Article

3

Posted on : Saturday, May 30, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson confides he and Kim have gone beyond "M.U."
Rose Garcia ( PEP ) 05.30.09
There's no doubt, one of the most successful teen love teams of this generation is a product of the Pinoy Big Brother Teen Edition—Gerald Anderson and Kim Chiu. In fact, sa kasalukuyan nilang primetime series, ang Tayong Dalawa, both have proved na hindi lang sila sa mga pa-cute-cute roles puwedeng isabak.

Yun nga lang, hindi pa man nagtatapos ang Tayong Dalawa and in fact, mag-e-extend pa nga ito nang matagal-tagal, pero marami na ang nagtatanong kay Gerald during the presscon and thanksgiving party of the show kung may kasunod pa rin ba silang team-up ni Kim, now that, there are rumors na sila naman ni Sarah Geronimo ang ipe-pair.

As for Gerald, "Wala pa naman... hindi pa naman confirm. At saka, wala namang nag-offer sa amin nang official. Ano lang, talagang ganito lang, tsismis lang talaga. It's very, very overwhelming talaga, pero, I don't know... masaya ako who I am now, whom I'm working with."


Saan nga ba siya mas excited sa ngayon, ang makapareha rin si Sarah or ang magtuloy-tuloy pa sana ang love team nila ni Kim?

"Ako naman, okey naman ako. Kung ano ang gusto ng ABS-CBN. Kung gusto nila akong i-pair sa iba. Kung gusto nilang i-pair si Kim sa iba, wala na kaming magagawa. Tingin ko, after three years, handa na rin kami ni Kim dahil marami na rin kaming pinagdaanan.

"Pero yun nga, I'm very comfortable with Kim and I would love to have more projects na kasama siya."

KIM STILL CALLS.
Sa ngayon, bihira na raw silang magkita ni Kim lalo pa nga't hindi sila ang madalas na nagkakasama ngayon sa mga eksena sa Tayong Dalawa.

"Hindi naman nawawala ang communication. Trust me! Hindi talaga," natatawang sabi niya. "Although, sobrang bihira yung makalabas kami, kung may time lang. Pero yun nga, kung mapapansin n'yo, lately, nasa hospital lang ako. Siya, mas marami siyang scene with Jake. Minsan may days na wala akong taping, sila meron."

Pero tinatawagan niya si Kim?

"Of course! Araw-araw! As in, araw-araw talaga! Morning, lunch, dinner at pati midnight break! Siyempre, sanay ako sa mga break namin sa taping."

At this point, kaya na ba niyang i-define kung ano talaga ang meron sa kanilang dalawa ni Kim?

READY TO COMMIT. "Gusto ko ngang sabihin na lampas na kami sa M.U. (mutual understanding)," nakangiti niyang sabi.


So, ano't hindi niya masabi?

"Kasi, hindi pa... wala pa yung commitment sa isa't-isa. Yung talagang bawal mag-date. Wala pa sa amin yun. Siyempre, yung mga ganoong bagay naman, kay Kim na yun puwedeng manggaling. Like I've said, handa na ko, e."

At this point, masasabi na ba niyang na-establish na rin siya bilang isang actor talaga, especially with what he is showing in Tayong Dalawa, na kahit wala na ang love team, kaya na niya?

"Well, dahil sa Tayong Dalawa, mas naa-appreciate ako ng mga tao with my acting skills. Kung wala na kami ni Kim after this, at least we were able to make Tayong Dalawa na acting skill at naging big hit."


TWO DAVIDS. How does he feel na palaging may comparison sa isa pang David Garcia sa show, si Jake Cuenca at siya?

"E, hindi maiiwasan yun. Dalawa kaming lalaki na magkasama sa isang show at isang babae lang ang pinag-aagawan namin, so, talagang hindi maiiwasan yun."

May pressure ba sa kanya yung comparison?

"Hindi naman pressure, pero, hindi naman ako kumbaga, we both do our part. Talagang bigay na bigay namin yung sarili namin. Lahat, talagang focus kami sa show. And I'm happy na si Jake yung isang lalaki na kasama namin."

Marami na ang nag-e-expect, especially the Kimerald fans na ang ending pa rin ng Tayong Dalawa ay silang dalawa ni Kim ang magkakatuluyan. If ever kaya na si Kim ay si Jake talaga ang makatuluyan, sasama ba ang loob niya?

"Sasama ba ang loob ko? Well, basta kumbaga, close siya sa istorya at hindi nasira yung istorya dahil du'n. Kasi ako, kumbaga, ako, gusto ko, anything goes for the show. Kung yun ang makakaganda sa show namin, e, di okey."

Lastly, ano nga ba ang masasabi niyang mga nabago sa kanya ng Tayong Dalawa?

"Marami... marami... sa tingin ko, as an actor, I've matured. Mas marami na akong alam tungkol sa craft ko. As a person, mas aware ako, mas professional, mas focus. Kasi, yung mga kasamahan namin dito, you have to be focus."

Comments (3)

i love you gerald, very big improvement talaga kay gerald and with kim also they are booth getting into mature rule pero pakonti konti lang kasi nasa stage teenage teens pa talaga kayong dalawa...as i've seen to gerald he had a lots of improvements esp. in acting skills. Go gerald we love you pls. continue doing nice things i know you have many many project to come... goodluck to kim and gerald

ge,you must make a lot of projects with kim coz theres a lot of people likes to both of you.if they pair you to the different lady, fans and televiewers gonna be affected.for example you been loveteam for a long time and then suddenly you and kim they seperated you ,of course the fans and televiewers saying well if its not kim to be work with gerald; bakit nagsasayang pa akong magbayad ng TFC-ABS-CBN,EH WALA NAMAN NA YONG paborito namin.so all here in different countries in the US,LAS VEGAS,CHICAGO DUBAI ETC.aalisin na ang TFC,SO magiging wala na ang malaking ratings ng abs-cbn baka ang magiging malaki ang ratings eh baka sa ibang channel na.sinasabi ko lang ang totoo.

I agree!!! You know,Ge, you should make lots of movies with Kim this time dahil ang daming fans ninyo dito sa Canada/US etc. Kung bubuwagin kayo, siguro hindi na kami manonood. Siguro with Kim and another leading man manonood pa rin kami kasi mas paborito namin siya. But you and another girl no way... Kaya ingatan mo ang loveteam ninyo dahil patok na patok. Patabain mo naman si Kim. Siguro ikaw ang dahilan na payat na payat siya. I inspire mo na kumain ng marami. Siguro nakunsumisyon yan sa iyo. Sana hindi ka Chickboy. He! He!
ABS alagaan ninyong mabuti si Kim dahil maraming fans dito sa abroad!!! or else baka bumaba ang sales ng TFC dito.
tfc/Canada

Post a Comment