Article

1

Posted on : Saturday, October 21, 2006 | By : shapap | In :

DETERMINADONG SUMIKAT
Ambilis ng improvement ni Gerald

Tiktaktik
ni Sandy Mariano

Ang laki ng improvement ng akting ni Gerald Anderson , pinatunayan niya iyon sa kanyang pagganap sa MMK kagabi . Imagine, iyong bagets na lalaking painglis-ingles sa Pinoy Big Brother na iisipin mong hindi makapaghahatid ng emosyon ay ayu’t pinalakpakan namin sa kanyang pagganap kagabi.

Hindi naman namin sinasabing ganoon na siya kaperpekto o ubod na nang husay. Ang sinasabi namin ay ambilis ng improvement niya. Kitang-kita naman talaga ang determinasyon at ang effort na maipakita sa lahat na gusto niya talagang magkaroon ng espasyo sa mundo ng showbiz.

Sa kanyang itsura, na andami-daming nahahalina, sa karisma at ngayo’y sa potensyal sa pagganap , alam na naming malayo ang mararating ng bagets na ito.

Also , kita rin namin ang effort ni Kim Chiu na mapabilang sa listahan ng magagaling na young actress ng bansa.

Keep up the good work, guys.

Comments (1)

super like ko sila...bgay n bgay ...

Post a Comment