Article

1

Posted on : Friday, April 17, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu's wish for her 19th birthday: "Maipatayo ko na sana ang sarili kong bahay sa Loyola Grand Villas."
Nora Calderon ( PEP ) 04.17.09
Isang masayang birthday celebration ang ibibigay ng ASAP '09 kay Kim Chiu para sa kanyang 19th birthday sa Sunday, April 19, the exact date of her birthday.

Nang makausap si Kim ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, April 16, sa solo birthday presscon sa kanya ng Star Magic sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, tinanong namin siya kung ano ang kanyang birthday wish.

"Maging successful pa po ang aking showbiz career ko at maipatayo ko na sana ang sarili kong bahay sa LGV [Loyola Grand Villas] in Quezon City. Iyon pong 600-square meter lot sa LGV ang birthday gift ko sa sarili ko," nakangiting sagot ni Kim.

Ilang rooms ang kanyang magiging bahay?

"Ginagawa pa po ng architect ang plano ng bahay, pero hindi ko pa alam kung ilang bedrooms ang gagawin niya. Pero American modern Zen style po ito."

Tumawa si Kim sa tanong kung paano niya binayaran iyong 600 sq. m. lot to think na isang exclusive subdivision ang LGV.

"Secret na lang kung paano ang bayaran!" natatawa niyang sabi. "Basta sa ngayon po, naibenta ko na yung napanalunan kong condo unit sa Pinoy Big Brother Teen Edition at nagri-rent lang po ako diyan sa Xavierville. Wala naman akong naipundar pang bahay sa Cebu, nakatira po ang mga kapatid ko sa lola ko doon. Nakaipon lang po lahat ang pera ko para sa pagpapatayo ng bahay."

Open naman si Kim sa pagsasabing after makipag-usap sa kanya ang mommy niya noong nasa PBB house pa siya, hindi na ito nagparamdam hanggang ngayon. Pinayagan na raw naman siya ng daddy niya na mag-solo dahil nasa Mindoro ito, kasama ang bagong pamilya nito. Pero bago raw siya pinayagang mag-isa, marami muna itong itinuro sa kanya ang ama nang nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

"Masaya na po ako kahit wala sila dahil darating naman dito sa birthday ko ang mga kapatid ko from Cebu," sabi ni Kim. "Napagkasunduan na namin ito ng mga kapatid ko nang doon ako magpalipas ng Holy Week last Holy Thursday at Easter Monday na po ako bumalik ng Manila dahil may taping na ako ng Tayong Dalawa."

BIRTHDAY GIFT. Isang 14 cu. ft. two-door refrigerator pala ang birthday gift ni Kim kay Gerald Anderson noong birthday nito. Iyon daw ang ibinigay niya dahil wala siyang maisip na iregalo kay Gerald.

Kung sakaling tanungin siya ni Gerald kung ano ang gusto niyang birthday gift, ano ang hihilingin niya rito?

"Ayoko na pong magsabi dahil baka ibigay na naman niya!" natatawang wika ni Kim. "Last year po, tinanong ako ng mga fans kung ano ang gusto kong gift na matanggap sa birthday ko. Sabi ko, isang pink car. Nagulat po ako na 'yon ang ibigay sa akin ni Gerald. Ipinatanong pala niya kung ano ang birthday gift na gusto ko. Nasa akin pa po ang pink car, idina-drive ko 'yon kapag malapit lang ang pinupuntahan ko."

MUTUAL UNDERSTANDING. Speaking of Gerald, noong birthday nito last March ay sinabi niyang may mutual understanding na sila ni Kim. Totoo ba ito?

"Opo, totoo po na MU na kami," pagkumpirma ng dalaga. "Pero walang saraduhan, wala po kaming commitment sa isa't isa. Hindi lang kami talaga nakakapag-date ngayon, kasi pareho nga kaming busy. Okey na po 'yon dahil lagi naman kaming magkasama sa taping. Bukod po sa taping ng Tayong Dalawa, sunud-sunod din ang shoot ng mga TV commercials namin."

May nagbiro kay Kim kung siya ba ang nagre-request sa agency ng mga ini-endorse niya na isama si Gerald palagi.

"Naku, hindi po!" mabilis niyang tugon. "Pero natutuwa po ako kapag nalalaman ko na magkasama pala kami sa isang commercial shoot."

Sa ngayon, nakikipaglabanan na si Kim sa paramihan ng product endorsements.

Ngayong nagsasarili na siya, hindi ba nag-aalala ang daddy niya at mga kapatid niya kay Gerald?

"Okey po sa kanila si Gerald at kilala po siya ni Daddy. May tiwala po sa kanya ang family ko," sagot niya.

EMPRESS SHUCK. Tinanong ng PEP si Kim kung ano ang reaksiyon niya sa lumabas na report na si Empress Shuck daw talaga ang girlfriend ni Gerald at dalawang beses na raw itong nakitang nanggaling sa condominium unit ng young actor.

"Hindi po totoo iyon, friend po namin si Empress," mariing tanggi ni Kim. "Saka matagal na pong wala si Gerald sa condominium niya, nakalipat na siya sa bago niyang bahay."

GERALD-SARAH TANDEM? Ano ang naging reaction niya nang masulat na itatambal si Gerald kay Sarah Geronimo, na ayaw tanggapin ng kanilang mga fans.

"Hindi naman po totoo, pero nalungkot din ako nang una ko iyong malaman," pag-amin ni Kim. "Parang hindi ko po maisip na magkakahiwalay na ang love team namin. Hindi ko po alam kung kaya kong mag-isa. Hindi ko alam kung kailan kami magkakasama ulit. Ang alam ko po, after ng Tayong Dalawa, may gagawin kaming movie ni Gerald. Pero hindi ko pa po alam kung ano ito, pinag-uusapan pa raw sa Star Cinema."

Tinanong si Kim kung ano ang comment niya sa mga sinasabi ng viewers na kay Jake Cuenca nakasentro ang story ng Tayong Dalawa. Ayaw kasing pumayag ng ibang fans na si Jake ang bida at sa kanya siya mapupunta at hindi kay Gerald.

"Nasa kuwento naman po 'yon. Di po ba nawala si Jake dahil akala natin patay na siya, kaya po sa amin na ni Gerald nasentro ang story? Ngayon pong bumalik na si Jake, sa kanya naman po nakasentro ang story. Hindi ko pa po alam kung ano ang iba pang mangyayari at kung paano mag-i-end ang story. Matagal pa po kasi itong mapapanood," saad ni Kim.

KIM'S PLANS. Hindi ba siya napapagod, parang hindi na siya tumitigil magtrabaho?

"Hindi po, hindi ako napapagod, hindi po ako nagrereklamo. Basta inaalagaan ko lang po ang health ko. Gusto ko pong mag-ipon nang mag-ipon dahil alam naman natin ang buhay ng mga artista, hindi mo alam kung hanggang kailan ka magtatagal sa showbiz. Kung dumating po 'yong time na wala na akong trabaho, may naipon na ako.

"Kaya kukuha po ako ng acceleration test sa Department of Education para maka-graduate na ako ng high school. Fourth year na po ako dapat nang mag-join sa PBB. Gusto ko pong kumuha ng business management dahil gusto kong mag-negosyo kung may time na ako," sabi ni Kim.

Comments (1)

Hi Shapap,

Thanks for updating us about KIMERALD. I hope they will have a movie togetherand visit their fans in Australia.

Post a Comment