Article

0

Posted on : Friday, March 20, 2009 | By : shapap | In :

Kim gives Gerald a P100T ref
Regge Bonoan ( Pinoy Parazzi ) 03.20.09
Gaano katotoo na ang huge Panasonic Stainless Steel refrigerator na birthday gift ni Kim Chiu kay Gerald Anderson last May 7 ay almost hundred thousand pesos ang presyo?

Base sa ibinigay naming presyong P35,000 ng nasabing stainless steel ref na bigay ni Kim, umiling si Gerald. More than pa raw ang presyo at ayaw na lang niyang banggitin dahil nga sobrang laki as in mas matangkad pa raw sa kanya ang nasabing ref.

Pangarap pala ng batang aktor ang nasabing ref na ilalagay niya sa bagong bahay niya at hindi lang siya nagkaroon ng time na bilhin ito, kaya laking gulat daw niya nu’ng umuwi siya galing sa Tayong Dalawa taping, nakita niyang may malaking kahon sa harap ng pintuan niya.

“Alam kong ref kasi nakakahon, but I didn’t know na ‘yung gusto ko pala ang ibinigay niya kaya sobrang tuwa ko talaga,” say ni Gerald.

Sabagay, bongga naman talaga si Kim mag-regalo at kung gumastos nga, parang pinupulot lang niya ang pera. Dahil nu’ng nag-shopping siya sa Guam, kung saan ginanap ang ASAP late last year, umabot sa P150,000 ang pinamili niyang candies at butingting lang, wala pa ang mga branded na gamit niya, huh.

Hindi uso talaga sa mga bagets ngayon ang recession, palibhasa ang lalakas kumita.

Comments (0)

Post a Comment