Articles

0

Posted on : Wednesday, April 16, 2008 | By : shapap | In : , ,

- Kim, imbeyerna sa girl na nagpa-cute kay Gerald! 04.17.08
- Gerald, 'di apekatado na 2nd choice lang 04.17.08
- Kim, pwede pa kahit kaninong lalaki! 04.17.08
- Gerald, deadma sa tsismis! 04.17.08
- 'My Girl' turns 18! 04.17.08
- Gerald as Julian 04.16.08
- Gerald, happy sa relationship nila ni Kim! 04.16.08
- Dalaga na si Kim Chiu! 04.16.08
- Hip-hop ang cotillion sa debut party ni Kim! 04.16.08
- Pink na kotse ang wish ni Kim! 04.16.08
- Kim Chiu, sabik nang makita ang ina! 04.16.08
- Acting workshops for 'My Girl' Cast 04.13.08
- Debut party ni Kim, ipapalabas sa 'ABS-CBN Sunday's Best' 04.13.08
scans c/o ate lian



Kim Chiu excited over her 18th birthday celebration
Julie Bonifacio ( PEP ) 04.17.08

Excited na ang kauna-unahang Pinoy Big Brother Teen Edition big winner na si Kim Chiu sa kanyang bonggang 18th birthday celebration sa April 26, sa The Glass House sa Pasig City. Ang actual birthday ni Kim ay sa Sabado, April 19.

Tatlong gown ang nakalinyang isusuot ni Kim na gawa ng designer na si Francis Libiran. Isa para sa grand entrance niya, isa para sa sayaw, at yung pangatlo ay para sa party. Ang ka-love team at kasamahan dati sa PBB na si Gerald Anderson ang escort ni Kim sa kanyang debut party.

May inihanda na bang regalo si Gerald sa kanya?

"Hindi naman mahilig sa gift ang taong yun kung walang special occasion. Ewan ko , wala siyang sinasabi. Hindi ko nga alam kung naaalala niya ang birthday ko," may himig-tampong sagot ni Kim sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Last Sunday sa ASAP '08, binigyan si Kim ng special 18th birthday celebration kung saan kabilang sa mga nagsayaw sa kanya ang kanyang ama.

"Opo, nagulat ako nung sumayaw siya. Kaya lang naputulan siya kasi ‘tapos na ang kanta."

Alam daw ni Kim na darating ang papa niya sa ASAP '08.

"Nakakatuwa kasi yung costume a la Mano Po raw. Sabi niya, ‘Ano yung susuutin ko? Yung sumbrebro na may mahabang buhok?' Magwi-wig daw siya. Sabi ko, ‘Huwag na, yung simple lang.' Pero hindi ko maisip na sasayaw siya sa ASAP," natatawang kuwento pa ng dalagang Cebuana.

WISHING FOR MAMA'S RETURN. Meron ba siyang special wish sa kanyang 18th birthday?

"Hiling ko na super-special, na sana magparamdam man lang sa akin yung nanay ko. Kahit konti lang, kahit slight lang."

Anong gagawin niya kapag dumating ang mama niya sa debut niya?

"E, siyempre yayakapin ko siya. ‘Tsaka ano, nakakagulat kasi ang tagal-tagal na. Nine years old pa lang ako nung iwan niya ako. Ngayon, 19 na ako. Kaya ‘ayun."

Nami-miss din niya ang kanyang mama?

"Oo naman, syempre. Kahit sino naman nami-miss ang sariling ina."

Magiging masaya raw si Kim kahit isang araw na mabuo ang kanyang pamilya lalo na sa kanyang birthday.

"Imposible kasi siyang mangyari, e. Kaya kung mangyayari man yun, siyempre magpapasalamat ako kay God. Sobrang suwertre ko siguro sa birthday kong yun. Yun ang birthday ko na hindi ko malilimutan."

Bakit niya nasabing imposibleng mangyari? Gaano ba kalayo ang mama niya?

"Hindi ko alam. Wala kaming alam kung nasaan siya, kung ano ang ginagawa niya."

Pero sigurado ba siya na buhay pa ang mama niya?

"Ewan ko. Hindi ko rin alam," unsure na sagot ni Kim.

Baka sakaling mabasa ng kanyang mama ang artikulong ito meron ba siyang mensahe sa kanyang mama?

"Ah, kung nasaan ka man ngayon, mag-iingat ka diyan. ‘Tsaka sana okey ka."

BIRTHDAY GIFTS. Ano naman ang birthday gift niya sa sarili?

"Nakabili na ako, e. Yung malaking aircon sa sala. Kasi ang mahal. Sabi ko sige na nga, ito na lang ang gift ko sa sarili ko. Lalo na ngayong summer kaya kailangan ng aircon."

Suut-suot naman ni Kim ang set na gold necklace and earrings na may malalaking pearl na bigay ng Auntie Helen niya sa Cebu sa birthday presscon niya. Bukod sa mga nabanggit, meron pa ba siyang gusto sa birthday niya?

"Wish ko, sana magkaroon ako ng kotse na kulay pink. Wish ko lang po yun," natatawang tapos ni Kim.

COMING BACK TO CEBU. Nung huling guesting niya sa The Buzz last Sunday, tinanong siya ng guest co-host ng show na si Anne Curtis tungkol sa kanyang first kiss. Ni-reveal niya na natikman niya ang kanyang first kiss not from co-star Gerald Anderson, but from her ex-boyfriend back in Cebu.

"Si Gerald po, sa I've Fallen For You, kiniss niya ako. Offcam? Sa ex [boyfriend] ko lang po," kuwento pa ni Kim.

Bahagi ng TV special ni Kim for her 18th birthday ay ang homecoming niya sa Cebu. Nakita ba niya roon ang kanyang ex-boyfriend noong nag-tape na sila roon for her TV special?

"Hindi, e. Tinawagan lang kasi kung sino yung pupunta sa school, kung sino ang available."

Ano nga ba ang nangyari sa pag-uwi niyang muli sa Cebu?

"Ah, nung pagdating ko, pumunta kami agad doon sa store [tindahan ng lola niya]. Pinakita yung sinasakyan ko, kung anong number ng jeep papunta doon. ‘Tsaka ano, kung saan ako lagi naglalakad, sa may school. Ano ang ginagawa namin ng mga classmates ko," kuwento pa ni Kim sa kung ano ang mga kinunan para sa kanyang TV special.

"Pagkatapos ng klase nagba-basketball kami lagi ng mga classmates ko, ‘ayun. Marami, maraming-marami," tukoy ni Kim tungkol sa kanyang fun memories nung nag-aaral pa siya noon sa Cebu before PBB Teen Edition happened. "Na-miss ko nga ang Cebu. Ang dami nang nagbago. May mga stores na sa Fuente. Nawala na yung dating kinakainan namin ng mga kaklase ko."

PREVENTING PREGNANCY. Sa edad ni Kim ngayon, may mga kabataan nang nabubuntis. Ano ang gagawin niya kapag nangyari sa kanya ang ganun? Ano ang gagawin niya para hindi siya mabuntis agad tulad ng iba?

"Ah, unang-una, nasa isip ko na yun. Ang dami ko nang napapanood sa TV ngayon na nabubuntis. Pero ako, ayoko. Priority ko kasi ang pamilya ko.

"Kung mabuntis ako mawawalan na kami ng kabuhayan. Kasi itong showbiz lang talaga yung kinakapitan namin. Ako kasi yung breadwinner ng pamilya ko. Kapag nabuntis ako siyempre wala na. Wala nang career, wala na lahat. Saan na mapupunta ang mga kapatid ko?

"Kaya yung love life, huwag muna yun. Darating naman yung time na magkaka-baby. Magpapakasal muna, ganyan."

WHAT TO EXPECT ON HER DEBUT PARTY. Ano naman ang magaganap sa kanyang debut on April 26?

"Ito ang unang-unang modern debut na gagawin. Hindi na siya old style na debut na may 18 roses. Naka-gown kami pero nakausot kami ng rubber shoes."

Si Kim daw mismo ang gumawa ng listahan ng mga iimbitahin. Siya ang namili kung sino ang kanyang iimbitahin. Pati ba sa cotillion ay siya rin ang namili na makakasama?

"Ako rin po. Sina Olyn [Meimban], sina Brenda [Fox], si Cathy Gonzaga, si Regine [Angeles], si Wendy [Valdez)], si Carla [Humphries], si Melissa [Ricks], si Erich [Gonzales], marami sila. Sa mga lalaki naman sina Jason [Abalos], si Rodjun [Cruz], mga PBB na kasamahan ko, marami. Ano, nakaka-touch nga kasi ginagawa nila ‘yon for the love lang."

What about her friends sa Cebu?

"Yung iba darating, yung iba hindi," pagtatapos ni Kim.



Debutante Kim wants pink car
Ethel Ramos ( Malaya ) 04.17.08

Kim Chiu, grand winner of the first "Pinoy Big Brother: Teen Edition," is turning 18 on April 19. The party, however, will be held on April 26 at The Glass Garden.

"My gosh," Kim gushed. "I cannot believe I’m having a grand party. Kasi plano ko talaga was to celebrate the occasion ng walang fanfare. Ganun naman ang mga elder sisters ko. Walang anything special na nagaganap on their 18th birthday.

"I’m so thankful talaga to Star Magic for honoring me with this party."

Star Magic, which handles Kim’s career, is the talent arm of ABS-CBN.

"Ang Star Magic ang nagplano at sila rin ang mag-e-execute ng lahat na mangyayari sa party," she added.

The debutante will wear a gown designed and executed by Francis Libiran. Food will be served by Hizon’s. The decoration of the venue will be handled by Lily Flower Boutique. Souvenir items will be courtesy of Charms and Crystals.

"My debut will be totally different, I am told, from the traditional coming-out party," said Kim. "Una, hindi ako magkakaroon ng 18 roses. There will neither be a dance number where 18 teens, including the debutante, will be participating."

Her escort will be perennial movie and TV partner Gerald Anderson.

*******************************************************

We asked Kim what she wants as a birthday gift.

She smiled before answering: "Sana a car, a pink car."

Does she know how to drive?

"Yes," she quickly replied. "Minsan, kapag malapit lang ang pupuntahan ko, I usually ask my driver to allow me to drive. Kaya nga, right after my debut, I’d like to apply for a driver’s license."

From her earnings, Kim’s dad has brought her a Fortuner, which she uses to attend her commitments.

Kim, together with Gerald, will soon be seen in the horror series, "Maligno," topbilled by Claudine Barretto and Diether Ocampo. She and Gerald are also currently working on the localized version of the Korean televenovela, "My Girl."



Kim finds it difficult to act angry at her idol Claudine
Rommel Placente ( PEP ) 04.17.08

Kasama si Kim Chiu sa bagong horror series ng ABS-CBN na Maligno, kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang news reporter. Kasama rin ni Kim dito sina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Rafael Rosell, at ang kanyang ka-love team na si Gerald Anderson.

Very open si Kim sa pagsasabing matagal na niyang idol si Claudine. Kaya naman sa una nilang pagsasama sa isang proyekto ay aminado ang young actress na hindi siya makaarte nang maayos kapag si Claudine na ang kaeksena niya.

"Nahiya po talaga ako sa kanya dun sa eksena namin na magagalit na ako sa kanya, yung duduruin ko na siya. Nahihiya akong sigawan siya, nahiya talaga ako. Kasi, di ba, idol mo ‘tapos sisigawan mo, duduruin mo, sasaktan mo? Kahit po eksena lang yun, talagang nahihiya ako sa kanya," tila nahihiya pang lahad ni Kim sa presscon cum press preview ng Maligno kagabi, April 16, sa Studio 1 ng ABS-CBN.

Pero ayon kay Kim, pinayuhan naman daw siya ni Claudine na huwag mailang sa kanya.

"Sabi po niya sa akin, 'Relax lang, anak. Ganyan, ganyan.' Pero hindi pa rin ako nare-relax. Nakakalimutan ko pa rin yung mga linya ko, lahat. Pati pag-iyak ko, hindi ko na magawa.

"Sabi pa ni Ate Claudine sa akin, 'Alam ko magaling ka. Alam ko marami ka pang ilalabas. Huwag kang mahiya sa akin.' Sabi ko, ‘Nahihiya po kasi ako. Kasi po ang galing-galing ninyo. Kanina pa kayo umiiyak. Ako, hindi ko magawa.' Sabi niya, 'Huwag mong isipin na ako si Claudine. Isipin mo lang na ako yung pumatay sa nanay mo. Huwag kang mahiya na saktan ako. ‘Tapos nakailang takes, apat o lima yata," kuwento ni Kim.

Naniniwala ba si Kim na totoong may maligno?

"Opo, natatakot nga po ako ‘pag ako lang mag-isa. Kasi baka may tumabi po sa akin na something," nakakatuwang sagot ng winner ng unang Pinoy Big Brother Teen Edition.

Pero bakit tinanggap niya ang Maligno?

"Gusto ko po kasing tumanggap ng challenging role, yung kakaiba naman. Hindi yung pa-cute lang na lagi kong ginagawa sa screen. Bale first mature role ko nga po itong sa Maligno," sagot ni Kim.

"GERALD IS NOT MY BOYFRIEND." Kapag tinatanong naman si Kim kung boyfriend na niya ang ka-loveteam niyang si Gerald Anderson, ang lagi niyang sinasagot ay magkaibigan lang sila. Pero marami ang nagsasabi na may namumuo nang relasyon sa pagitan nila at inililihim lang daw nila ito.

"Ay hindi, wala po kaming inililihim ni Gerald. Kasi magkaibigan lang naman po talaga kami," giit ni Kim.

Dagdag pa ng dalaga, kung sakaling maging boyfriend niya si Gerald ay hindi nila ito ililihim.

"Aaminin po namin ito sa lahat para naman po matuwa din yung mga fans," sabi niya.

Noong hindi pa artista si Kim ay nagka-boyfriend na siya. Sa tingin kaya ni Kim ay si Gerald na ang susunod niyang magiging boyfriend?

"Hala! Hindi po natin alam. Siguro!" sambit niya.

Ano ang pinakagusto niyang ugali ni Gerald?

"Ang gusto ko sa kanya, yung pinapasaya niya yung lahat ng mga tao. Yung pagiging matulungin niya. Kahit sino ka man, tutulungan ka niya," sagot ni Kim.

Ano naman ang pinakaayaw niyang ugali ni Gerald, kung meron man?

"Yung sa mood swings. Parang okay ka ngayon, bukas hindi na. Mabait ka ngayon, bukas hindi na. May ganoon siya," natatawang pagtatapos ni Kim, na magde-debut na sa April 19.



Kim on her debut: Parang fairytale
( Journal Online ) 04.17.08
As I take my stand and get ready to soar the vast sky, it would please me to have you by my side.” The very first PBB Teens grand winner is now a lady. ABS-CBN Star Magic jewel Kim Chiu celebrates her debut on April 26 at The Glass Garden in Santolan, Pasig.

The debut will be the main feature of the television special “My Girl Turns 18” which will be aired on May 4, Sunday at 9:30 p.m. on ABS-CBN2. Her gowns for her pictorials and the debut are created by Francis Libiran. The sumptuous food will be catered by Hizon’s and the venue will be beautified by Lily Flower Boutique. Souvenirs will be from Charms and Crystals. She is very excited but at the same time, scared and a bit shy about her forthcoming celebration.

According to Kim, “Dati pinapanood ko lang sa TV ang mga debut ng mga artista at dreaming na ako ‘yon. Kaya naman this is really a dream come true for me. Para talagang fairy tale!”

Of course, Gerald Anderson will be her escort during the debut party. But she clarifies: “Hindi po ito traditional na debut party. Hip hop po ito,” she giggles. “Walang cotillion. Gusto ko naman po maiba.”

Her PBB Teens housemates will be there to celebrate with her. Of course, her whole family will support her on her special day. Will she invite her estranged mother?

“Wag na po natin siyang pag-usapan,” she pleads. “Masaya na po siya sa buhay niya.”

Kim will soon be seen on television in “Maligno.” She is very happy to be given a chance to work with Claudine Barretto. Her happiness soared to greater heights when she was surprised in a presscon where the announcement was made regarding her being the star of the localized version of the famous Korean telenovela “My Girl”. In both shows, she will still be teamed with Gerald Anderson.

For someone who has been in the industry for just a few years, Kim has quite a number of endorsements up her sleeve. She endorses Bench, Bantex, Jollibee, Whisper, PH Care, Natasha, Unisilver, Rejoice, Belo Medical Group, Close Up and Executive Optical. She is also being sponsored by Skechers USA, Skechers Time, Sheene, Monami Gel Pens, Advance Notebooks, Dr. Gan, Sepa Accessories, Charms and Crystals and ABS-CBN Interactive.



Dino Erece ( Journal Online ) 04.17.08

Hinahanda na si Kim Chiu ng ABS-CBN as the next leading lady.

Magbi-birthday si Kim this April 19. She’s turning 18 and the girl is now a lady. May isang fairy-tale motif party na inihanda ang Star Magic for her on April 26 sa The Glass Garden.

Magkakaroon din ng special taped segments sa pagbabalik ni Kim recently sa kanyang hometown sa Cebu at magiging part ito ng TV special niyang My Girl Turns 18 na ipalalabas naman on May 4, Sunday, right after PBB Teen Edition Plus.

So many good things coming her way. Magsisi-mula na ang Maligno, her first Sineserye Presents Susan Roces Collection kasama sina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Rafael Rosell and her partner Gerald Anderson.

Nakapag-pictorial na rin siya for her next solo soap, ang My Girl. Kahit sumasalang na ang PBB Teen Edition Plus, hindi pa rin siya pinababayaan ng ABS at Star Magic.



Ricardo F. Lo ( Philippine Star ) 04.17.08

ABS-CBN Star Magic jewel Kim Chiu will have her debut on April 26 at The Glass Garden. The affair will be the main feature of the TV special My Girl Turns 18 which is airing on May 4, Sunday, 9:30 p.m. Kim’s gowns for the pictorial and her debut were designed by Francis Libiran. Food will be catered by Hizon’s and the venue will be “beautified” by Lily Flower Boutique. Souvenirs are courtesy of Charms & Crystals. As she turns 18, Kim said she’s overwhelmed by all the blessings coming her way. She’s in the cast of Maligno, with Claudine Barretto reprising the role played by Susan Roces in the movie version, and she ‘s one of the favorite young endorsers (Bench, Bantex, Jollibee, Whisper, PH Care, Belo Medical Clinic among them).



Kim, Hindi pabubuntis kay Gerald!
Dondon Sermino ( Abante Online ) 04.16.08

Hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin si Kim Chiu, at hindi makapaniwala, na ang pinanonood niya noon, ang siyang mangyayari sa kanya noon.

Kuwento ni Kim, pinagpuyatan niyang panoorin sa TV ang debut special ni Heart Evangelista sa ABS-CBN 2. Gandang-ganda raw siya noon, at inimadyin na siya ang nakasuot ng gown ni Heart.

Hindi nga akalain ni Kim, na ang nangyari kay Heart noon ay magaganap din sa kanya ngayon.

Sa April 26 nga ay magsi-celebrate si Kim ng kanyang ika-18th birthday sa The Glass Garden. Ang debut ni Kim ang magiging main feature sa TV special na My Girl Turns 18, na ipalalabas sa May 4, Sunday at 9:30 pm.

Si Francis Libiran ang gagawa ng tatlong gown na susuotin ni Kim. Ang Hizon’s ang naka-assign sa pagkain, ang Lily Flower Boutique ang magpapaulan ng bulaklak sa kanyang party, at siyempre, ang Charms and Crystals ang magbibigay ng mga souvenirs sa kanyang mga bisita.

“Dati pinapanood ko lang sa TV ang mga debut ng mga artista at dreaming na ako nga ‘yon. This is really a dream come true for me. Parang fairy tale!” say ni Kim.

Naku, baka naman tumulad si Kim sa ibang kabataang artista, na matapos mag-debut ay nagpabuntis agad? Baka naman matapos ang ilang linggo, hayun ay mababalita na agad si Kim na nabuntis ni Gerald Anderson?

“Hindi po ako magpapabuntis! Mahal na mahal ko po ang trabaho ko.

“Kung mabubuntis po ako, magugutom po ang pamil­ya ko! Wala na pong ikabubuhay ang pamilya ko.

“Ako po ang breadwinner sa amin. So, pag nabuntis po ako at nawalan nang trabaho, magugutom po ang pamilya ko. Hindi ko po kaya na magutom ang pamilya ko. Takot po akong mabuntis!” prangkahang sabi ni Kim.

Kunsabagay, sabi nga ni Kim, hanggang ngayon ay hindi pa siya sigurado kung handa na siyang magka-boyfriend muli.

“Puwedeng oo, puwede ring hindi. Mahirap magsalita, dahil baka mamaya, hindi pa pala ako ready. Hintayin na lang po natin kung may manliligaw ako na magugustuhan ko,” say niya.

Siyempre, si Gerald Anderson ang inaasahan na magiging boyfriend ni Kim, lalo na at si Gerald din ang magiging escort niya sa kanyang debut.

Siyanga pala, kasama si Kim sa bagong teleserye na pagbibidahan ni Claudine Barretto, ang Maligno. At siya rin ang magbibida sa localized version ng sikat na Korean telenovela, ang My Girl.



A “hip hop” debut for Kim
Edgar O. Cruz ( Yehey ) 04.16.08

ABS-CBN Star Magic jewel Kim Chiu celebrates her debut on April 26 at The Glass Garden. She will be wearing Sketchers rubber shoes with her powder pink formal gown as designed by Francis Libiran. (Francis, BTW, designed Anne Curtis award-winning knee-length gown at the First Star Magic Ball.) And Kim is not the only one who’s doing the same but the Star Magic boys and girls (mostly housemates from “Pinoy Big Brother”) who will make up her entourage. There’s no Cotillion as Kim’s wanted. In its place, there will be a lot of current dances with Kim’s four brothers doing a special dance number. Her father and love tandem Gerald Anderson will be her last dance although Kim is not ready to say who among them will be the “last-last” dance.

According to Kim, “Dati pinapanood ko lang sa TV ang mga debut ng mga artista at dreaming na ako ‘yon. Kaya naman this is really a dream come true for me. Para talagang fairy tale!” She will be wearing two other dresses designed by Francis. The sumptuous food will be catered by Hizon’s and the venue will be beautified by Lily Flower Boutique. Souvenirs will be from Charms and Crystals. The debut will be the main feature of the television special “My Girl Turns 18” which will be aired by ABS-CBN on May 4, Sunday, at 9:30 p.m. It will also feature Kim’s return to Cebu last weekend when she traced her past, showing people and places important to her during pre-fame days.

In charge of over-all preparations including haggling for ex-deals in Star Magic’s under recognized publicity and promotions manager Erika Dylan. (You deserve promotion yourself girl!)



Sana magparamdam ang nanay ko
Vinia Vivar ( Journal Online ) 04.16.08

Handang-handa na si Kim Chiu para sa kanyang grand debut party na gaganapin sa April 26 sa The Glass Garden courtesy of Star Magic.

Nakapag-fit na siya ng kanyang gowns na gagamitin designed by Francis Libiran. Tatlong gowns ang gagamitin ng first PBB Teen grand winner at gustung-gusto ni Kim ang kulay na champagne pink.

Excited siya but at the same time, ninenerbyos dahil hindi akalaing mararanasan niya ang ganito karangyang debut.

“Dati, pinapanood ko lang sa tv ang debut ng mga artista at dreaming na ako ’yun. Kaya naman this is really a dream come true for me. Parang fairy tale,” sabi niya.

Dahil Star Magic ang nakaaalam ng lahat ng preparations for the party, ani Kim, kaunti lang ang alam niyang magaganap at hindi sinasabi sa kanya ang iba.

“Basta ang alam ko lang po, may modern cotillion. As in, modern talaga, dahil naka-rubber shoes kami habang naka-gown. Tapos magsasayaw ’yung mga kapatid ko. Silang apat. Nakakatuwa nga kasi, nahihiya sila, pero kailangan daw nilang gawin. Sabi ko nga, ‘gawin n’yo na, gift n’yo na lang sa akin.’ Sasayaw sila ng hip hop, ’yung dalawang ate ko, ’yung kuya ko, at saka ’yung bunso.

“’Yun pa lang ang alam ko,” say niya.

Alam din niyang si Gerald Anderson ang magiging escort niya, pero hindi pa rin daw niya alam kung ano ang gagawin nito. Tinatanong nga raw niya ang ka-loveteam pero hindi rin nito alam.

Ano naman ang birthday wish niya?

“Sana magparamdam man lang ang nanay ko, kahit konti lang, kahit slight lang,” she said.

Matatandaang umalis ang nanay ni Kim when she was nine years old and since then, hindi na niya ito nakita. Wala rin daw silang balita rito and hindi rin niya sure if she’s still alive.

Kahit alam daw niyang imposible na magpakita ang mother niya sa kanyang debut, kung sakali raw, siya na ang pinakamasayang debutante sa buong mundo at sobrang ipagpapasalamat daw niya ito.

Ang birthday gift naman niya sa sarili ay ang malaking aircon na binili niya para sa sala nila.

“Ang mahal kasi, kaya naisip ko na sige na nga, ito na lang ang birthday gift ko sa sarili ko,” natatawang say ng young actress.

Pero ang gusto raw niyang matanggap talaga ay isang brand new car. Kaya, paging Star Magic...

Anyway, ang bonggang debut ni Kim ay mapapanood sa ABS-CBN-2 on May 4, Sunday, 9:30 p.m., titled My Girl Turns 18.

Star Magic thanks Hizon’s catering, na siyang magke-cater ng food, Lily Flower Boutique para sa mga bulaklak na gagamitin, at Charms and Crystals for the souvenirs.



Vinia Vivar ( Journal Online ) 04.15.08

Ayon kay Kim Chiu, puwede na siyang mag-boyfriend ngayong 18 na siya.
She’s celebrating her debut on April 19 at may inihahandang malaking party para sa kanya ang Star Magic.

As everybody knows, pinakamalapit na kandidato kung sakaling magkakaroon na ng boyfriend si Kim ay ang kapareha niyang si Gerald Anderson, na siya ring magiging escort niya sa kanyang debut party.

Matagal nang usap-usapan na sila na, pero inililihim lang dahil umano sa ama ni Kim na tutol makipag-boyfriend ang anak.

Hanggang sa nabalita pang split na sila kahit hindi pa sila umaamin. Ngayon, mukhang okay na naman sina Kim at Gerald, na magkasama sa napakalaking proyektong My Girl ng ABS-CBN.

Ngayong pinapayagan na siyang makipag-boyfriend, fans are expecting na ia-announce na nina Kim at Gerald ang kanilang tunay na relasyon.



Vinia Vivar ( Journal Online ) 04.14.08

Nagsisimula na ang acting workshop ng buong cast ng My Girl na sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Enchong Dee, Cathy Gonzaga, Regine Angeles, Niña Jose at ang bagong talent na si David Chua.

Sa workshop pa lang, masaya na agad ang samahan ng mga bagets at positibo sila na lalo pa itong gaganda kapag nagsimula na silang mag-taping.

Sabi nga ni Enchong, “Sina Kimerald (Kim at Gerald), super fun to work with, lalo na with the rest of the cast. ’Yung older cast, malapit na naming ma-meet. So, we’re really looking forward to it.”

Gagampanan ni Enchong ang papel ng best friend ni Gerald na labis ding nagmamahal kay Kim habang si Niña naman ang girlfriend ni Gerald na may pagka-kontrabida.

Sa Mayo na ipalalabas ang My Girl, pero sa totoo lang, ang Kimerald fans ay halos hilahin na ang mga araw dahil sabik na sabik nang mapanood ang naturang serye.

Comments (0)

Post a Comment