Article

7

Posted on : Wednesday, February 03, 2010 | By : shapap | In :

Kim Chiu: ‘Di raw dapat pagtapatin ang Kimerald at Alkris!
by Ruben Marasigan ( PinoyParazzi ) 02.03.10
Gaya ng inaasahan, pumatok sa takilya ang Paano Na Kaya na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Naka-12 million ito on its first day, nag-40 million sa ikaapat na araw, at patuloy pang pinipilahan ng moviegoers habang palabas pa sa mga sinehan nationwide.

Siyempre pa, masaya at very thankful ang hottest at most bankable loveteam ng bansa sa kasalukuyan. Si Kim nga, natutuwa sa tagumpay ng ikaapat nilang pagtatambal na iyon ni Gerald sa pelikula dahil sa lahat umano ng efforts na ginagawa nila ay nabigyan ito ng gano’n kagandang sukli.

Ang Kung Tayo’y Magkakalayo, bagong serye naman nila sa ABS-CBN, ay mataas din ang rating. ‘Ika nga, back to back ang tandem nila both sa TV at sa pelikula.

“Wow… oo nga. Kaya nga linggo-linggo nagsisimba na talaga kami,” ani Kim last time na nakakuwentuhan namin siya sa ASAP. “Kailangan talaga nating magsimba dahil kung hindi, baka maputol ‘yong gano’ng blessings, ‘di ba?”

Sa pamamayagpag ng team-up nila ni Gerald na pambato ng ABS-CBN, sinasabing ang GMA-7 naman, sinisikap i-push nang husto ang loveteam naman nina Kris Bernal at Aljur Abrenica na ipangtapat sa kanila. Any comment on this lalo’t marami ang nagsasabi na parang no match naman daw?

“Naku… kami, nagpapasalamat lang kami dahil ang dami naming supporters. ‘Yong mga Kimerald, dumarami sila. Meron na naman ngang bagong group ngayon, eh, ang Solid Kimerald.

“Dumarami sila, dumarami rin ang inspirasyon namin. Hindi namin iniisip na may kakumpitensiya o may kalaban kami na magka-loveteam din, ganyan.

“Siyempre, ibang network ang GMA. Kailangan din nila ng loveteam na ganyan-ganyan. Pero hindi naman dapat itapat dahil iba naman ‘yong sila at kami.”

Kung sabagay, mukhang ang layo naman nga ng agwat nila ng tandem nina Kris at Aljur. Hindi magka-level, gano’n?

“Hindi naman malayo. Nauna lang kami sa kanila. Pero mararating din nila iyon. At saka marami rin namang followers sina Aljur at Kris. Nu’ng Bench fashion show, sinisigawan naman sila ng mga tao. May fans din sila.

“Kinu-compare kami? Hindi naman talaga mawawala ‘yang ganyan sa showbiz. Basta gawin mo lang ‘yong best mo. At suportahan ka lang ng mga tao, masaya ka na ro’n.”

Sa naririnig naming comparison, kahit sikat na, pareho lang daw sila ni Gerald na humble pa rin at hindi nagbabago. Samantalang ito umanong sina Kris at Aljur, nagsilakihan na raw agad ang ang ulo?

“Hindi ko alam!” Napabungisngis na reaksiyon ni Kim. “Hindi ko pa nga sila nami-meet, eh. Ah… si Aljur, na-meet ko na pala.”

Napagkukumpara rin ang drama nila off-camera. Sila kasi ni Gerald, on and off cam, talagang sweet sa isa’t isa. Samantalang sina Aljur at Kris, may mga nakapupunang kapag wala na sa harap ng camera ay parang very cold at tila may lihim na alitan or something daw?

Napabungisngis ulit si Kim. Lalo na sa sinabi naming it can’t be doubted na genuine talaga ang sweetness nila ni Gerald sa isa’t isa.

“Oo naman. Kasi sa PBB Teen pa lang, ‘di ba? Ang tagal na naming nagkasama.”

Kutob nga ng iba, mag-on na nga sila dangan at ayaw lang daw nila sigurong umamin sa takot na mawala ang excitement ng fans sa loveteam nila.

“Hindi naman namin iniisip iyon. Kahit naman anong gawin namin, kapag kami, aaminin talaga namin. Pero masaya na kami sa ganito. Lahat naman ng kuwento buhay namin, ikinukuwento na namin. ‘Eto, sinasabi na rin namin na mag-MU kami.”

May kinakikiligan pa ba siyang ibang guy bukod kay Gerald?

“Si Jericho (Rosales). At saka si Robin Padilla pala.”

Okey raw kay Kim if ever na magkaroon ng offer to do a movie with Echo or Binoe.

Kaya lang, si Robin, ‘di ba may image na kilabot ng kanyang mga nakakapareha. Lahat ng nagiging leading lady nito, pinupormahan daw ng action star?

“Ang bata-bata ko naman. Siyempre hindi na niya ako papatulan. Ha-ha-ha!”

Malapit na nga pala ang Valentine’s day. May date sila ni Gerald for sure.

“Wala. Kasi may show ako, eh. At meron din siyang mall show.”

So, post Valentine na ang date nila?

“Puwede namang araw-arawin ang Valentine’s day, eh.”

‘Yon na!

Comments (7)

Coming from a beautiful lady inside and out, and a successful one at that... how can you not love & admire her more? She's so humble & kindhearted. You always make us proud KIMMY & also GERALD. Mabuhay ang lahi ninyo.

talagah kac.....lilitaw naman nah kimerald nag mnanalo noh.......

THERE IS NO COMPARISON BETWEEN THE TWO.. KIMERALD HAS GONE A VERY LONG WAY IN TERMS OF ACHIEVEMENT AS A LOVETEAM..

chaka naman nila aljur at kris!

KIMERALD are far better than aljur.. aljur can't be compaired to KIMERALD..

Kris imburnal has the nerve to compare their lousy tv show to Kim and Gerald by saying that the Manila rating theyre higher. Hello; Don't you know that the one doing the Manila rating is being paid by GMA. She got the nerve to say that their rating is higher although Kim and Gerald show is star studded. She better not to be air headed or she'll be picked up in imburnal. She has'nt prove anything yet . Doesnt she remember that their movie was a flop.

uu dpt kc tlgnf mas magaling n ke0 dun ala ng tatal0 sa iny0 i luv u very much KIMERALD . ! g0 g0 g0

Post a Comment