said that they have nothing to admit as of the moment, happy na sila na special ang kanilang friendship. According to Gerald, hindi pa naman daw niya nasasabi kay Kim ang mga katagang, "I've fallen for you."
"Hindi pa kasi siya ready and I respect her for that. But I know nararamdaman niya how special siya sa akin. Maybe, at the right time, darating din kami dun, yung sweet relationship," sabi ni Gerald sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng movie nilang I've Fallen For You sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.
Sa naturang movie ay may kissing scene sila ni Kim, although smack lang naman daw ito. Na -excite ba si Gerald nang kunan ang eksenang ito?"Of course! Naka-take three nga po kami sa kissing scene!" ngisi ng binata.Nakailang girlfriends na ba si Gerald bago siya sumali sa Pinoy Big Brother Teen Edition at napasabak sa showbiz? "I had three girlfriends already. All of them, sila ang nakipaghiwalay sa akin," pag-amin niya.
"DARLING" OF THE PRESS. Meanwhile, naging malaking issue kay Gerald ang pagiging "isnabero," "suplado," at pagkakaroon ng "amnesia" niya diumano sa entertainment press, pero agad naman niyang idinepensa ang kanyang sarili tungkol sa bagay na ito.
"Sorry po sa mga kaibigan kong press. Hindi po ako suplado, mukha lang po akong suplado pero hindi sa personal. Sorry kung na-offend ko yung iba, sana maintindihan nila ako. Give me enough time at makikilala ko rin sila. Naa-appreciate ko ang mga tulong nila sa akin and I'm grateful for that," very apologetic na sabi ni Gerald.
Nalaman namin na malabo pala talaga ang mga mata ni Gerald—200 ang grado ng kanyang magkabilang mata—kaya may mga pagkakataon na kahit nakakasalubong na niya ang ibang press people ay hindi niya ito nare-recognize at napapansin. Pero kamakailan lang ay nagpa-laser na raw siya ng kanyang mata kaya maayos at malinaw na ang kanyang paningin. Pangako ng binata ay mas tatalasan na niya ang kanyang memorya at magiging ma-PR na siya lalo na sa press.
THE FUTURE GERALD. Naitanong din namin kay Gerald, how does he see himself five years from now?
"Actually, when I was just starting, naisip ko mga two years lang ang itatagal ko sa showbiz. But fortunately, dumating nga ang mga offers sa akin. Nag-click din ang loveteam namin ni Kim kaya dumagsa ang mga projects namin and I'm so thankful for that.
"Na-realize ko na ang showbiz career ay hindi pala dapat i-take for granted. Dahil sa mga supporters at sa mga nagmamahal sa akin, I promise na pagbubutihan ko ang trabaho ko palagi. Number one priority talaga as an artist ay yung pagiging professional at yung hindi paglaki ng ulo, I mean ang pagiging mayabang should be a big no-no. I should always remember to look back where I started," pahayag ni Gerald.
Ano pa ang mga bagay na gusto niyang ma-improve sa sarili niya?
"'Yung pagsasalita ko po ng Tagalog," sagot niya. "Actually, magaling na po akong mag-Tagalog kasi kailangan ito sa trabaho ko. Malaking impluwensiya si Kim dahil lagi niya ako tinuturuan at inaalalayan. Ngayon, okay na akong magsalita ng Tagalog, hindi na nila ako pinagtatawanan. Improvement din sa acting, I have to attend more workshops for me to be a better actor."
Comments (0)
Post a Comment