Article

1

Posted on : Tuesday, July 21, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu ninerbiyos kay Ate Vi
Beth Gelena ( Journal Online ) 07.21.09

Isa lang si Kim Chiu sa talent ng Star Magic ang nagwo-workshop para sa isang Vilma Santos role sa nalalapit na Vilma Santos Special ng ABS-CBN.

Katunayan, kabang-kaba ang young actress habang umaarte sa harap ng Star For All Seasons at Batangas governor.

Very proud si Kim dahil siya ang napili ni Ate Vi na na umarte sa pelikula nitong

Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story at na-impress si Ate Vi habang pinapanood ang tsinitang aktres.

“Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko dahil sobra akong kinakabahan. Umarte ako sa harapan niya. Ginaya namin siya pagkatapos naming mapanood ang clipping ng pelikula,” sambit ni Kim.

Ang Dolzura Cortez ay istorya ng kauna-unahang Pinay na naging biktima ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) at isa sa naging blockbuster movie ni Gov. Vi.

Sinabi pa ni Kim na hindi niya kayang pantayan ang husay ng actress-politician sa pag-arte.

“Hindi ko kayang ma-ging Ate Vi. Sobrang galing niya,” aniya.

Malaking karangalan daw kung isa siya sa mapipili na gaganap bilang Vilma Santos sa nalalapit na special ng ABS-CBN.

Comments (1)

WOW naman| GErald was selected by Christopher De Leon to follow his footsteps and Kim was selected by Vilma Santos. Go go Kimerald! Be humble both of you always and more blessings will come to you.

Post a Comment