Article

3

Posted on : Monday, April 27, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu, a liar?
Cristy Fermin ( Pinoy Parazzi ) 04.27.09
Kailan kaya magpapakatotoo sa buhay si Kim Chiu? Nanghihinayang kami sa dalagang ito. Bukod sa maganda na siya, magaling pa siyang umarte at nakuha niya ang puso ng publiko.

Pero may hangganan ang pang-unawa at pasensiya ng ating mga kababayan. Baka isang araw, maramdaman na lang ni Kim na malamig na pala sa kanya ang publiko, may iba nang hinahangaang kabataang aktres dahil sa madalas niyang pagde-denay ng mga nagaganap sa kanyang buhay.

Okey pa namang magpa-cute si Kim, nasa edad pa siya kung saan kinikilig ang isang nililigawan o isang nagmamahal. Hindi pa siya nakakahilas tingnan habang kinikilig.

Ang tanong lang ng bayan, bakit kailangang ipagkaila pa niya ang pakikipagrelasyon kay Gerald Anderson, samantalang open-secret naman ‘yun sa mga taga-showbiz?

Nagyayakapan sila at naglalambingan, apektado si Kim kapag nakararating sa kanya na may pinagpapapogian ang binatang aktor. Pero bakit kapag humaharap siya sa mga camera para sa interbyu, todo ang kanyang pagdenay?

Meron pa siyang kaartehan na ayaw niyang magbigay ng message para kay Gerald. Bakit daw, samantalang hindi pa naman sila magkarelasyon?

Aysus! Kung sana’y may bibig ang mga dingding at sahig ang mga lugar na pinupuntahan nila. Kung sana’y may sariling kolum din ang mga dingding, isang malakas na sampal ang isasagapak nu’n kay Kim na napakahilig mag-denay.

Dahil maganda siya at bata pa, masarap panoorin ang pagpapa-cute ni Kim. Pero sa mga piling situwasyon lang. Hindi kapag ang lantad na nilang relasyon ni Gerald Anderson ang pinag-uusapan.

Kunsabagay, hindi lang naman ang publiko ang niloloko ni Kim sa kanyang pagdedenay. Niloloko niya, unang-una ang kanyang sarili.

Comments (3)

Eh an0 bang pakielam m0 cristy fermin??? Buhay nia yun anD my mga bagay tlaGa nAH dpat pag-icpan ng mabuti bag0 ipagcgawan xah lhat...! plibhasa gus2 m0h lhat ng ckret0 puEdenG ibuLgar!...

korek ka frend!!!! hindi lahat ng secreto ibulgar dapat pag isipan yan kahit si kim ay isang sikat na artista hindi nlng sa ganon na ganon ibubulgar nya lahat... si cristy fermin pa walang magawa sa buhay kung hindi pangsiraan lang.. kasi yon ang trabaho nya!!! gets mo...kasi si kim famous na maganda....

naaartehan na ako ngayon kay kim... mas gusto ko siya nung nsa pbb pa.. ngayon piling ko madalas siyang pacute

Post a Comment