Article

0

Posted on : Saturday, March 28, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson says Kim Chiu’s gift is perfect for his new home
Ador Saluta ( ABS-CBN Interactive ) 03.28.09
Heartthrob Gerald Anderson turned 20 last March 7. Gerald, whose real name is Gerald Randolph Anderson Jr., is still surprised kung bakit big star na siya ngayon. "Hindi ko naman pinangarap na pumasok sa showbiz. Noong 16 (years old) ako, sobrang mahiyain ako." unang pahayag ni Gerald sa ABS-CBN.com.

For his birthday, niregaluhan siya ng isang higanteng refrigerator ng kanyang ka-love team na si Kim Chiu. Parang unusual naman ang regaling ito ni Kim. "Isang napakalaking ref, double-door. Sobrang gulat ko talaga as in napakalaki, mas malaki pa sa akin," nakangiting pahayag ng aktor. "Alam kasi niya (Kim) na bibili ako ng ganu'n ref para sa kusina ko. The next thing I know, ando'n na." Very timely ang pagkakabigay sa kanya ng ref dahil inuumpisahan na nitong i-furnish ang kanyang bagong gawang bahay na may sukat na 320sq meters at worth P7-M sa may Commonwealth, beside Tivoli Royale. “Next week na siguro ang blessing sa house. Doon ko na rin ise-celebrate ang birthday ko. Bale, thanksgiving na rin."

After Pinoy Big Brother, aminado si Gerald na siya'y financially stable na. Napakasaya daw ng pakiramdam noong magkaroon ito ng P1-M sa kanyang savings. "Grabe talaga, sobrang saya. Imagine, ang unang talent fee ko sa Love Spell, three thousand lang. Kung tutuusin, pang-gas ko lang," tawang-tawang kuwento ni Gerald. "From three thousand, naging five thousand at ngayon, I can say na sobrang blessed ako." Tapos na ng high school si Gerald at nasa kanyang priority ang pagtatapos sa kolehiyo. "Maybe, 'pag nagkaroon ng bakante, isisingit ko rin ang pag-aaral. Right now, hindi ko pa alam kung ano'ng kurso ang kukunin ko."

Isa pang magandang regalo para sa binata ay ang mataas na ratings ng Tayong Dalawa. Ayon na rin kay Gerald, inspired siya sa project and at the same time he's working with veteran actresses and of course, Kim. “At saka ito yong dream role ko talaga. No'ng ‘di pa ako artista, i wanted to become a soldier, kaya nga dito (Tayong Dalawa) nakaka-relate ako, ito yong way to express myself. Talagang mahal na mahal ko ang role ko dito," pagmamalaki pa ni Gerald.

Andaming fans na nagri-react din sa mga balitang after Tayong Dalawa, may balak daw silang paghiwalayin ni Kim? Si Gerald sa ibang kapareha, same with Kim na ipapareha din sa ibang aktor? "Hindi pa tapos ang Tayong Dalawa, maghihiwalay na kami?" ang gulat na sagot ni Gerald, sabay tawa. May mga balita na kasing ipapartner siya sa Box-Office Queen na si Sarah Geronimo. "Wala pa namang official na offer at wala pang sinasabi ang Star Magic regarding this, kung gagawa kami ni Sarah. Actually, me and Kim are doing a movie at sa July ito iso-showing." agad niyang depensa.

Sa dami ng endorsements ni Gerald, like Enervon, Whispers, Glamlab cologne, at Bench, dito sa huli ang pinakakaabangan ng lahat, kung siya ba'y magkakaroon ng sexy pictorials, gaya ni Dingdong Dantes na pinagsuot ng briefs sa isang underwear commecial-billboards? "Kay Dingdong na lang siguro 'yon. I can't, lalo na 'pag nagsusuot ng briefs. Hindi pa ako handa. Maybe sa 2010," huling comment ni Gerald.

Comments (0)

Post a Comment