Gerald, mahal na mahal si Kim
Allan Diones
www.abante-tonite.com
Ang puppy love at first boyfriend ni Kim Chiu noon sa Cebu ang unang lalake na nasabihan niya ng linyang "I’ve fallen for you" na titulo ng launching movie nila ni Gerald Anderson sa Star Cinema.
Tsika sa amin ni Kim kahapon sa presscon ng I’ve Fallen for You, trese anyos siya nang una siyang mainlab.
"Ay! Ayoko na po siyang pag-usapan. Masama po siyang tao, eh! Ha! Ha! Ha! Masakit po. ‘Yun po ‘yung tipong mabilisan lang dati," sey ng tsinitang young star.
Siguro naman, minahal niya rin ang boylet na ‘yon kaya nga nasabihan niya ng "I’ve fallen for you," di ba?
"Love ko rin, pero ayoko po ng nangyari. Ayoko sa kanya! Niloko niya ako, di ba?
"Kasi, ‘pag ganu’n ang edad mo, ang iniisip mo, parang siya na forever. Hindi pala. Basta, ayoko sa kanya! May iba siyang girls! Wala siyang kuwenta, walang modo," natatawang dayalog ni Kim, na sweet pa rin ang dating at hindi nagtataray o nagmamaasim.
Kaya ba careful na siya ngayon with Gerald, dahil na-‘trauma’ siya sa kanyang first BF?
"Oo. Kasi, sabi ng mga kaibigan ko at nabasa ko rin sa Internet, kailangan daw matagal ang ligawan. Kasi, doon mo malalaman kung mahal ka talaga. Kung mabilis mo lang siyang sinagot, ibig sabihin, parang pinaglalaruan ka lang niya," pakli ng 17-anyos na bagets.
***
May isang taon na silang magka-loveteam ni Gerald. Kelan nag-umpisang manligaw sa kanya ang binata?
"Ewan ko, eh! Hindi ko alam kung kelan siya nagsimula, eh!" sagot ni Kim.
Nanliligaw ba talaga o baka naman ni hindi nagpaparamdam si Gerald na type siya nito?
"Nagpaparamdam naman siya. Like ‘pag nagpupunta siya sa mall at may nakikita siyang anything na color pink na favorite ko, binibili niya para sa akin."
Sa tagal nilang magkapareha, dapat may relasyon na silang dalawa ngayon, di ba?
"Hindi naman po porke gano’n, dapat maging kami na. ‘Pag willing po siyang maghintay, darating din ‘yung right time…"
Hindi naman kaya silang dalawa na, inililihim lang nila?
"Hindi po, wala po kaming aaminin. Pero sobrang maalaga po si Gerald, mabait at saka gentleman."
Nasa 8 to 9 ang rating na ibinigay ni Kim sa posibilidad na sagutin niya si Gerald. So, ibig sabihin, konting-konti na lang, sasagutin na niya ito?
"Hindi pa po, matagal pa po ‘yon! Ha! Ha! Ha!"
Masasaktan ba siya ‘pag nalaman niyang may ibang bebot na pinopormahan si Gerald?
"Open naman po kami, eh! Wala kaming usapan na hindi pwedeng manligaw o magpaligaw. Pero siyempre, medyo mahe-hurt po ako ‘pag nanligaw siya ng iba. Medyo may selosan factor din po, kasi isang taon na kaming magkasama palagi, eh! Pero desisyon na niya po ‘yon."
Paano kung mainip si Gerald at hindi na makapaghintay at maghanap ng ibang magiging syota?
"Wala po. Eh di, maghihintay na lang ulit ako ng newcomer! Joke!! Ha! Ha! Ha!" naniningkit ang mga matang tawa ni Kim Chiu.
***
Halatang pinraktis na si Gerald Anderson ang isasagot niya sa entertainment press na patuloy na nangungulit kung sila na ba ng kalabtim niyang si Kim Chiu.
"Ayaw ko pong sabihing we’re just friends, kasi pagod na kayong marinig ‘yon. We’re not yet at that point na kami na, pero nasa level kami na nami-miss ko si Kim ‘pag hindi ko siya nakikita or hindi siya nagti-text," dayalog ng 18-anyos na Fil-Am bagets.
Swit-switan din ang hirit ni Gerald para kay Kim na, "Mahal na mahal ko po siya. I’m willing to wait. Alam niyang nandito lang ako para sa kanya."
First time daw nilang magkakaroon ng kissing scene ni Kim sa nasabing teen-romance flick na directorial debut ni Direk Lino Cayetano.
Akala raw nila ay dyinu-joke lang sila ni direk, ‘yun pala ay totoong magki-kiss sila. Wala raw silang nagawang anumang preparasyon dahil sa gitna ng bukid naganap ang kanilang halikan sa movie.
Ibang-iba raw sa unang pelikula nilang First Day High ang I’ve Fallen for You dahil hindi lang sila nagpapakyut at nagpapa-tweetums dito kundi ipinakikita nila ang mga tunay na problemang pinagdaraanan ng mga kabataang Pinoy ngayon.
May premiere night ang I’ve Fallen for You sa Cebu sa Setyembre 24 at sa SM Megamall sa Setyembre 25. Sa Setyembre 26 ang showing nito nationwide.
Kim: "It's not yet the right time to fall for Gerald."
Nora Calderon
www.pep.ph
Medyo nanlalamig at excited ang young actress na si Kim Chiu nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng I've Fallen For You ng Star Cinema sa 9501 restaurant ng ABS-CBN kahapon, August 31. Kahit sa September 26 pa raw ang playdate ng movie—na first movie directorial job din ni Lino Cayetano—may nervous factor na raw kay Kim dahil ibang-iba ito sa first movie nila ng ka-loveteam na si Gerald Anderson na First Day High.
Mas seryoso raw kasi ang tema nito at mga mahuhusay na artista ang mga kasama nila, gaya nina Albert Martinez, Chin Chin Gutierrez, Lotlot de Leon, at Lloyd Samartino.
Tulad ng title ng movie nila, nag-fall in love na ba talaga si Kim kay Gerald?
"Wala pa naman pong ganun. Pero siguro po dahil more than a year na rin kaming magkasama, naging very comfortable na po ako sa kanya," nakangiting sagot ni Kim.
"Saka maalaga at maalalahanin po si Gerald. Kapag nagpupunta po ‘yan sa mall at may nakita siya dun na something pink, na favorite color ko, binibili po niya at ibinibigay sa akin."
Hindi raw alam ni Kim kung kailan nagsimulang manligaw sa kanya si Gerald. Pero sa tanong kung kailan ba sila aaming dalawa, natawa si Kim.
"Wala pa naman po talaga kaming aaminin," sabi ni Kim. "Ayoko pong magsinungaling. Siguro po mayroon na rin akong feelings, pero hindi pa ito ang right time. Kung makapaghihintay pa siya, marami pa kasi akong gustong tuparing mga pangarap. Basta happy po akong kasama siya."
Ano ba ang mga dreams niyang gustong matupad?
"Sa ngayon po kasi, ako talaga ang breadwinner sa family ko at tatlong kapatid ko ang pinag-aaral ko. Ayoko na pong i-depend sila sa mga auntie ko. Yung isa nasa college, isang nasa high school, at ang youngest namin, sa elementary naman. Nasa Cebu po silang lahat at kapag may okasyon, sila na lang ang pinapupunta ko rito.
"Si Daddy po ang kasama ko sa bahay sa Xavierville. Umalis na po kami sa condo unit sa Cubao, maliit na po para sa amin. Hindi pa rin po ako tapos ng high school, pero gusto ko pong matapos din ‘yon kapag puwede na ang schedule ko," lahad ng Pinoy Big Brother Teen Edition winner.
Paano kung hindi makahintay si Gerald at manligaw sa iba, magseselos ba siya?
"Siyempre po, mahe-hurt ako," pag-amin niya. "Pero desisyon niya po ‘yon, wala po akong magagawa. Yes, kung minsan po nagseselos din ako kapag may nakikita akong may mga girls na pinupuntahan at kinakausap siya, kaya hindi ko naman po siya kinakausap. Pero sandali lang po ‘yon, kinakausap ko na rin siya after a while."
May intrigang pumupunta raw siya sa bahay ni Gerald kahit madaling-araw. Totoo ba ito?
"Minsan lang po akong pumunta sa bahay niya, pero kasama ko po ang Daddy ko. Tiningnan lang namin ang bahay niya sa may Tandang Sora dahil kalilipat lang niya dun at hindi po madaling-araw ‘yon. Ano po naman ang gagawin ko sa bahay niya ng madaling-araw, ipagluluto ko siya ng breakfast?" natatawang wika ni Kim.
Inamin din ni Kim na okay sila ng Mommy Vangie ni Gerald at okay rin daw si Gerald sa Daddy niya. Ang payo lang ng kanilang mga magulang ay pag-ayusin nila ang trabaho nila.
Sa hiwalay na interview ay inamin ni Gerald na isang araw lamang hindi siya maka-receive ng text from Kim, nami-miss na niya ito. Si Kim ba ay ganun din kay Gerald?
"Hindi na po kailangang mag-text. Halos araw-araw po naman kaming magkasama," sagot naman ni Kim bilang pangwakas.
Showbiz
Veronica R. Samio
www.philstar.com
Marami ang curious kung bakit parehong Alex Reyes ang pangalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa I’ve Fallen For You, first film project ni Director Lino Cayetano. Ito ang mystery na matutuklasan sa pelikula tungkol sa young love na marami ang kilig pero bibigyan ng seryosong atake at nilagyan ng family values ng direktor.
Kasama sa movie sina Albert Martinez bilang ama ni Kim at si Chinchin Gutierrez na ina naman ni Gerald.
Makikita sa movie ang first screen kiss ng tinatayang pinaka-popular na loveteam sa bansa. Mapapanood ang I’v e Fallen For You sa Sept. 26.
Comments (0)
Post a Comment