Article

0

Posted on : Friday, March 20, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson, into one-night stands?!
Dinno Erece ( Pinoy Parazzi ) 03.20.09
Hindi raw nakikipag one-night stand si Gerald Anderson.

Beinte anos na ang Star Magic golden boy last March 7 at third year na niya ito sa showbiz after ma-discover sa PBB Teen Edition I. Masuwerte ang 2009 sa binata; malakas pa rin ang tambalan nila ni Kim Chiu – thanks sa kanilang hit primetime soap Tayong Dalawa – nadagdagan ang endorsements niya, may bago siyang gagawing pelikula at natapos na rin ang bahay niyang ipinagawa at malapit na niya itong tirahan.

At dahil sikat, dumarami na rin ang intriga sa kanya. Naging blind item si Gerald na mahilig daw itong mag-one night stand pero tinawanan lang nito ang tsismis. Hindi niya naman daw naging ugali ang ganitong mga panandilang-aliw. Siya raw kasi puro bahay-trabaho lang. Paano pa siya magkakaroon ng oras na magsubok ng mga ganoong bagay? At least isa sa maganda kay Gerald, tinatawanan lang ang mga ganitong balita.

Ang iba riyan, nagagalit agad. Not Gerald though.

Comments (0)

Post a Comment