Posted on :
Friday, May 08, 2009
| By :
shapap
| In :
Article
Fan ni Gerald nag-aambisyong maging Pangulo ng Pilipinas
Chan-Chan Torres ( Journal Online ) 05.08.09
Nagkaroon kami ng pagkakataong makilala at makausap si Defense Secretary Gilbert Teodoro. Balita rin kasing isa si Sec. Teodoro sa napipisil ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo na tumakbo bilang Pangulo ng bansa sa 2010 elections.Hindi pa man kumpirmado ang umano’y pagtakbo ni Sec. Teodoro, tinanong na agad namin siya nu’ng humarap siya sa ilang members of the entertainment press kung tuloy na ba ang desisyon niya to go a step higher in politics. “Wala pa namang pormal na plano o anuman, basta ang sa akin, I will be joining a convention at kung sino ang mapipili sa amin, ‘yun ang aming susuportahan,”aniya. Napag-alaman naming lawyer by profession si Sec. Teodoro at naging congressman din siya ng Tarlac bago siya naging Secretary of National Defense. Balita rin na silang dalawa ni VP Noli de Castro ang pinagpipilian na maging kandidato ng administrasyon.Tinanong namin si Sec. Teodoro, if ever, si Kabayan Noli ang palaring maging kandidato ng administrasyon for the Presidential race, papayag ba siyang tumakbo bilang bise nito? “Titingnan natin kung ano ang kalalabasan ng convention,” simpleng pahayag nito. Dagdag pa ni Sec. Teodoro, okey ang samahan nila ni VP De Castro at sinabi pa niyang maayos ang naibibigay na tulong ng VP sa housing projects dahil ito nga ang expertise ni Kabayan. Siya naman daw ay sa national security ang expertise. Kamag-anak din pala ni Sec. Teodoro sina Rep. Noynoy Aquino at Kris Aquino. Pinsang-buo ng ina niya si former Pres. Cory Aquino at kapatid ni Danding Cojuangco ang ina niya. He was honest enough in saying naman na matagal na panahon ding hindi nagkasundo ang mga pamilya nila at ngayon lang sila naging okey. Sa tanong kung susuportahan ba siya ng kanyang mga kamag-anak, aniya: “Lahat ng tulong ay welcome.” Pero kung hindi ay okey lang din sa kanya.
Pang-showbiz na rin si Sec Teodoro nang nagkaroon siya ng first ever TV appearance sa Tayong Dalawa kasama si Gerald Anderson.
“Ako ‘yung nagsabit ng medalya kay Gerald sa Military School.”
Hanga si Sec. Teodoro kay Gerald.
Mabait na bata raw ang aktor at hindi mayabang ang dating.
Si Gerald pa raw ang unang bumati sa kanya nu’ng magkita sila sa Air Force nang mag-taping doon ang Tayong dalawa.
So, si Gerald ba ang isa sa magiging endorsers niya kung sakali?
“Lahat ng puwedeng tumulong, tatanggapin ko.”
Comments (0)
Post a Comment