Kim at Gerald, praktisado sa halikan?

0

Posted on : Sunday, June 24, 2007 | By : shapap | In :

by Rey Pumaloy
from Abante ONLINE

Malapit na palang matapos ang pelikula nina Kim Chiu at Gerald Anderson, ang I’ve Fallen for You. More than 50 percent na raw ang natapos nila.Sa pelikulang ito raw ay may kissing scene sina Gerald at Kim. At kapag kinukulit si Gerald tungkol doon, biglang namumula ang pisngi ng binata.

Sabi ng mga manunulat, bakit kailangang mamula ang pisngi ni Gerald tungkol sa kissing scene nila ni Kim, eh, madalas naman daw nila `yong ginagawa. Kumbaga, praktisado na sila sa halikan.Pero, hirit ni Gerald."Bakit namin papraktisin eh, hindi pa naman namin alam kung may kissing scene kami sa movie. Ang alam ko sa cheeks lang kami may halikan.

"Hindi namin ginagawa ‘yung ganun. I respect Kim the same way na may respeto ako sa love team naming," hirit ni Gerald.Sa tingin ba ni Gerald ay nakahahadlang ang loveteam nila ni Kim sa kagustuhan niyang manligaw sa ibang babae?"Hindi naman po. Wala rin naman sa isip ko ang manligaw sa ibang girls ngayon, kasi naka-focus ako sa career ko.

"Sayang naman ang opportunity kung hindi namin pagbubutihin ang career namin. Darating din ang time na magkakaroon kami ng panahon sa lovelife," sabi ni Gerald.

Samantala, sina Judy Ann Santos at Kristine Hermosa ang dalawang aktres na gusto pa niyang makasama.

Comments (0)

Post a Comment