Article

14

Posted on : Saturday, February 06, 2010 | By : shapap | In :

Kim Chiu denies that she and Kris Aquino pick on Coco Martin
by Bernie Franco ( ABS-CBN.com ) 02.06.10
Ikinagulat ni Kim Chiu ang tsismis na nilait umano nila ni Kris Aquino ang Kung Tayo’y Magkakalayo co-star nilang si Coco Martin. Ti-next umano sila ng kanilang kasamahan sa trabaho tungkol sa nasabing balita kaya nila ito nalaman. “Sabi namin kay Coco, ‘Inaapi ka ba namin? Aminin mo, aminin mo,’” kuwento ni Kim na natatawa. “Sabi niya (Coco), ‘Hindi naman, hindi naman, ano ka ba?’ Sobrang close kami ni Coco sa set. Hindi ko alam kung bakit. Paano naman ako mang-aapi ng Coco Martin, hello? Parang teka lang hindi naman yata totoo ‘yan.”

Hindi naman umano sila sobrang naapektuhan pero inaming hindi nila nagustuhan ang isinulat. Nang tanungin kung anong mensahe ang nais niyang sabihin sa naninira sa kanila, sagot ni Kim, “Chill na lang siya. Huwag na lang siya mangialam ng iba. Tsaka sana huwag na lang maggawa ng kuwento. Hindi naman makatotohanan, hello!”

Depensa pa ni Kim, kung lalaitin man niya si Coco ay dapat noon pa niya ginawa ito dahil dati na silang magkatrabaho sa isang teleserye. “Tayong Dalawa pa lang magkabarkada na kami. Sana doon pa lang nilait ko na siya ‘di ba?”

Ani Kim sobrang malapit nilang magkaibigan ni Coco dahil nga sa Tayong Dalawa ay magkatrabaho na sila. At ngayon sa Kung Tayo’y Magkakalayo ay sinikap talaga nilang maging malapit upang sa gayon ay hindi maging pilit ang kanilang acting. “Kailangan naming maging close sa isa’t-isa para sa pag-arte namin parang natural na lang siya.” Ayon pa nga sa aktres, wala siyang karapatan para manlait. “‘Yun wala namang nangyaring panlalait. Bakit ko siya lalaitin, ilan ba ang awards ko sa awards niya. Wala talaga. All praise naman kami kay Coco,” pagtatapos niya.

Comments (14)

KNOWING KIM, NEVER WILL SHE DO SOMETHING LIKE THAT TO ANYBODY!!!!!
SHE IS WELL LIKED BY EVERYBODY IN THE SHOWBIZ FOR BEING KIND AND
FRIENDLY!!!!GOD BLESS HER!!!!

We all know that there's no truth to that gossip!!! Kim and Kris are respecting their co showbiz. Kimerald is very hot and very popular that's why people are trying to find things to bring down Gerald or Kim. People are trying to drag Kris down because of her very vocal support of Kimerald. Specially when someone is trying to love triangle with Kimerald. Kris without hesitation she express her 100% support of Kimerald.

well whoever make this issue about KIM pick Coco was only jealous coz KTM is number one, mga tao na may kanya kanyang idol or manager or reporter na gusto silang down. LORD knows the truth nagkakasala ka pa kung nag acused ka ng tao na di naman totoo, look at ur speck first before u look onto to others. Baka sa mga liars at pang aapi kila KIM ay binabalikan sila ng mga panlalait di iyan biro pag kilaban mo ang LORD. GOD fearing sila KG at chosen ones pag harm mo sila then bahala na sa iyo si LORD. Look all those people nilalait sila binalikan talaga and Im sorry kung may mga tinatamaan si LORD sa puso natin tumitingin . HAPPINESS IS THE BEST MEDICINE IN OUR HEARTS AND MIND.KUNG GUSTO MO MA BLESS.

may mga tao talaga na KSP kaya walang magawang mabuti. Sino ang maniniwala sa ganito lalo pa sa dalawng ito (Kim & Gerald)sila nga itong palaging pinupuntirya eh pero never kang nakarinig nang masang salita sa kanilang dalawa. Marami talagang naiinggit kasi lahat nang makasama/makatrabaho nila ay nagiging friend nila. For Kim and Gerald "wala atang masamang tinapay sa dalawang batang ito kahit anong paninira at insulto ang gawin sa kanila" kaya naman walang patid ang blessings na dumarating sa buhay nila. Hindi ako nagkamali na hangaan at mahalin sila and mind you ha 51 yrs. old na and I have never admired a loveteam such as these two. You could see how Coco and Kim that they are really comfortable kaya bagay silang magkapatid. Kaya sana naman 2010 na po magbago naman kayo nang ugali . Kung wala kayong magang sasabihin eh keep quiet na lang at huwag nang mangdamay at gumawa nang gulo. Si Ms. Kris naman, you know naman pag may galit , tampo siya sa isang tao she's so honest and frank to say it and even tell that person face to face at hindi na niya kailangan pa ang intriga ano kaya naman I so admire her too. Hindi din siya plastik pag di ka niya type talagang totoo yon ano.Siguro itong KSP na ito idinamay siya eh tumatawa lang siya at umiiling.

We know KIM, she's very humble and friendly to everybody,she has the personality, that everybody will love her as a housemate, daughter, friend, girl-friend etc... since she enter the PBBTE 2006, she has never changed,even to Sandara before,other girls link to Gerald, she's friendly, her attitude towards life is very positive, even when intrigues come along, she can manage it.That's why with her situation in life God send somebody like Gerald who will be there to take care of her and love her unconditionally, in the absence of her MOM,even her co-stars like Jake witnessed how Gerald is really in love with her. Her life is really different compared to her friends (Melissa, Erich etc.... ) That made me admired this girl more. She is a girl who is true to herself and who put her career as her priority . Look at Ms. Kris,the MOM OF GERALD how They loved KIMMY and protect her, even us, me Im a MOM, I really like her. Guys, My prayers for both of you, stay humble we will be here to support you.

Tama ang lahat na sinabi niyo, hindi marunong manlait si KIm and Gerald.Hindi marunong magalit si Kim and Gerald.Kaya nga millions of fans ay humahanga sa kanila firstly dahil sa ugali nila na very admirable at bihira mong makikita sa mga kaedad nila.
Kung sino man ang nag umpisa ng mga intrigang ito, a y naku bakit nakayanan mo pang manira?
Knowing Kris napakavocal hindi yun ang tipo na magsasalita ng patraidor. Haharapin ka niya gayang pagharap niya ng lahat na pagsubok sa buhay niya. So mga Kimeralds, this is a black propaganda for Kim and Kris. Huwag na huwag kaagad maniwala. Kawawa naman si Kim, palagi lang nilalait. Tingnan mo,kahit na in front of her, parang iniinsulto ang physical make niya,yet pasmile smile lang.Naku, Kim do not allow intrigues to affect you. Kaya nga humahanga kami sa iyo dahil sa magandang ugali mo. Hayaan mo na lang ang mga yun.Anyway you are so blessed!

Tingnan mo ha,sino ba ang mga gumawa ng nega sa kanya? Si JLC dahil in tv naggesture siya ng hindi maganda kay Kim yet friends sila at magkasama as hosts sa ASAP. Si Alex yet they remain as friends. Si Erich na may issue sa kanila, still Kim said in one of the interviews na they are wishing each other good luck. Si Kuya Germs na nasaktan at first dahil hindi sila ni Gerald umakyat ng stage, yet makita mo na gustong gusto ni Kuya Germs na mainterview siya kahit na sa kabilang channel.Maganda ang sagot nila when asks about Kris and Aljur.
So ang masasabi ko lang na hindi niya puedeng gawin yan kay Coco lalo na magkapatid ang role nila sa KTM.
At above all, talagang hindi si Kim ang tipo na nanlalait.Hindi niya kayang gawin yun.

Hats off ako kay Kris dahil sa concern niya kay Kim. Kinacareer ni Kris ang to be a surrogate mother niya kay Kim.
To Kris:Our heartfelt gratitude for your care and love kay Kim. We are praying for you too that God will always shower you His bountiful blessings.

Kaya very lucky ang guy na magiging lifetime partner niya, kasi hindi marunong magsalita at gumawa ng masama si Kim. Kahit na may hindi magandang nangyari sa family niya yet positive ang lahat na ginagawa niya, kaya she is so blessed.

KIm and Gerald are both blessed...sabi nga ni Kuya of PBB..binabalik
lang lahat ng kabutihan na binibigay nila sa mga tao. Thanks BRO,
you're always there to guide them. Kimeralds will always be there to
support them--vote now for accesspinoy hotpicks- sino pa at wala ng
iba--KIMERALD. God bless us all!!!

Whoever wrote those nega things on KIM obviously insicure' i may not know her personally but sa PBB since day 1 'til now i've been following K/G there's no negativity fr them towards other people, sila nga lang lagi ang ginagawa-an nang masama, pero na be BLESSED lang sila lagi kasi pure ang heart nila.

Kim you know ang cute mo lalo sa role mo sa KTM. Super bagay sa 'yo ang mga outfit mo. D2 sa UAE super dami kaming KIMERALD solid. Sana tigil na ang pag karoon nang scene si GE with ME, start na ang moment nyo hindi naman maka help yan siya, even she won't be around hindi siya kawalan. KIMERALD lang solid kami.

To abs cbn - please more kimerald scene instead of ME and ge scene. Please keep in mind, we want kilig from kimerald not "YAIKS" expressions everytime we see ME scene. MORE SCENES FROM KIMERALD = VERY VERY VERY HIGH RATING. PLEASE MODIFY THE STORY AND GET RID OF ME FROM THIS TELESERYE. IF GE NEEDS ANOTHER FRIEND, PLEASE GET SOMEONE ELSE LIKE MAJA, SHAINA OR ALEX GONZAGA WHO CAN DELIVER THE PARTS BETTER THAN ME. FANS AND SUPPORTERS REALLY WANT THAT ME OUT FROM THIS TELESERYE. SHE DOESN'T HAVE THE HATAK = WE HAVE THE MIX FEELINGS OF NOT WATCHING THE KTM BECAUSE OF THAT GIRL. WITH TAYONG DALAWA WE ALWAYS ANTICIPATE GOOD EPISODE AND LOOKING FORWARD (VERY EXCITED) TO WATCH IT DAILY. GET THE POINT "PAMPAGULO" ANG GIRL NA ITO IN KIMERALD TELESERYE. WE WANT HER OUT. IF ABS CBN WANTS THIS GIRL TO SHINE, GIVE HER OWN TELESERYE LIKE WHAT THEY DID TO BANGS AND AND ANDI EIGENMAN (HER COUSIN). FROM: CALIFORNIA, US

ay sus....gusto lang manira

Post a Comment