Articles

0

Posted on : Saturday, June 23, 2007 | By : shapap | In :

- Kim at Gerald na-stuck sa Dorm
- Gerald, puro pimples ang mukha
c/o ate lian



from Abante ONLINE
pic c/o KIMERALD BAOs

Consistent sina Gerald Anderson at Kim Chiu sa pagdi-deny tungkol sa relasyon nila.Sa panayam namin kay Gerald, itinanggi niya ang balita na ilang buwan na ang relasyon nila ni Kim. At kung kaharap mo si Gerald, maniniwala ka talaga sa kanyang mga pinagsasabi na wala silang relasyon ni Kim.

Pero kung ang mga tao sa paligid nila ang tatanungin mo, iba naman ang sinasabi tungkol sa kanila.Sabi pa ni Gerald, sobrang close lang daw sila ni Kim. Madalas daw silang lumabas na kasama ang iba pang mga kaibigan nila.Kaya hindi na raw kataka-taka kung pagdudahan na may relasyon sila. Pero, ang totoo raw, wala talaga.

Sabi pa ni Gerald, ayaw raw nilang maapektuhan ni Kim ang trabaho nila. Na kapag nagkarelasyon daw sila, at nagkaproblema, apektado rin daw ang trabaho nila.Tinanong namin si Gerald kung type ba niya si Kim? Para kasing lumalabas na hindi niya ito type makarelasyon, kung ang pagdi-deny niya ang paniniwalaan mo.

"Hindi naman sa ayaw ko! Kilala ko naman si Kim, alam ko ang ugali niya. Pero alam namin kung hanggang saan lang kami puwede."Bata pa naman kami, at gusto ko siyang irespeto."Siyanga pala, parehong endorser ng Unisilver sina Gerald at Kim.

Comments (0)

Post a Comment