Article

7

Posted on : Wednesday, February 03, 2010 | By : shapap | In :

Kim Chiu insists Gerald Anderson is not yet her "dyowa"
by Rommel Placente ( PeP ) 02.03.10
Muling pinatunayan nina Kim Chiu at Gerald Anderson ang lakas ng tambalan nila dahil malakas sa takilya ang latest movie nila mula sa Star Cinema, Paano Na Kaya?. Ayon sa Star Cinema, kumita raw ng P12 million ang pelikula ng dalawa sa first day pa lang nito.

Masaya siyempre si Kim sa tagumpay ng pelikula nila ni Gerald.

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng nanood ng movie namin ni Gerald, lalo na sa Kimeralds [fan club]. Masaya ako dahil sa lahat ng efforts na ginagawa namin ay nabibigyan siya ng sukli. Natutuwa kami sa reaction ng mga tao," sabi ni Kim nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, January 31, pagkatapos ng ASAP XV.

Sikat na nga ang loveteam nina Kim at Gerald. Halos lahat ng proyektong kanilang ginagawa ay nagiging tagumpay. Ang huling serye na ginawa nila sa ABS-CBN, Tayong Dalawa, ay naging matagumpay rin noong nasa ere pa ito. Maganda rin ang pagtanggap ng mga manonood sa bago nilang primetime series na Kung Tayo'y Magkakalayo. Dahil dito, may mga nagsasabing naka-"three in a row" na raw sina Kim at Gerald.

Ano ang masasabi ni Kim tungkol dito?

"Oo nga, e. Kaya nga linggo-linggo ay nagsisimba na talaga kami ni Gerald. Kailangan na talaga naming magsimba dahil naku, baka..." tawa ni Kim, na ang ibig sabihin ay baka bawiin ang kung anumang biyayang tinatanggap nila ngayon.

Masasabi ba niya na narating na ng loveteam nila ang peak ng kasikatan?

"Hindi po! Hindi!" mariing sagot niya. "Pero thankful na ako sa lahat ng nangyayari sa loveteam namin. Kuntento na rin ako sa naabot namin ngayon. Pero siyempre, hindi ko pa rin masasabi na ito na ang pinaka-the best. Alam namin na mayroon pang darating na mas sa aming dalawa."

KIMERALD VS. ALKRIS. Kung sa ABS-CBN ay ang loveteam nina Kim at Gerald ang itinuturing na pinakasikat na tambalan. Sa GMA-7 naman ay ang loveteam nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang sinasabing pinakasikat at itinatapat sa kanila. Ano ang masasabi ni Kim?

"Kami, nagpapasalamat na lang dahil ang dami naming supporters, like mga Kimeralds. Dumarami nga sila ngayon, e. May bagong grupo nga ngayon, e, solid Kimeralds. Dumarami ang inspirasyon namin. Hindi namin iniisip na may kumpitensiya, may kalaban kami na loveteam, ganoon," saad niya.

Pero may nagsasabi na malayo na ang agwat ng loveteam nila ni Gerald kunpara sa tambalan nina Aljur at Kris kung kasikatan lang din ang pag-uusapan. Sang-ayon ba si Kim dito?

"Hindi naman malayo," sabi niya. "Nauna lang kami sa kanila. Pero mararating din nila yun. Marami rin naman silang followers, di ba? Dun nga sa Bench fashion show, sinisigawan sila."

Parehong galing sa reality shows ang apat na young stars. Sina Kim at Gerald ay galing sa unang season ng Pinoy Big Brother Teen Edition samantalang sina Aljur at Kris naman ay mga produkto ng StarStruck 4.

MORE THAN MU? Kapwa umamin sina Kim at Gerald na may mutual understanding na sila. Pero marami pa rin ang nagdududa na hindi lang sila basta mag-MU. May commitment na raw sila, pero ayaw lang daw nilang umamin dahil baka mawalan ng excitement sa kanila ang kanilang fans.

"Hindi naman. Hindi naman namin iniisip yun," tanggi ni Kim. "Kahit naman iba-iba ang gawin namin, pag kami, sasabihin naman namin. Pero masaya naman kami sa ganito. Lahat naman ng kuwento ng buhay namin ikinukuwento na namin sa lahat. Eto, sinasabi na rin namin na mag-MU kami, ganyan, ganyan."

Di ba, pag sinabing may mutual undestanding na, ang ibig sabihin ay parang sila na rin?

"Parang ganoon," pagsang-ayon ni Kim. "Pero walang kung anuman. Walang commitment. Wala sa amin yung, 'Oy, dyowa ko na yun, bawal mo na siyang ganyanan.' Tapos yung pagbabawalan ka, 'Uy, bawal pumunta sa ganito, ganyan, hindi puwede. Bawal sumama kay ganyan kasi hindi puwede.' Di ba, ganun naman talaga ang mag-dyowa? Kami ni Gerald, hindi kami ganoon kasi hindi nga kami mag-dyowa."

So, puwede pang tumingin o manligaw sa ibang babae si Gerald?

"Oo naman. Choice naman niya yun, e," sagot ni Kim.

Pero aminado naman si Kim na kung manliligaw sa iba si Gerald ay malulungkot siya. "Pero bahala na siya," sambit niya.

Puwede pa ba siyang tumanggap ng ibang manliligaw?

"Oo naman," sagot ni Kim.

Pero mahal ba niya si Gerald?

"Espesyal sa akin si Gerald. Sa lahat ng mga kaibigan kong lalake dito sa showbiz, siya ang pinaka-the-best," sabi ni Kim.

Kung sakaling ready na siya ulit makipag-boyfriend, masasabi ba niyang si Gerald na ito?

"Kung makakapaghintay pa siya ng matagal na matagal. Sabi naman niya maghihintay siya, di ba?"

Comments (7)

Theirs is different from all other relationships. It is unique in every way. Gerald is very vocal about his love towards Kim. Kim admitted that she also loves Gerald but their priority right now is their career. But, what's so interesting is, they can handle their career and their special MU at the same time. What they have is an "unconditional love" which is the greatest.

i like the way they handle this persistent/nagging question from the press.kahit kailan sila tanungin ito palagi ang unang tanong kung mag-on, mag-dyowa na sila. tama lang ang isinasagot nila and mind you , very consistent ,that is no admition just keep them guessing. what they really have is just between the two of them period. nakakasawa at nakakainis na itong mga tanong na ito and I so admire the patience that these two shows evrytime. Kahit naiirita na sila they always answer politely and with a smile on their face. I just wish the reporters just leave them be. Hintayin na lang nila when they know is the right time dahil sila lang dalawa ang nakakaalam. We the fans, respect that kasi what we see is enough for us. For us KIMERALD itself is "LOVE".

Can't you read between the lines.....their moves is so electrifying,
their eyes is so captivating....it's a unique kilig moments talaga!!!
their's is incomparable to other loveteams (trying hard!), iba talaga
ang dating ng KImerald...God bless them always...

We don't need confirmation, as what Direk Ruel said, what is important is the LOVE they had for each other.As long as we see them taking care of each other on-cam or off-cam, its enough, give them the privacy they want, they are also human being like us. I can feel the sincerity of Gerald even at that age, very gentleman and he really protects KIMMY. As KIM said Gerald will be waiting for her until she is ready to commit, after that we will expect for their wedding. I can see them, really in love to each other. Hope and pray that they will stick to each other until the end, so all the fans around the world will be happy. God Bless KImerald !!!!!

Basta 4 me what i see in them is proof enough na they really luv & care 4 each other. Just what GE is always telling what u see s what u get, tama yun.

For me, as long as they have the love & care between them and they bring out the best in each other, that's more than what we need to know. For Kim specially, she's heeding the advice of her Papa and her Ate, Gerald's Mom, Direk Lauren and those who love them, not to get into a serious relationship at this time. To just enjoy what they have and achieve their dreams together.

Kim is scared that a commitment might get in the way in their career. Pag may away nga naman, siguradong maaapektuhan sila. Look at Rachelle Go & Gab, Anne & Sam, Shaina & John Pratts at marami pang iba. Pero sila, almost 4 years na subalit lalong nagiging matatag at lumalalim ang pagmamahalan at respeto sa isa't isa. Sila ay kakaiba sa lahat dahil sila ay pinagtagpo ng panahon.

Post a Comment