Articles

0

Posted on : Thursday, September 20, 2007 | By : shapap | In : ,

- I've Fallen For You
- Kim, ayaw magparetoke
scans c/o ate lian
- Pangarap ni Direk Lino natupad na Journal Online

Kim, ginagastusan ng mga fans
Emy Abuan-Bautista
Pilipino Star Ngayon

Ibang klaseng mag-alaga ang mga fans ni Kim Chiu dahil lahat sila ay handang gumastos para sa kanilang idolo. Katunayan sa darating na premiere night ng I’ve Fallen For You ay dala­wang grupo ng fans ang pu­punta sa Cebu at sa­riling gas­tos nila ito.

“Mas­w­erte po ako dahil ma­ba­bait ang fans ko at ha­los la­hat sila ay may kaya sa buhay at ang iba’y may matatag na traba­ho kabi­lang na si Tita Mynne Mesa ng Solar Entertainment na may mataas na posis­yon sa kompanya.

Kahit noong nakaraang ka­ara­wan ko ay maganda at mamahalin ang re­galo nila sa akin kaya mahal ko talaga sila,” aniya.

Sinabi pa rin ni Kim na halos araw-araw ay nagsisimba siya at nag­titirik ng kandila para hilingin sa Kanya na sana’y magklik sa takil­ya ang I’ve Fallen For You, solo tambalan movie nila ni Gerald Anderson.

May premiere night ang pelikula sa Cebu sa September 24 at sa Sep­tember 25 naman sa SM Megamall. Palabas na ito sa September 26 mula sa Star Cinema.

Jounal Online

Rich pala ang fans nina Kim Chui at Gerald Anderson. Sa darating daw kasing premiere night ng pelikula nilang I’ve Fallen For You, hindi lamang ang gagawin sa Maynila sa Sept. 25 ang pupuntahan ng mga ito, kundi premiere night din sa Cebu sa Sept. 24.Bongga!

Can afford talaga silang magbayad ng plane tickets at hotel basta lang makasama ang no.1 love team ng bansa sa mga araw na iyon.

‘’Nagugulat talaga kami,’’ pagtatapat ni Kim. ‘’Basta, nakikita na lang namin sila saan man kami naroroon. Pati nga mall shows namin, pumupunta din sila.’’

Hindi lang yon ang sorpresa ng mga fans nina Kim at Gerald sa kanila, may mga dala pa ang mga itong regalo. Nagkaroon sila ng souvenir saan man sila pumunta.

Pati contests na may text votes, sinusuportahan nila. Nakakakita kami ng mga placards ng contest, with pictures at ang cell numbers na ite-text.

Assurance marahil ito na wala silang dapat ikatakot sa nalalapit na showing ng movie sa Sept. 26 kahit ilang beses na silang nakakabalita na hindi daw sila masyadong pinalakpakan sa Be Bench event sa Araneta Coliseum.

“Actually, hindi po namin napansin,’’ mula naman kay Gerald.

“In-enjoy lang namin ang gabi at inayos ang aming pagrarampa.’’

Gayunpaman, deep inside marahil, worried din sila, lalo’t may mga previous happenings na hindi magandang nangyari sa ilang winners ng PBB.

Comments (0)

Post a Comment